Simula

11.6K 134 5
                                    

Simula

Kakapagpag ko palang ng pantalon ko matapos kong ayusin iyon. Pagkatapos ay lumabas na ako sa public cr.

Paniguradong tapos na si Mama sa pagpapacheck up.

Madaming tao ngayon dito sa hospital, siguro dahil weekends. Siksikan ay pawisan na ako pero hindi ko inalintana. Kailangan ko ng makarating kay Mama agad para makauwi na kami.

Huminto ako nang makitang tanggal ang sintas ng sapatos ko. Yumukod at tinaling mabuti iyon. Pag angat ko ay napatapat ako sa isang private room, lumabas kasi ang lamig doon na galing sa aircon. Out of curiosity, lumapit ako doon at pumasok. Siguro naiwan ng nurse na bukas ang pinto.

Kumunot ang noo ko kasi walang bantay. Doon ko binaling ang tingin ko sa pasyenteng nakahiga at tanging tunog ng oxygen ang naririnig ko. Nakataas ang paa ng lalaki at tingin ko may bali ito sa kanang braso. Nakabalot ng benta ang buong mukha nya at buhok lang ang kita sa kanya tyaka mata, ilong at bibig.

Tumitig ako doon sa pasyente, marahil ay lalaki ito dahil na din sa bugso ng katawan nya. At tantya kong sobrang grabe ng naging aksidente nya kaya nandito sya ngayon.

I shooked my head. "Mga kabataan nga naman."

Lumapit pa ako sa mismong kama nya at nakita ko ang mahabang pilik nya. Sa gilid ng drawer nya ay may nakalagay na limang pirasong yakult. Kumuha ako ng isa at humarap doon sa lalaki.

"Oy. Pahingi ha. Paborito ko kasi to." Humagikhik pa ako. "Bibigyan nalang uli kita kapag nagkita tayo kaya gumising ka na at magpagaling."

I touched his nose. Matangos kasi.

Halos mataranta ako ng tumunog ang oxygen nya. I blinked when I saw his left arm lifting. Tila parang natuod ako sa pwesto ko at hindi ko alam ang gagawin ko.

Isang impit na ungol ang narinig ko bago ko nakitang mulat na iyong lalaki. Hala! Naramdaman nya bang kumuha ako ng yakult?

"Ugh!" He lifted his left arm, as if trying to reach me.

"Wait lang kuya. Tatawag ako ng nurse."

Dali dali akong lumabas at tumawag ng nurse. Mabilis din naman silang rumisponde. Dala ng kuryusidad ay sumilip pa din ako. Doon ko nakita ang isang lalaki na nasa kwarto na ngayon. Pikit na uli ang lalaki. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at tumalikod na.

"Mama."

"Saan ka ba galing? Halika na. Tanghali na."

Humawak ako sa braso ni Mama at lumakad na kami. Kaso nang mapaadaan kami sa kwarto nung lalaki kanina ay hindi ko na napigilan na bumitaw sa Mama ko.

"Ma, una ka na. May sisilipin lang ako."

"Mayami ha. Bilisan mo."

"Opo." Tumatango kong sabi.

Kahit anong pigil ko ay talagang inatake ako ng kakulitan dahil muli akong pumasok sa kwarto at nilapitan iyong lalaki. Stable na ang paghinga nya. Nakikita ko ding gumagalaw na iyong mga daliri nya

"Oy. Magpagaling ka ha. Tapos hanapin mo ko. Singilin mo iyong yakult." Humawak ako sa kamay nya.

I smiled. Gumalaw uli iyong kamay nya at pagharap ko sa mukha nya ay nakita kong mulat iyong lalaki. Muntik na akong mapamura.

"Ah eh. Hehe. Get well po." Tumungo ako at walang lingon na lumabas ng kwarto nya.

Hala ka, Mayami! Hahanapin ka talaga nun gawa nung yakult.

---

Huminga ako ng malalim bago ko nagpasyang lumabas ng kwarto. Tahimik sa bahay at malamang wala si Mama. Si Papa lang ang tanging nasa sala at nanunuod ng tv. Yumuko at walang imik na lumabas ng bahay.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Onde histórias criam vida. Descubra agora