Chapter 59| Three Punishments

146 8 0
                                    

Kaizar's POV

Kumakain ako mag isa dito sa canteen. Susubo na sana ako ng sumigaw ang mga babae, at alam ko na kung bakit. Dahil nandito na sila Sean. Kumain nalang ako.

"Kaizar." Nagulat ako nung narinig ko yung boses niya. Tumingin ako sa mata niya, at walang reaksyon iyon. "Were sorry. Were sorry dahil hindi ka namin inintindi. And higit sa lahat, were sorry kasi naging masama kaming kaibigan sayo. I hope you can forgive us."

Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Sean. Napa tingin ako kay Peter na naka ngiti lang habang naka tingin saakin. "No problem. I understand naman you guys, kung bakit kayo nagalit saakin." Naka ngiti kong sabi.

"Edi kung ganun, friends na ulit tayo!" Masiglang sabi ni Sean. Umupo sila sa tabi ko at kumain na kami. Masaya ako na ayos na kami ng mga baliw kong kaibigan. Siguro si Peter yung may dahilan ng lahat ng toh. Napaka bait talaga ni Peter kahit kailan. Kahit minsan naging bad boy din siya. Haha! I'm so happy.

***

Uwian na kaya dumeretso ako sa parking lot. Kailangan ko na kasi umuwi dahil may family dinner pa kami ng parents ko.

Nang makarating ako sa bahay, nakita ko na agad sila mom and dad sa dining area. Naka ready na rin yung mga pagkain. Kiniss ko muna si mom sa cheeks at saka ako umupo.

Habang kumakain ako, nag salita si dad. "Son, how's school?"

"Everything's fine, Dad." Naka ngiti kong sagot kay Dad.

"That's good. Pag butihin mo ang pag-aaral mo ah. So that I can send you back to the US." Napa tigil naman ako sa pagkain.

"US?!"

"Yes, is there something wrong?" Bakit kailangan sa US pa? Masaya na ako dito, with my friends. Ayaw ko nang bumalik pa sa US.

"I don't wanna go to US. I just wanna stay here."

"But son, you need to go to US. Kasi ikaw ang mag hahandle ng business natin. Dun mo matututunan lahat. Since dun naman talaga ang main ng business natin. Don't worry, 6 years lang naman and you can go back here na." Sabi ni dad.

"Do I have a choice?" Totoo naman, wala naman akong choice. Ayaw ko naman kasi masayang lahat ng pinag hirapan nila dad.

After ng dinner, pumunta na ako sa kwarto ko at humiga ako sa bed kong malambot. Naka tunganga lang ako. Sana may kapatid pa ako, para may choice ako na hindi pumunta sa US. Kasi wala akong freedom dun. Kasi tuwing may gagawin ako dun, may naka bantay na mga bodyguards. Pero dito sa Pilipinas, I'm free. Well, kahit papaano, may freedom ako dito. Dun kasi sa US, strict yung mga bodyguards ko dahil inutos yun nila dad.

Nag shower lang ako saglit at nag bihis tapos natulog na ako.

***

Naka ready na ako para pumasok. Pag baba ko, nag brebreakfast na sila mom and dad. Balak ko sana hindi kumain ng breakfast kasama sila, kasi pag uusapan lang naman nila yung tungkol sa pag punta ko sa US.

Makaka takas na sana ako kaso may nag salita. "Good morning po, Sir Kaizar." Bati saakin ng isa naming maid. Great. Naka tingin na saakin sila dad.

"Gising ka na pala. Have breakfast with us so that we can talk about you going to US." See? Sabi na nga ba eh. Aysh! Wala akong nagawa kundi kumain ng breakfast kasama sila dad.

"Pag tapos na yung school year na toh, you have to go to US right away, okay?" Sabi ni dad. Psh. Do I even have a choice?

"Yes." Sabi ko. Nag madali akong ubusin yung pagkain ko. Pagka ubos ko nun, nag paalam na ako kela mom at sumakay na ako sa kotse ko.

Nagkaayos nga kami nila Sean pero pupunta naman akong US. Hays. Nang maka rating ako sa parking lot sa school, may nakita akong nag kukumpulan. Ano nangyayari?

Lumapit ako para mas makita ko kung ano yung nangyayari.

Si Maine?!

Akala ko na na sa jail siya?

"Ano Cember? Kaya mo pa?" Sabi ni Maine. Nakita kong naka upo ngayon si Cember sa lapag.

"Anong nangyayari dito?! Anong ginawa niyo kay Cember?!" Agad akong pumunta kay Cember.

"Oh, nandyan na pala yung lalaking parehas nating minahal. Hi Kaizar. Are you happy to see me?" Nang aasar na sabi ni Maine.

"Na sa jail ka diba? Bakit nandito ka?" Tanong ko.

"Mayaman ako, I have connections. Anyways, that's not important. Bago ako umalis, tandaan niyo tong sasabihin ko. I will have my revenge, and I will make sure, hindi na kayo sisikatan ng araw. See you when I see you." Sumakay siya sa kotse at umalis na siya.

"Cember, anong nangyari? Bakit di ka lumaban?" Nag aalalang tanong ko sakanya.

"Sayang lang yung lakas ko sakanila."

"Sakanila??"

"Yung mga naka paligid ngayon saatin, tinulungan nila si Maine na saktan ako." Tumayo si Cember. "Baka nakakalimutan niyo? Ako si Cember Lana." Nakita kong natakot yung mga babae. Ten sila.

"C-cember! Sorry! Di namin sinasadya. Si Maine, binayaran niya kami para gawin sayo yun. Sorry." Sabi ng isang babae.

"Di ako tumatanggap ng sorry sa mga walang kwentang katulad niyo. Lumuhod kayo, ngayon din!" Agad naman nila sinunod yung sinabi ni Cember.

"Woah! Ang aga aga, anong nangyayari dito?" Agad namang sumulpot sila Kylie kasama sila Sean.

"Pinag tulungan nila si Cember kasama si Maine." Sabi ko, nagulat naman sila nung narinig nila yung pangalan ni Maine.

"Maine?!" Sabay sabay nilang sabi.

"Oo, si Maine." Sabi ko.

"Psh. Dapat talaga parusahan yang mga yan." Pumunta si Kylie sa tabi ni Cember. "Nakakalimutan ata nila na tayo ang A5. So Cember, anong gagawin mo?"

"Simple lang naman. Three punishments, as always." Oh no. Three punishments. Lagot tong mga babaeng toh. "Una, gusto ko maging slave namin kayo for 3 months. Pasalamat kayo at hindi ganun katindi yung ginawa niyo saakin, kundi 3 years yan. Alam ko naman na mayayaman ang students dito kaya for sure may business yung mga parents niyo, tama ba?" Tumango naman sila.

"Kung ganun, eto na yung pangalawa. Pag hindi niyo nagawa tong pangatlo, babagsak ang mga business ng parents niyo. Wag na wag na kayo mag papakita pa sa mukha ko. Pag nakita ko kayo kahit na hindi niyo ako nakita, say goodbye to your parents' business." Agad namang umalis si Cember nung sinabi niya yun.

"Woaahh! That's our Cember! Tara na guys!" Sabi ni Kylie. Umalis na kaming lahat at iniwan yung mga babae dun na naka luhod. Hahaha! Iba talaga si Cember!

He's BackWhere stories live. Discover now