Chapter 60| Second Time

119 6 1
                                    

Cember's POV

Dismissal na at agad nag madali si Kaizar palabas ng classroom. Ewan ko kung ano yung nangyari dahil wala siya sa mood ngayon. Pati sila Sean hindi nila alam kung bakit ganto si Kaizar ngayon. Nag alala ako kaya sinundan ko siya. Nag lakad siya papunta sa soccer field. Umupo siya sa sahig kaya umupo rin ako sa tabi niya. Nagulat siya nung nakita niya ako.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya, naka tingin lang ako sa harap.

"Ako dapat nag tatanong nyan diba? Ano ginagawa mo dito? Bakit the whole time wala ka sa mood? Bakit hindi mo ako ginugulo ngayon? Bakit di ka man lang namamansin?" Sunod-sunod kong tanong, bigla naman siya tumawa. "May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?" This time, tumingin ako sakanya.

"Aminin mo, na miss mo yung kakulitan ko." Naka ngiti niyang sabi, tinignan ko yung mata niya at alam kong pinipilit niyang ngumiti. Gusto kong malaman kung ano yung problema ng lalaking toh. Pinag aalala niya ako eh. Hays...

"Hindi ka kasing kulit ni Sean pero oo, na miss ko yung pang gugulo mo saakin." Tumawa nanaman siya. At alam kong fake laugh yun. "Wag ka nga tumawa o ngumiti."

Napa tigil naman siya at naka tingin lang siya saakin.

"Masama na ba tumawa at ngumiti?"

"Hindi naman, pero kasi alam ko naman na pilit yang mga ngiti at tawa mo. Sa mata mo palang, halata nang may problema ka, kaya sabihin mo na." Bigla naman naging seryoso yung muhka niya. Tumingin siya sa harap niya.

"I'm going back to US."

At tumigil ang mundo ko. Bakit siya babalik sa US?

"Why?" Yan nalang ang na sabi ko dahil hindi talaga ako makapag salita sa nalaman ko.

"Sabi nila mom, doon nalang daw ulit kami. Kasi may kailangan kami asikasuhin dun sa US eh." Malungkot niyang sabi.

"Bawal ba dito?"

"Bawal eh."

"Bakit bawal?"

"Kasi kailangan sa US."

"Paano na tayo? Ano iiwan mo ulit ako? Ganun ganun nalang yun? After mong sabihin na nililigawan mo ako. Aalis ka rin pala at iiwan mo ako. Buti nalang pala hindi pa kita sinasagot dahil baka masaktan nanaman ako. Ayaw ko na, pagod na ako. Sige, umalis ka na." Tumayo ako at nag simula akong mag lakad. Napa tigil ako ng biglang hatakin ni Kaizar yung kamay ko at niyakap niya ako.

"Cember, diba sabi ko sayo hindi na kita papakawalan pa?" Hindi daw, pero bakit iiwan nanaman niya ako? "Hindi kita iiwan, not anymore."

"Pero aalis ka diba? So meaning, iiwan mo nanaman ako."

"Babalik pa naman ako eh." Babalik. Tss. Kailan? Kapag may nagustuhan na akong iba.

"Kailan? Kapag may iba na akong boyfriend?"

"Di naman ako mag tatagal dun. Saglit lang ako dun. Promise."

"Promises are meant to be broken."

"Kung sila di nila tinutupad yung mga promises nila, pwes ibahin mo ako. Cember, paulit-ulit nalang ba tayong ganto? Cember, hindi lang ikaw yung napapagod. Isipin mo rin naman ako. Hindi yung puro ikaw, madami akong dahilan kung bakit nagawa ko yung mga bagay na naka sakit sayo."

Napa tulala nalang ako sa mga sinabi niya. Masyado ko na ba iniisip yung sarili ko? Baka dahil masyado ako nasaktan dati kaya nag kakaganto ako?

"Alam mo, kung wala na talaga akong pag-asa, tatanggapin ko nalang. Alam kong sinabi kong di na kita papakawalan, pero hindi ko naman kaya mag hintay habang buhay. Tao lang din ako, napapagod din ako. Cember, hindi habang buhay na sa tabi mo ako. I'm sorry to say this."

"So are you saying goodbye again?"

"I guess, yes. This is a goodbye, for the second time." Nag lakad na siya papalayo saakin. Bakit ganto? Balak ko pa sana siyang habulin kaso di na ako maka galaw sa sobrang lungkot na nararamdaman ko ngayon.

"Tayo ka na dyan, five minutes ka na naka tayo dyan." Nagulat ako nung lumapit sakin si Kylie.

"He's going back to US." Walang gana kong sabi.

"I heard everything. Cember, bakit di ka nalang mag hanap ng iba? Madami namang iba dyan ah, bakit si Kaizar pa?" Agad ko namang sinamaan ng tingin si Kylie.

"Are you crazy? Kaibigan ba kita?"

"Concern lang naman ako sayo. Palagi ka na nasasaktan dahil kay Kaizar. Hindi ka ba napapagod?"

"Aalis na ako. Wag mo ako susundan." Tumayo ako at nag lakad ako ng mabilis.

Pumunta ako sa secret house ko. Ititigil ko na ba tong nararamdaman ko para kay Kaizar? Tama ata si Kylie. Paulit-ulit nalang ako nasasaktan dahil sakanya.

Bakit ang hirap? Malapit na ang graduation. Sa araw na yun, dun na ako mag dedecide.

***

Nag lalakad ako ngayon sa hallway at nakita ko sila Kylie. "Cember!" Sigaw ni Iella. Pumunta ako sakanila. "Girls, una na ako sa classroom ah." Agad namang umalis si Kylie.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni May.

"Oo nga. Okay naman tayo dito kanina. Nag kwekwento pa nga si Kylie eh." Sabi ni Iella.

"Cember, may problema ba kayo ni Kylie?" Tanong ni Lexi.

"Wala pa ako sa mood para pag usapan yan. Una na ako sa classroom." Iniwan ko silang tatlo dun. Naririnig ko na tinatawag nila ako pero hindi na ako lumingon. Malapit na ako sa classroom, kaso naisip ko si Kaizar.

Pag pumasok ako, makikita ko siya at lalo lang akong masasaktan. Kaya nag decide nalang akong hindi pumasok. Pumunta ako sa rooftop. Kaso naalala ko nanaman siya.

Bakit ba kahit saan ako pumunta naaalala ko siya?! Gusto ko na siyang kalimutan pero bakit napaka hirap? Nag decide akong umalis sa school at pumuntang mall.

Nag lakad-lakad lang ako. Wala na akong pakialam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Naka tingin lang ako sa mga paa ko. Maya maya, napa upo nalang ako sa sahig. "Aray! Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinada-- Kylie?" Anong ginagawa ni Kylie dito?

"Bakit ka nag skip ng school? Dahil nandun si Kaizar? O dahil galit ka saakin?" Seryoso niyang sabi.

"Bakit ba nakikialam ka sa mga decision ko?! Sino ka ba para gawin yun?!"

"Sino ba ako sa buhay mo? Cember, I'm just trying to help you. Hindi ka ganito eh. Bakit ba pabago bago yung mood mo? Ok ka na nung isang araw eh, pero eto ka nanaman, malungkot. Cember, lalaki lang yan. Madami namang may gusto sayo sa school eh."

"Wala ka sa position ko para sabihan mo ako ng mga ganyang salita."

"Okay fine. Ito na yung huling beses na sasabihin ko sayo toh. Sorry for everything, sorry kung sa tingin mo makulit ako. Sorry kung sa tingin mo, hindi kita naiintindihan. I just wanna thank you for everything you've done for me. Cember, I'm going to Canada. Before I leave, ayaw kong ganto ka. Pero ayaw mo naman makinig saakin. Goodbye." Nag lakad na si Kylie papalayo saakin.

Canada?!

He's BackWhere stories live. Discover now