Chapter 19| Nag-aalala

192 13 0
                                    

Kaizar's POV

Na sa likod kami ng school ngayon. Kaming boys lang. Gumagawa kami ng paraan kung paano namin mahahanap si Sean.

"Grabe naman. Sino naman kaya susunod ang mawawala? Una si Kaizar, sunod si Sean, sino naman kaya ang next?" Sabi ni Theo habang kinakamot ang likod ng ulo niya.

"Grabe na talaga yung mga nangyayari ngayon saatin. Haysh." Sabi naman ni Gab. "Don't worry guys, mahahanap din natin si Sean. Kung si Kaizar nga nahanap natin, si Sean pa kaya." Sabi naman ni Cyrus.

"Tama si Cyrus. Basta wag lang tayo mawawalan ng pag-asa. Tawag lang ng tawag." Sabi ni Peter. Lahat naman kami tumango at tinawagan ulit si Sean.

Biglang nag ring na yung bell. Flag ceremony nanaman. Pumunta na kami sa quadrangle. Naka linya na kami ngayon.

"Si Sean?" Tanong ni Kylie saamin. "Uhm, ano, late lang siya." Sabi naman ni Theo. "Ah okay." Sabi naman ni Kylie.

---

Lunch na namin! Yes! Sakto, gutom na talaga ako eh. As in.

Lalabas na sana kami nang classroom kaso, pinigilan kami ni Kylie.

"Hep, hep, hep! Saan kayo pupunta?" Sabi niya. "Lunch?" Sabi naman naming boys. "Asaan muna si Sean? Akala ko ba late? Eh lunch na wala pa rin siya oh." Sabi ni Kylie.

"Actually, Kylie, nawawala si Sean. We tried calling him and texting him, pero no answer. Mamayang dismissal and tomorrow, we will try to look for him. Since its Friday. Pero kung gusto niyo tumulong, that would be great." Sabi ko.

"Nawawala siya?! Kailan pa?!" Tanong ni Kylie. "Kahapon lang." Sagot ni Peter.

"Tutulong kami sa pag-hahanap. Diba Kylie?" Sabi ni Cember. "Oo naman." Sabi naman ni Kylie.

Nag lunch na kami together with the girls.

Ring~~

Dismissal na. Una naming pinuntahan, ay yung bahay ni Sean. Baka nandun lang siya.

Niring namin yung door bell. Binuksan naman ito ng guard nila. "Uhm, manong guard, nandito po ba si Sean?" Tanong ko. "Opo, Sir. Na sa kwarto niya po, may sakit po siya." Sagot ng guard. Nag-tinginan naman kaming lahat.

"Ah sige po. Thank you." Sabi ni Theo. Pumasok na kami sa loob ng bahay ni Sean. Umakyat kami sa kwarto niya. Pero syempre, dahan-dahan lang.

Naka-higa siya sa bed niya. Nanonood ng Spiderman 2. Nagulat naman siya nung nakita niya kami.

Napa-upo siya. "Oh, ano ginagawa niyo dito?" Tanong niya. "Akala kasi namin nawawala ka. Kaya pumunta kami dito baka kasi nandito ka lang. Yun pala, may sakit ka. Di mo man lang sinagot yung mga tawag at texts namin sayo." Sabi ko.

"Ay sus. Ano kasi, naka power off yung phone ko. Sorry." Sabi niya naman. "Bastos ka. Nag-alala pa tuloy kami sayo. Lalo na si Kylie." Sabi ni Theo.

Lahat naman kami napa-tingin kay Kylie. "Bakit naman ako mag-aalala sa Seanak na yan? Anyways, aalis na ako. May dinner pa ako with my family. Bye!" Sabi ni Kylie. Aalis na sana siya kaso tinawag siya ni Sean.

"Bakit?" Lumingon si Kylie kay Sean.

"Napatawad mo na ba ako?" Tanong ni Sean

"Oo na. Sige na." Sagot naman ni Kylie. Napa-ngiti naman si Sean sa sinabi ni Kylie. "Talaga bang may dinner ka with your family?" Tanong ni Iella.

"Oo. Bakit?" Sagot naman ni Kylie. "Eh diba, tayo yung may dinner. Tayong A5? Kasi may pag-uusapan pa tayo?" Sabi ni Iella. "Ay oo nga pala. Pero seryoso, may dinner ako with my family. Bukas nalang, mag kita tayo sa bahay ko. Okay? Bye guys! Mag pagaling ka Seanak ah." Sabi ni Kylie at umalis na siya.

"Kikiligin na yan!" Sigaw naming lahat kay Sean. Ngumiti naman siya. HAHAHAHAHAHA!!!!!!

---

Kylie's POV

Nakarating na ako sa bahay. And nag dinner ako with my family. Minsan nalang kasi kami mag dinner together, palagi kasing busy sila mom and dad eh. Kaya ayun.

The next day...

Saturday ngayon, which is good. Kasi nakakatamad na talaga pumasok. As in. Ang dami kasing projects chuchu.

Naglalaptop lang ako, biglang may kumatok sa pintuan ko. "Pasok!" Sigaw ko naman. Bumukas naman yung pintuan. Si manang lang pala.

"Ma'am, andyan na po yung mga kaibigan niyo sa baba." Sabi ni manang. "Ah sige po manang, papuntahin niyo nalang po sila dito sa kwarto ko." Sabi ko. Tumango nalang si manang at sinara na ang pintuan.

After ng mga 50 seconds, bumukas na ang pintuan at ang ingay na.

Yung iba naka upo sa sofa ko at yung iba sa sahig, tapos ang iba sa bed ko. Actually si Cember ang na sa sahig, si Lexi at Iella na sa sofa, ako at si May naman ay na sa bed ko.

Iba't iba ang pinag-uusapan namin. After nun, nag plano na kami para sa susunod naming gagawin.

Maganda ang pangalawa naming plano. Tignan lang natin kung makalapit pa yung ahas na yun saamin.

---

School...

Naglalakad kaming A5 dito sa hallway ngayon. Kung ano-ano lang ang mga pinag-uusapan namin.

So ayun, di namin namalayan na nandito na pala kami sa soccer field. Dahil siguro tawa kami ng tawa. HAHAHAHA!!

Paano, asaran ang nangyayari dito. Lahat kami tumigil sa pagtatawa. Kasi nakita namin si Kaizar at Maine nag-uusap.

Medyo malayo sila saamin, pero nakikita pa rin namin sila. Na sa mango tree silang dalawa.

"Muhkang, seryoso ang pinag-uusapan nila ah." Sabi ko. "Halata naman. Tignan mo si Maine oh, umiiyak." Sabi ni Lexi.

"Hala. Oo nga noh." Sabi naming tatlo maliban kay Cember at Lexi. Si Cember tahimik lang siya. As always.

"Cember, you good?" Tanong ko. "Oo naman. Bakit mo natanong?" Sagot niya.

"Uhm, nothing." Sabi ko naman. Tumingin na ulit kami kela Maine at Kaizar.

Bakit kaya umiiyak si Maine? Ano kaya yung mga sinasabi ni Kaizar kay Maine at umiyak siya. Uhmmm???

Nagulat kami kasi pinapalo ni Maine yung chest ni Kaizar habang nag-sasalita at umiiyak siya.

"Uy guys! Malapit na mag start yung klase! Tara na!" Sigaw ng mga boys, kaya naman napa-lingon kami. At nag 'shh' sign kaming girls. Kaya tumahimik naman sila.

"Bakit?" Tanong ni Sean. "Nag-uusap sila Kaizar at Maine oh." Sabi ni Iella, at tinuro niya ito. "Ahh." Sabi naman nang boys.

"Pero iwan na natin sila. Ayaw kong malate sa next subject. May quiz pa tayo." Sabi ni Cember. "Nerd." Sabi naman nang boys. Lahat kami nagtawanan.

Pumasok na kami sa classroom. Sakto lang pala kami. Actually, medyo maaga pa nga eh.

He's BackWhere stories live. Discover now