Chapter 57| Flowers

107 6 0
                                    

Cember's POV

Nagulat ako kasi pag lingon ko, nakita ko siya. Bigla siya lumapit saakin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Akala ko ba titigilan niya na ako? Ano nanaman tong binabalak niya?

"A-ano kailangan mo?" Tanong ko

"Ikaw." Sagot niya.

"Ha?"

"Binabawi ko na yung sinabi ko sayo. Cember, gusto kita. Gustong-gusto kita, kaya hindi kita susukuan. Ipaglalaban kita, sa ayaw at sa gusto mo." Nginitian niya ako at tumalikod siya saakin.

"Bakit? Bakit mo ako ipaglalaban? Eh pinag tatabuyan na kita." Sabi ko, hindi parin siya humaharap saakin.

"Kasi mahal kita. Yun na yun."

Naka tayo lang ako dito. Sinabi niya ba talaga yun? Di ko alam kung ilang minuto na ako naka tunganga dito. Pag tingin ko sa relo ko.......SHOCKS! Late na ako ng 5 minutes sa next subject ko!

Tumakbo ako papunta sa classroom. Pag pasok ko, nag tuturo na yung teacher. Napa hinto silang lahat nung dumating ako.

"Ms. Lanna, you're 6 minutes late." 1 minute lang ako tumakbo papunta sa classroom. Whoah! Buti hindi mga 10 minutes late.

"I'm sorry po, ma'am. My dad called me po that's why I'm late." Palusot ko. Tinignan ko si Kaizar, naka ngiti lang siya saakin. Bwiset tong lalaking toh, ginugulo niya yung isipan ko eh! Dahil sakanya nalate pa ako!

"Is it important?" Tanong ng teacher namin.

"Yes, ma'am." Sana maniwala si ma'am.

"Okay, go to your seat." Whoah! Naka hinga na rin ako ng mabuti. Umupo na ako sa likod.

"Pst, ano nangyari? Bakit late ka? Hindi kasi ako naniniwala sa palusot mo kay ma'am." Bulong ni Kylie.

"Siguro dahil yan kay....Kaizar." Sabi naman ni Iella. Na sa left ko si Kylie tapos na sa right ko naman si Iella. Napa tingin ako kay Kaizar.

"Tama ka nga, Iella. Dahil kay Kaizar." Tumingin naman ako kay Kylie, naka tingin lang siya sa harap.

Nakinig nalang ako sa teacher namin.

Ring~

Finally, dismissal na! Nung umalis na yung teacher namin, yung iba lumabas na ng room. Kami-kami nalang ng squad pati si Kaizar. Pumunta saamin sila Sean.

"Girls, gusto niyo sumama saamin sa bahay ko? You know, hang out?" Tanong ni Sean.

"G!" Sigaw nilang apat, maliban saakin. Lahat sila napa tingin saakin.

"I'm sorry, I can't come." Nalungkot naman sila sa sinabi ko. "Babawi ako sainyo, pero hindi lang sa ngayon. Kailangan ko na talaga umuwi." Sabi ko. Nag okay nalang sila since wala rin sila magagawa.

Umalis na ako, pumunta na ako sa kotse ko. Nag drive ako papunta sa company namin. Binati naman ako ng mga nagtratrahaho dito. Pumunta ako sa office ni mommy.

"Oh, Cember, do you need anything?" Tanong ni mommy habang naka upo sa upuan niya.

"Mom, how will you know if you like that person than the other one? I'm really confuse right now." Natawa naman bigla si mommy sa sinabi ko.

"Nag dadalaga na talaga ang aking bunso. I'm happy but at the same time, I'm sad. Bakit ang bilis mo lumaki, anak?" Tumayo si mom at lumapit siya saakin. "Dati, namromroblema ka lang sa mga maliliit na bagay, ngayon tungkol sa love."

Napa yuko nalang ako sa sinabi ni mom. Hinawakan ni mommy yung balikat ko. "Cember, kung sino yung palagi mong naiisip, siya yung mas gusto mo. Yung kahit sa simpleng bagay lang, naiisip mo siya at hindi mo alam, naka ngiti ka na pala." Bigla ko naisip si Kaizar.

Wait......WHAT?!

So si Kaizar yung gusto ko?

"Naisip mo siya noh? Edi siya yung mas gusto mo. Kilala ko na kung sino yan, Kaizar and Peter, am I right?" Naka ngiting sabi ni mommy.

Alam ni mom na may gusto saakin si Kaizar at Peter, dahil naririnig nila kami nila Kylie na pinag uusapan silang dalawa. Kahit minsan, masungit si mommy, love ko parin siya. Hehe.

"Hayst. I need to rest, I'll see you later, mom." Hinug ko si mom then umuwi na ako. Pag uwi ko, nagulat ako sa nakita ko. Bumaba ako ng kotse para harapin yung lalaking toh.

"What do you want?" Masungit kong sabi, pero ngumiti lang siya saakin.

"Nothing, I just wanna see you. Since nakita na kita, I'm happy. Makakatulog na ako ng maayos. Bye!" Abnormal tong Kaizar na toh.

"Wait!" Napa hinto naman siya tapos lumingon siya saakin. "So pumunta ka dito para lang makita ako? You're crazy." Ngumiti nanaman siya.

"Haha! I know, I'm crazy." Pumasok na siya sa kotse niyang toyota supra. Mayaman kasi siya eh.

Nung nakita ko siyang umalis, pumunta na ako sa kwarto ko. Now I'm bored. I don't know what to do. So I decided to sleep.......

—-

"CEMBER!" Nagising ako sa ingay na yun, hindi ko parin binubuksan yung mata ko. I wanna sleep more. "Hindi ka ba babangon dyan?!" Nakakainis talaga yung boses ni kuya.

"One..."

"Two..."

Oh no. Bigla ako napa upo. Nakakatakot si kuya kapag umabot pa yan ng three. Ano ba kasi yung kailangan niya?! Tinignan ko yung clock ko, wow. 5AM!

"Kuya, hindi mo ba alam kung anong oras palang?!" Sigaw ko sakanya. Bwiset siya.

"Basta! Gumising ka nalang! Hihintayin ka namin sa baba." Lumabas na siya after niyang sabihin yun. Ano ba problema nun? Argh! Sayang naman! Ang sarap na ng tulog ko eh, panira talaga si kuya kahit kailan.

Naligo na ako at after nun nag suot na ako ng uniform tapos nag ayos ako ng buhok ko. Bumaba na ako after nun, dahil ayaw ni kuya ang nag hihintay. Pero pinag-hintay ko parin siya. HAHAHA!!

Nagulat naman ako dahil pag baba ko, nakita ko si Kaizar na naka upo tapos may hawak siyang flowers. "Good morning, Cember." Naka ngiting sabi niya. Lumapit ako sakanya at napa tayo naman siya.

"Anong ginagawa mo? Ha?" Bakit niya ba toh ginagawa? Akala ko ba titigilan na niya ako. Bakit bigla nag bago yung isip ng lalaking toh.

"Hoy! Wag ka ngang ganyan kay Kaizar! Babatukan kita. Boto ako dyan eh." Sabi naman ni ate. Napa ngiti naman ng sobra si Kaizar dahil sa sinabi ni ate.

"Ako rin. Pero hindi mo muna dapat sagutin yan without telling me. Okay?! Kapag nalaman ko na kayo na, at hindi man lang nag paalam saakin si Kaizar, busted na yan." Kahit kailan talaga protective si kuya.

"Don't worry kuya Jonathan, ikaw unang makakaalam kung kelan ko tatanungin si Cem." Naka ngiting sabi ni Kaizar kay kuya.

"As if naman sasagutin kita."

He's BackWhere stories live. Discover now