Chapter 34| Friendship Over

145 14 0
                                    

Cember's POV

"Cember? Pwede ba tayo mag usap?" Hinawakan ni Kaizar yung braso ko.

"Kaizar, pwede ba, tigilan mo na ako." Sabi ko.

"Teka, akala ko ba gusto mo ako? Bakit nagiging ganyan ka ngayon saakin? May nagawa ba ako? O baka naman dahil di mo narinig yung gusto mong marinig?"

"Ano ba! Kalimutan mo na yung sinabi ko sayo. Dahil dare lang saakin yun. Wala akong feelings para sayo. Okay?! Kaya please, tigilan mo na ako."

"Huh? Teka, ang gulo mo naman eh. Hindi na kita maintindihan."

"Ikaw ang hindi ko maintindihan!" Nag lakad agad ako papalayo sakanya.

Pumunta na ako sa canteen, nandun na sila Kylie kumakain. Bumili muna ako ng pagkain ko at umupo ako sa tabi ni May.

"Oh? Ano nangyari sayo?" Tanong ni Kylie.

"Nabwibwiset lang kasi ako kay Kaizar. Napaka gulo niya." Sagot ko.

"Layuan mo nalang kung ako sayo. Parang di ko kayang pagkatiwalaan si Kaizar ngayon." Sabi ni Kylie.

"Same here." Sabi ni Lexi.

"Ako na rin." Sabi ni Iella.

"Teka, ako rin. Kasi, bakit siya makikipag-kita kay Maine, kasama pa parents nilang dalawa. Hindi kaya......may balak silang ituloy yung kasal?!" Sabi ni May.

"Teka, may point ka." Sabi ni Kylie.

"Tara, mag spy tayo. Hahaha!!" Sabi ni Iella. Baliw talaga toh kahit kailan.

"Pwede rin." Sabi ni Lexi.

---

Kaizar's POV

"Kinausap mo na ba siya?" Tanong ni Sean.

"Eh ayaw niya nga ako kausapin. Hindi ko nga alam kung ano na yung nangyayari eh. Di ko rin alam kung bakit nagiging ganto siya."

"Baka naman kasi may nagawa ka."

"Ginawa? Wala naman ah."

"Hayst. Ang hirap nan bro. Pero sige, una na muna ako. Magkikita pa kasi kami ni Kylie." Kinuha niya yung bag niya at umalis na siya.

"Napaka complicated naman." Sabi ko sa sarili ko.

Sean's POV

"Seryoso?! Akala ko ba wala na silang connection?" Sabi ko.

"Same here. Pero kitang-kita daw ni Cember eh." Sabi ni Kylie.

"Kaya naman pala ayaw siya kausapin ni Cember. Kasalanan din naman pala niya. Tsk. May tinatago pala yung lalaking yun."

"Di ko na kaya pagkatiwalaan si Kaizar. Lalo na, kasama niya yung kalaban namin."

"Iiwasan ko na rin siya. Baka pati ako ipahamak niya pa. Sasabihin ko na rin sa ibang boys."

"Basta, shh ka lang ah. Iwasan niyo lang, wag niyo sabihin yung dahilan."

"Yes ma'am."

"Tara, uwi na tayo. Ay, uwi ka na pala."

"Ingat ka ah. Basta, tawagan mo lang ako kung may kailangan ka or may problema ah."

"Opo."

Cember's POV

The next day...

School...

Dimissal na, pero hindi pa ako uuwi. Hihintayin ko pa kasi sila Iella. May ginagawa daw kasi sila.

Nandito ako sa mango tree. Nakaupo ako, may upuan at table kasi dito. Sa ilalim ng mango tree.

"Uy."

Napa lingon naman ako.

"Bakit nandito ka? Umalis ka na. Wala ako sa mood makipag-usap sayo, Kaizar."

"Eh bakit nga? Sabihin mo naman, ano ba yung dahilan kung bakit ka nagiging ganito?"

"Wala ka na dun. Umalis ka nalang!"

"Hindi na kita maintindihan. Tinataboy mo ba ako?"

"Oo! Tinataboy na kita! Kaya umalis ka na! Hindi na kita kaibigan!"

"Seryoso ka ba?"

"Ano ba sa tingin mo?"

"Pero Cember..."

"U-ma-lis-ka-na!"

"Cember, wag naman ganito."

"Ayaw mo talaga umalis? Pwes, ako nalang ang aalis. Wag mo ako susundan!" Kinuha ko na ang bag ko at umalis na ako.

Ayaw ko na siya kausapin. Gusto ko na putulin yung connection naming dalawa.

Pinagkatiwalaan ko siya.

Pero hindi na dahil sa ginawa niya.

Bahala siya sa buhay niya.

---

One week later...

Nag lalakad kami sa hallway. Kasama namin yung boys maliban kay Kaizar at Peter. Napatigil kaming lahat.

"Well well well. Akalain mo nga naman. Sa huli, saakin parin napunta si Kaizar." Sabi ni Maine. Kasama niya si Kaizar at sila Faira.

"Wala naman akong pake sa lalaking yan eh. So what kung sayo siya napunta?" Palaban kong sabi.

"Sus, wag ka na maging fake girl. Alam naman ng lahat na gusto mo si Kaizar." Sabi ni Maine.

"Eh ano ngayon kung gusto ko siya? Dati lang yun, ngayon hindi na. At tsaka pake mo ba?!" Sabi ko.

Naiirita na talaga ako sa babaeng toh! Ang sarap sampalin! Pag ako talaga hindi nakapigil. Masasampal ko siya.

BWISET KA MAINE!

He's BackWhere stories live. Discover now