Chapter 50| "I like you"

134 9 0
                                    

Cember's POV

"Kaizar!" Sigaw ko. Napa lingon naman siya. "Bakit? Wala ako sa mood ngayon, Cem." Sabi niya nang walang emosyon.

"Alam ko naman yun. I just need to say something. Kaizar, matagal ko na tong gusto sabihin sayo. Sadyang hindi lang talaga ako maka hanap ng tamang timing.

"What is it?"

"I like you."

"Cember, bawiin mo yung sinabi mo! Mag-kaibigan lang tayo! Hanggang doon nalang yun."

"Kaizar.....I....like....you."

"Cember, alam mo naman na gusto ko si Kylie diba? Kaya please, ang daming ibang lalaki dyan. Wag na ako."

"Pero eto yung nararamdaman ko! Bakit ba?! Anong magagawa ko?! Wala naman eh!"

"Di kita pipigilan sa nararamdaman mo. Pero I'm sorry, I don't like you. Don't ever talk to me again. Dapat di ka nalang nag confess saakin. I like Kylie, and kahit kailan, hindi kita magugustuhan." Nag lakad na siya papalayo. Feeling ko, nawala na yung best friend. Ewan ko ba kasi kung bakit best friend ko pa eh. Bakit siya pa yung nagustuhan ko?

Bakit?! Ang dami-daming ibang lalaki sa mundo pero bakit yung best friend ko pa?!

"Cem, its okay. Nandito naman ako. You don't need that guy. To be honest, I like you. Come on, I'm always here for you no matter what, okay?" Hinug naman niya ako. Habang ako, iyak parin ng iyak.

"Peter, pabayaan mo muna ako. Gusto ko muna mapag-isa. Please...wag mo akong susundan." Nag simula akong mag lakad...

"Cember!" Sigaw ni Peter.

"Please!" Pagka-sabi ko nun, agad akong tumakbo. Ewan ko kung nasaan na ako at wala akong pake. Gusto ko lang takasan lahat ng ito. Ayaw ko na sa mundong toh! Sa mundong palaging may problema, sa mundong MASAMA!

~BEEP!~

Bigla akong napa tigil, tumingin ako sa left ko.........

BOOM!

Peter's POV

Tumakbo ako papunta sa likod ng school. Nandun yung squad maliban nalang kay Kaizar, Cember, at May.

"Guys!" Hinihingal kong sabi. "Bakit?" Tanong ni Sean.

"Si-si Cember! Tumakbo siya! Sabi niya wag ko daw siya sundan."

"Ha?! Ano ba nangyari?!" Nag-aalalang sabi ni Kylie.

"Nag confess kasi si Cember kay Kaizar pero ni-reject siya. Kasi sabi ni Kaizar na ikaw daw ang gusto niya, Kylie." Napa tigil naman silang lahat.

"Bwiset talaga yung Kaizar na yun!" Biglang tumakbo si Kylie. "Kylie! Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Sean. "Hahanapin ko si Cember!" Nag simula na ring tumakbo ang lahat kaya sumunod na din ako.

"Grabe na talaga ang mga bata ngayon. Kung saan-saan tumatakbo. Yan tuloy, nabangga." Narinig ko sa isang babae. Napa tigil naman ako.

"Miss, saan po yung babaeng nabangga?" Tanong ko. "Doon sa may gitna ng tulay." Sagot neto. Agad kaming pumunta dun.

Nakita namin si Cember na naka higa at walang malay. Punong-puno ang ulo niya ng dugo. May mga police at ambulance na ang nandito.

Hospital...

"Tinawagan ko na sila tita. Papunta na daw sila dito." Sabi ni Cyrus.

Napa isip ako bigla. Hindi toh mangyayari kung hindi dahil kay Kaizar! Napaka sama niyang tao! Bigla akong napa tayo sa kinauupuan ko. Lahat naman sila napa tingin saakin.

"Peter, bakit?" Tanong ni Sean.

"Pupuntahan ko si Kaizar. Siya naman yung may dahilan kung bakit nangyari toh kay Cember eh!" Naiinis kong sabi.

"Sasama ako." Sabi ni Gab. "Ako na rin." Sabi ni Cyrus. "Lahat ng boys sasama. Para maturuan siya ng leksyon. Girls, mag hintay nalang kayo dito. Babalik din kami agad." Sabi ni Sean. Tumango naman ang girls.

Sumakay na kami sa kotse ni Sean. "Manong, sa bahay po ni Kaizar." Sabi ni Sean sa driver.

Pag dating namin sa loob ng bahay ni Kaizar, nakita naman siya naka upo sa living room. Di ko maiwasan na magalit kaya agad ko siyang pinuntahan. Napa tayo naman siya, bigla ko naman siyang sinapak kaya napa upo siya sa sahig.

Hinawakan niya yung labi niyang dumu-dugo. "Ano bang problema mo?!" Napa tayo siya at agad niya akong sinuntok. Di ako napa upo sa sahig dahil na sa likod sila Sean. "Kaizar! Tama na!" Sigaw ni Sean.

"Bakit ako yung inaano niyo?! Eh si Peter naman yung nauna! Ano ba kasing ginagawa niyo dito sa bahay ko?!"

Ang sarap talaga sipain ng lalaking toh eh! Pasalamat siya at nandito sila Sean, kung hindi, na sa hospital na toh!

---

"Bakit may pasa si Peter?" Tanong ni Kylie. "Nag suntukan kasi sila ni Kaizar. Kaya ayan, parehas silang may pasa." Sagot ni Sean.

"Guys, uwi muna ako. Baka nag-aalala na sila mom and dad saakin. Di na kasi ako naka punta sa family dinner namin eh. 9 na din kasi. Mauna na ako ah." Sabi ko, tumango naman sila.

Pag uwi ko, tahimik na ang paligid. Pumunta ako sa room ko agad, nag palit lang ako ng damit na naka tulog na agad ako.

Kaizar's POV

Pag gising ko, agad akong naligo at nag bihis. Sabi nila naaksidente daw si Cember, gusto ko siyang makita. Pero...di ko naman alam kung saang hospital siya.

Biglang may nag text saakin, nakita ko naman yung pangalan ni Sean. Inopen yung message.

Sean: hoy lalaki, pumunta ka dito sa hospital at mag sorry ka sa harap ni Cember ngayon din! Kung hindi, di ka na namin kaibigan! Walang hiya ka!

Kaizar: nagka-mali ako, ok? Edi sorry.

Sean: basta pumunta ka nalang dito sa hospital at dito ka mag sorry.

Kaizar: sige papunta na ako.

Sinabi ni Sean kung saan yung hospital. Nag bihis na ako at sumakay na ako sa kotse. Nag drive na yung driver ko papunta sa hospital.

Pag dating ko sa hospital, nakita ko si Sean naka tingin saakin. Na sa labas siya ng hospital.

Pumunta ako sakanya. "Sundan mo ako." Seryosong sabi ni Sean at nag simula na siya mag lakad. Sinundan ko nalang siya, hangga't sa naka rating na kami sa room ni Cember.

Pag bukas ng pinto, lahat sila naka tingin saakin. Yung iba masama pa yung tingin. Ang nandito lang ay yung mga kaibigan ko. Wala sila tita, yung parents ni Cember.

Tumayo si Kylie at sinampal ako.

Ouch......

He's BackWhere stories live. Discover now