Chapter 16| Lost

208 14 0
                                    

Kaizar's POV

"Matutuloy ang kasal niyo ni Maine and kailangan palagi ka na sa tabi niya. Wag ka na sumama sa mga kaibigan mo. Mag-focus ka kay Maine." Sabi ni dad.

Napatayo naman ako sa kinauupuan ko. "What?!" Tanong ko. "Dad, akala ko ba tapos na tayo sa problema na toh?!" Dagdag ko.

"Anak, we have no choice. I signed the contract. At kapag di tayo sumunod sa deal, makukulong ako." Sabi ni dad.

"I can't." Sabi ko.

"What?! So gusto mo makulong yung daddy mo?!" Sabi naman ni mommy, napatayo siya.

"Hindi naman po sa ganun, mom. Pero sana naman, isipin niyo din po ako. I don't wanna marry Maine. Di ko siya mahal." Sabi ko.

Agad akong umakyat sa room ko. Kumuha ako ng bag pack, naglagay ako ng mga damit sa bag. Malaki naman yung bag eh.

Mamayang madaling araw, aalis muna ako dito. Pupunta muna ako sa hotel. Wala muna akong pagsasabihan neto.

2 am...

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko. Binuksan ko muna yung gate, tulog na din kasi si manong guard eh. Sumakay ako sa sasakyan ko at nag drive papunta sa isang hotel.

Pumunta ako dito sa MOA (Mall of Asia) Nandito ako ngayon sa City of Dreams Manila. May kakilala kasi sila mom and dad dito, sinabihan ko sila na wag muna ito sabihin kela mom.

Pina-stay nila ako sa malaking room. Haysh. Nakakainis, may pasok pa naman ako bukas. Baka kasi puntahan ako nila mom and dad sa school eh.

I just need some time to think.

Hindi ba't parang nagiging selfish na sila mommy? I mean, di naman kasi sila ganito dati eh. Kung ano ang gusto ko, doon nila ako sinusuportahan. Pero anyare ngayon? Wala na.

Haysh. Matulog na nga lang ako.

Cember's POV

Lunch na ngayon sa school. And nagtataka kaming lahat kasi absent si Kaizar. Tinatry namin siyang tawagan pero wala. Ano na kaya nangyari doon?

Dismissal...

Until now, wala pa rin siya. Di talaga siya pumasok? Haysh.

Nag-lalakad kaming A5 dito around the school kasama sila Sean. Nagulat kami kasi may tumawag sa pangalan ko. Napa-lingon naman kaming lahat.

Ang mommy and daddy ni Kaizar. Lumapit sila saamin. "Nakita niyo ba si Kaizar?! Pumasok ba siya ngayon?! Asan siya?!" Tanong ng mommy niya habang umiiyak.

"Uhm, hindi po. Di rin po siya pumasok at hindi din po namin alam kung nasaan siya ngayon." Sagot ko. "Were trying to call him pero, wala po eh." Sabi naman ni Sean.

"Saan na ba yun nag-punta?" Umiiyak na tanong ni tita. "Bakit po? Nawawala po ba si Kaizar, tita?" Tanong ko. Tumango naman si tita.

"Sean, tawagan niyo nga si Kaizar. Wag kayo titigil hangga't di niyo siya nakakausap." Sabi ni Kylie. Agad namang tinawagan nila Sean si Kaizar.

---

Na sa bahay kami ni Kylie ngayon. Hanggang ngayon, tinatawagan pa rin namin si Kaizar. Pero wala eh, ayaw talaga sumagot. Asan na kaya yun??

Jusmeyo naman tong lalaking toh.

Sean's POV

Tawag ako ng tawag kay Kaizar. Pumunta muna akong garden. Naka 50 missed calls na ako and wala pa din!

Eto na muna yung last for this day. Tinawagan ko siya ulit. Nag-hintay ako ng mga 2 minutes, after nun, sinagot niya.

Call: Kaizar
S: hello?! Kaizar?! Asan ka?! Bakit di ka pumasok kanina sa school?! Bakit ngayon mo lang sinagot yung call ko?!
K: yow chill.
S: anong chill?! Hinahanap ka ng parents mo.
K: tsk. I don't wanna see them muna.
S: bakit naman?
K: long story bro.
S: okay fine. If you don't wanna tell me, pwes, sabihin mo nalang saakin kung nasaan ka na! Pupuntahan kita.
K: bro, gusto ko ikaw lang yung makakaalam kung nasaan ako ah.
S: uhm, okay. Sige.
K: na sa city of dreams manila ako. Room 373 ako.
S: okay, sige. Pupuntahan kita ngayon din.
K: sige bro. Hintayin kita. But please don't tell anyone about this. Ikaw lang dapat. Bye.
Call ended

Agad akong pumunta sa kotse ko at nag drive papunta sa City of Dreams Manila. Kung nasaan si Kaizar.

Kumatok ako, agad niya naman itong binuksan.

"Ano nangyare bro?" Tanong ko.

"Bro, ano kasi, gusto nila mom and dad ituloy yung kasal namin ni Maine." Sagot niya.

"Huh?! Eh akala ko ba naayos na yung problema na yun??"

"Yun na nga bro eh. Akala ko din. Pero pinirmahan na kasi ni dad yung contract. Kapag di ako nag pakasal kay Maine, makukulong si dad. Bro, di ko na alam kung ano yung gagawin ko."

Haysh. Kaya naman pala nag layas tong si Kaizar eh. Ang laking problema nga talaga toh. Sino ba naman kasi ang may gusto na ikasal sa taong di mo naman gusto?

"Napaka laking problema nga yan, bro. Pabayaan mo. Malalagpasan mo din yan."

"Pero paano?! Bro, nagpa-panic na ako dito. Di ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Bro, ayaw ko ikasal kami ni Maine. Ayaw ko din naman na makulong si dad."

"Bro chill. May ilang years ka pa para maayos ang lahat na ito."

"Oo nga noh. Pero kasi bro, mahirap ito ayusin."

"Wag kang mawalan ng pag-asa."

"Sige bro, titignan ko kung paano ito maayos. Thank you sa advice bro. Mabuti pa at bumalik ka na sa kela Kylie. Baka hinahanap ka na nila."

Hala oo nga pala. Nawala yun sa isip ko. "Sige bro. Alis na ako." Sabi ko naman. Tumango nalang siya. Binuksan ko na yung pintuan.

Kaso nung pag bukas ko ng pintuan......................

He's BackWhere stories live. Discover now