Chapter 55| Feelings

121 7 4
                                    

Peter's POV

"Aba, ayos tong guard na toh dito ah." Bulong ni Cember. Pinuntahan ni Cember yung guard. Kaya sumunod nalang din ako. Baka kasi sapakin ni Cember yung guard eh. Bilis pa naman magalit netong babaeng toh.

"Bakit ganun ka mag salita sakanila?" Seryosong sabi ni Cember. Napa tingin naman yung guard, yung bata at tsaka yung tatay ng bata kay Cember.

"Bakit? Anong problema mo?" Aba ang angas pala ng guard na toh dito.

"Hoy! Ayusin mo yung pananalita mo ah! Baka magsisi ka." Sabi ko.

"Haha! Bakit naman ako magsisisi? Eh hindi naman kayo mayaman. Pa dress-dress pa kayo tapos ikaw polo. Bakit, sino ba kayo?!"

Magsisisi tong guard na toh sa mga pinag sasabi niya. Lagot talaga tong guard na toh saamin.

Napa tingin yung guard sa likod namin kaya pati kami. Yung manager nila nandito. Lumaki yung mata ng manager. "Sir Peter Valdeo? Madam Cember Lanna? Nice to finally meet you po." Bumalik yung tingin namin sa guard. Lumaki yung mata niya.

"I'm Cember Lanna, and this is my friend, Peter Valdeo." Naka ngiting sabi ni Cember, pero ngiting nakaka asar.

"I'm so sorry po. Mr. Valdeo and Ms. Lanna." Lumuhod naman yung guard sa harap namin.

"Sir and Madam, what happened here? Is there a problem? Why is he saying sorry?" Tanong nung manager. Halata sa muhka niya na kinakabahan siya.

"This guard, is useless. Minamaliit niya kami, even the kid and the kid's father. Ganyan ba talaga ang mga guard dito sa restaurant niyo? So pathetic! And even worst, nilait niya pa kami. Na hindi daw kami mayaman or what. Haha!" Sabi ko.

Hinawakan ko damit ng guard para tumayo siya. "You see that car? Huh? That's mine. Isa lang yan sa mga kotse ko. Now tell me, sino ang mas mayaman saating dalawa? Don't look down on people. I don't like your attitude." Tinuro ko yung kotse ko. Tss. Bwiset siya. Ginagalit niya ako eh! Binitawan ko na yung damit niya.

"Manager, I don't wanna see him here anymore." Sabi ko sa manager.

"Yes, Sir." Sabi ng manager.

Pumunta ako sa bata at sa tatay niya. "Sir, lilibre ko na po kayo at ang anak niyo. Tara na po sa loob." Naka ngiti kong sabi.

"Naku, hindi na po. At tsaka salamat po sa pag tatanggol saamin, Sir Valdeo. Uuwi na po kami."

"Please, Sir. Birthday din naman po ng anak niyo eh. Don't worry po. Hindi po ako nag hahanap ng kapalit. Tara na po." Sabi ko.

"Sige po. Salamat po talaga."

Pumasok na kaming apat sa loob. "I want to order everything in the menu please." Sabi ko. Nagulat naman silang lahat.

"Sir, ang dami naman po ata nun." Tumawa nalang ako.

"Edi pag sobra, iuwi niyo nalang. By the way, ano po pala pangalan niyo?" Sabi ko.

"Ako po si Lester."

Nung dumating na yung mga pagkain, kumain na kami. Mga 30 minutes din kaming kumain. After nun, umuwi na si Lester at yung anak niya. Sumakay na kami sa kotse ko ni Cember.

"You can really be a bad boy sometimes huh?" Tumawa nalang kaming dalawa sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Haha!

—-

Nung na sa tapat na kami ng bahay ni Cember, tinignan ko siya. Muhkang pagod na talaga siya. Ang ganda niya, ang amo ng muhka niya. Lalo na at tulog siya ngayon.

"Cember, sana ako nalang yung nagustuhan mo. Sana ako nalang, at hindi si Kaizar. Ewan ko ba kasi kung bakit nag hanap ka pa ng iba kung nandito lang naman ako. Bakit nagpapaka-t*nga ka pa sa lalaking yun? Hayst."

"Oo nga eh," Iniwas ko agad yung tingin ko sakanya. Frick. Nakaka hiya! Bakit hindi man lang niya sinabi na gising pala siya. Pinapa hiya niya ako dito eh. "Sana nga ikaw nalang nagustuhan ko. Sorry kung naging manhid ako. Sadyang kay Kaizar lang talaga umiikot yung mundo ko noon eh. Sige, salamat sa pag hatid. Good night, Peter."

Bumaba na siya ng kotse. Nag drive naman ako pauwi.

Cember's POV

Nagising ako sa alarm ko. Monday nanaman. Nakakainis naman talaga. Wala ako sa mood para pumunta sa school ngayon eh. Wala na ako nagawa, naligo na ako at nag suot na ako ng uniform.

Bumaba na ako para kumain, tapos nag toothbrush at umalis na ako. Nag drive ako papunta sa school.

Pag baba ko, nakita ko si Kaizar. Mga 5 seconds kami nag titigan at umiwas na siya ng tingin saakin at nag simula na siya nag lakad papunta sa entrance ng school.

"You still like him." Napa tingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Peter. "Palagi ko sinasabi sa sarili ko na 'tama na Peter, nagpapaka-t*nga ka nalang sakanya eh' paulit-ulit ko sinasabi yan sa sarili ko pero wala eh, mahal talaga kita. Kaya Cember, I wanna finish everything today. Pwede bang maging stranger nalang tayo? Pwede bang wag mo na ako kausapin. Kalimutan mo nalang ako, Cember. Kasi alam ko naman na you still like him. Goodbye, Cem. Thank you for everything." Nag lakad na din siya papunta sa entrance.

Bakit parang lahat sila tinatalikuran na ako? Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Ang alam ko hindi ko na gusto si Kaizar. Pero bakit ba kasi tuwing nakikita ko siya bumabalik lahat ng feelings ko para sakanya? Bakit ba napaka complicated ng lahat?!

Tinignan ko yung watch ko, malapit na pala mag flag ceremony. Pumunta na ako kela Kylie. Hindi ko parin talaga maiwasan isipin silang dalawa. Siguro nga gusto ko parin si Kaizar, pero kasi naaawa ako kay Peter eh. Palagi kasi siya nandyan para saakin. ARGH!

"Bakit ba kasi ang gulo niyong dalawa?!"

"CEMBER!!!!"

Napa tingin naman ako kela Kylie. "Ba-bakit?" Tanong ko. Kanina pa ba nila ako tinatawag. Wala na ata ako sa sarili ko.

"Ano ba yung mga sinasabi mo? At tsaka sinong dalawa?" Tanong ni Kylie.

"I know!" Napa tingin naman kaming kahat kay Iella. "Si Peter and Kaizar yang iniisip niya. Am I right, Cem?"

"Bahala sila sa buhay nila. Pagod na ako. Ayaw ko na!" Iniwan ko nalang sila doon, malapit na kasi mag ring yung bell para sa flag ceremony.

Napa isip ulit ako, may feelings pa nga ba ako kay Kaizar? Do I still like him?

He's BackWo Geschichten leben. Entdecke jetzt