Chapter 27| Christmas Party

149 13 0
                                    

Cember's POV

December 7, 2018...

Since nakalagay sa wish list ni Kaizar ang perfume, yun nalang yung binili ko. Kesa naman hoodie at t-shirt ang iregalo ko dun. Di ko alam size niya eh. Kaya perfume nalang ang naisip kong iregalo.

Okay na yun, atleast may regalo ako. HAHAHAHA!!

*school*

Madaming pagkain ngayon sa loob ng classroom. Pinadala kasi kami ni Sir ng pagkain. Since 30 kami dito sa classroom, madami yung pagkain. HAHAHAHA!!

Mamaya na yung exchange gift kasi ngayon, may program kami. Kaya mamaya pupunta kami sa gym. Kasi doon mangyayari yung program at presentation ng buong school.

After naman daw nun, kainan na tapos exchange gift na daw. May break naman daw, sabi nila.

Pumunta na kami sa gym. May mga upuan kaya umupo kami. Malamang.

9 palang ngayon, ang pasok namin is 8. So 1 hour palang ang nakakalipas. Pero sabi nila, break na! Balik daw kami ng mga 10. Tapos 10 hanggang 12 yung program ulit. Tapos kainan nanaman and then exchange gift na.

Halos lahat ata excited sa exchange gift. Kahit nga ako di ko na mahintay eh. Sino kaya nakabunot saakin??? Bahala na nga. Malalaman ko naman yun mamaya eh.

---

Ngayon, time na para sa exchange gift!!!!!!!!

"Okay. Kylie, you start." Sabi ni Sir. Tumayo si Kylie sa kinauupuan niya. Pumunta siya malapit kay Sir at kinuha niya yung mic.

"Uhm...ang nabunot ko ay si Sean." Sabi ni Kylie habang naka ngiti. Tumayo si Sean sa kinauupuan niya, at pumunta siya kay Kylie.

Nag picture muna sila together and then si Sean na yung mag sasabi kung sino yung nabunot niya.

"Si Kylie yung nabunot ko. Hehe." Sabi niya, halatang nahihiya si Sean nung sinabi niya yun.

Bumalik ulit si Kylie at nag picture muna sila.

Sunod naman ay si Gab.

"Ang nabunot ko ay si Carlo." Sabi ni Gab. Si Carlo ay classmate namin. Na sa section din namin siya. Di lang kami masyado close sakanila.

Nag picture muna and then sunod naman si Iella. Nabunot niya ay yung iba naming classmate.

Sunod naman si Lexi. "Ang nabunot ko ay si Gab." Naka ngiti na sabi ni Lexi. Picture!

"Haysh. Sana ako nalang ang nabunot niya. At siya nalang dapat ang nabunot ko." Sabi ni Theo ng pabulong. Pero rinig ko. Tumawa nalang ako ng mahina.

Sunod na si Theo. "Ang nabunot ko ay si May." Walang gana na sabi ni Theo.

Iba iba na ang sumunod.

"Next naman ay si Cember." Sabi ni Sir. Tapos na ang lahat maliban nalang saamin ni Kaizar. Kaya halata na nabunot namin ang isa't isa. "Pati na rin pala si Kaizar. Since sila nalang ang natitira." Dagdag ni Sir.

He's BackWhere stories live. Discover now