Chapter 14| C vs. M

234 14 0
                                    

Cember's POV

Nag CR muna ako, science na yung subject namin. Isa din yun sa nakaka-boring na subject for me. Pag-pasok ko ng CR. Andun si Maine.

Napaka malas ko naman at naabutan ko pa tong babaeng toh. Argh! Pumasok nalang ako ng CR. After ko umihi, nag hugas ako ng kamay.

Ewan ko kung bakit nandito pa siya. Cutting class lang? Bahala na nga siya sa buhay niya. Lalabas na sana ako kaso, tinawag niya ako.

"Hoy mang-aagaw!" Sabi niya. Ako?! Mang-aagaw?! Baka gusto neto makatikim. Masasapak ko na toh eh. Tsk. Di ko nalang siya pinansin, nag-patuloy na ako sa pag-lalakad.

"Hoy mang-aagaw!" Sabi niya ulit. This time, nilingon ko na siya. "Bakit ba mang-aagaw ang tawag mo saakin?!" Galit kong tanong.

"Syempre, inagaw mo lang naman saakin si Kaizar." Sagot naman niya. Ako?! Inagaw si Kaizar?! Paano nangyari yun?!

Tsk.

"Hoy! Unang-una, hindi ko siya inagaw sayo! Pangalawa, wag na wag mo na ako tatawaging mang-aagaw kasi di naman yun totoo!" Galit na sabi ko.

"Tsk. Di daw totoo. Alam naman natin na ikaw ang mang-aagaw. At tsaka, don't deny it, alam ko naman na may gusto ka sa ex boyfriend ko."

Napatigil naman ako sa sinabi niya. May gusto ako kay Kaizar?

"Ano? Natahimik ka noh? Kasi totoo! Gusto mo siya! You like him!" Dahil sa sobrang inis ko sakanya, sinipa ko siya. Napa-higa naman siya sa sahig.

At halos umiyak na siya sa sobrang sakit. Halos di na nga siya maka-tayo eh. Dapat lang sakanya yan.

"Ano?! Gusto mo dagdagan pa natin yung sakit?! Gusto mo this time baliin ko yung buto mo?!"

"A-ayaw ko na." Sabi niya, tsk. Iniwan ko nalang siyang naka-higa sa sahig. She deserves that, actually, di pa yun enough eh.

Kulang na kulang pa yun!

---

Dismissal na. Finally! Naka survive ako sa day na toh. Pag labas naming A5 sa classroom, pumunta muna kami sa locker at nag-lakad kami sa hallway.

Kaso, nakasalubong nanaman namin yung mga walang kwentang babae sa school.

"Napaka malas nga naman." Sabi ni Kylie. "Sira nanaman ang araw ko." Parinig naman ni Faira the walang kwentang leader.

"Tumabi nga kayo! Kita niyong dadaan ang mga prinsesa eh!" Sabi ni Faira. Tsk. Prinsesa daw.

"Oh, tabi daw kayo, dadaan kami." Sabi naman ni Iella. "Excuse me, kami yun." Sabi naman ni Everleigh. Ugh.

"Kayo? Kayo pala, akala ko kasi kami. Prinsesa kasi kami eh, kayo naman, mga alipin lang namin." Sabi naman ni May.

"Excuse me! Alipin?! Kami?! Ang kapal ng mukha niyo!" Sabi ni Faira.

"Oo! Sino pa ba?! Tsk." Sabi ko naman. "Edi kayo! Alipin namin kayo!" Sabi naman ni Maine. "Oh, okay ka na pala Maine. Akala ko doon ka na matutulog sa sahig eh. Haha!" Sabi ko naman kay Maine.

"Malakas kaya ako!" Sabi niya naman. "Asa ka pa. Isang sipa nga lang sayo, halos maiyak ka na. Tsk." Sabi ko naman.

"Haha! Nasipa pala si Maine. Haha!" Sabi ng group of girls. Nagalit naman si Maine. "Kayo! Tumahimik kayo!" Sabi ni Maine sa mga babae.

"Haha! Ipag-patuloy niyo lang yan girls. Kaming bahala sainyo." Sabi naman ni Kylie. Tumango naman sila.

"Haha, tara na nga girls, baka mamaya masira pa yung araw natin katulad ng nangyari sa A5. Bye A5! Sigurado mananalo kayo sa mga laban. Isang sipa pa nga lang iiyak na sila eh. Haha! Let's go girls." Sabi ng mga girls tapos umalis na sila.

Haha! Nakakatawa naman sila.

"Tara na, A5. Wala namang laban yung mga yun eh." Sabi ni Kylie. Umalis na kami.

Na sa bahay kami ni Kylie ngayon. Na sa living room kami.

"Cember, ano yung sinasabi nila na isang sipa lang iiyak na sila?" Tanong ni Kylie. "Ah, kasi nung nag CR ako, nakita ko si Maine. Eh tinawag niya akong mang-aagaw, ayun, sinipa ko." Sagot ko naman.

"Nice!" Sabi nila. Nag appir kaming lahat. Hahaha!!

---

Ngayon ay Saturday. Yey! Buti nalang walang pasok. Dahil nakakatamad na talaga pumasok. Balak naming A5 pumunta mall. Sabi nila mga 3 pm daw. 9 am palang, so may time pa ako para gawin yung mga gusto kong gawin.

Makalipas nang ilang oras, nag ready na ako. 2 palang umalis na ako sa bahay. And andito ako ngayon sa mcdo, nag hihintay.

Sunod-sunod na sila dumating. "So guys, saan tayo?" Tanong ni Iella. "Wait, diba sila Faira yun?!" Tinuro ni Kylie sila Faira. Ano ginagawa nila dito?!

Papalapit sila saamin, di namin alam kung alam nila na nandito kami. Kaharap na namin sila, medyo lumagpas sila saamin. Yes! Kaso bigla silang tumigil sa pag-lalakad at lumingon saamin.

Oh no.

Pumunta sila malapit saamin. "Well well well, nandito din pala kayo." Sabi ni Faira the walang kwentang leader.

"So? May angal kayo?" Sabi naman ni Kylie. "Oo bakit!" Sabi ni Faira.

"Alam mo, Faira, wag kayo gumawa ng scandalo dito. Tara na guys, baka masira pa ang araw natin dahil sa mga walang kwentang mga toh." Sabi ni Iella. Mag-lalakad na sana si Iella palayo kaso biglang hinila ni Faira yung buhok niya.

Sinabunutan naman ni May si Faira para bitawan niya yung buhok ni Iella. Kaso, sumabay naman si Everleigh. Bigla kong sinabunutan si Everleigh kaso, si Maine naman nakisali.

Nagulat nalang ako wala ng nakahawak sa buhok ko, dahil si Maine na sa lapag na. Nakahawak siya sa tiyan niya.

Anyare?

Bigla naman sinipa ni Kylie si Faira, si Lexi naman si Everleigh. Ngayon, silang tatlo ay na sa lapag. Naka hawak sakanilang tiyan.

"Ano kayo ngayon?! Marunong lang ba kayo manabunot?!" Galit na sabi ni Kylie.

Tatlo lang sila ngayon. Ewan ko kung nasaan yung iba niyang kaibigan, at ayaw ko nang alamin pa.

"Tara na girls." Nag-lakad na kami, medyo lagpas na kami kela Faira. Kaso biglang tumigil si Kylie kaya napatigil din kami.

Lumingon siya kela Faira. "Isa pang beses na kalabanin niyo kami, hindi lang namin kayo ipapahiya at hindi lang sipa ang maaabot niyo saamin, baka sa susunod ay, na sa hospital na kayo." Sabi ni Kylie.

Pagkatapos niya yun sabihin, nag-lakad na siya papalayo, pati na rin kami.

He's BackWhere stories live. Discover now