Chapter Eight

2.9K 66 3
                                    

Chapter Eight

Dinala ako ni Zild sa tapat na convenience store. Tumahan na naman ako pero alam mong mugto ang mata ko.

"Here, eat and drink this."

Nilapag nya sa harapan ko ang big bite at yakult. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Salamat." Malat pa ang boses ko gawa ng iyak na ginawa ko.

"Huwag ka ng manginig. Ipapahanap ko ang lalaking yun." Sinuri nya din iyong hiwa sa kanang braso ko. "Ano pang ginawa nya bukod dito?"

"Nakuha nya ang cellphone ko." Matamlay kong sabi.

"Hindi ka na ba nya sinaktan sa ibang parte ng katawan mo?"

Umiling ako. He sighed and hold my hand.

"Don't worry. You are safe with me now." Dama ko ang kaseryosohan sa boses nya. "Kumain ka na. At magpahimasmas bago kita ihatid sa inyo."

"Huwag na, ayoko--"

"Matapos ng nangyari kanina, Mayami sa tingin mo hahayaan pa kitang umuwi sa inyo mag isa? No. Eat that and drink this yakult to make you feel better."

Tumitig ako sa kanya. He's being sweet again.

"Come on. Eat, Mayami."

Tumayo sya at tinungo ang sasakyan nya. Pagbalik nya ay nakita kong kumuha sya ng first aid kit.

"Kain na, Mayami."

Tumango ako at sinimulan ng kainin ang big bite habang nililinis nya ang sugat ko. Napangiwi ako.

"Sorry." He said.

At nang matapos sa paggamot sa sugat ko ay naramdaman ko ang pagtitig nya. Lumunok ako nang makitang pasado alas siete na.

"Ahm, kailangan ko ng umuwi. Hinihintay na ako sa amin."

"Are you sure you're okay now?"

Tumango ako. "Salamat uli,"

"Let's go."

Tumayo na sya at sya ang nagbuhat ng mga dala ko kanina. Hindi na nya ako hinayaang umalma. Pinatunog nya ang lock ng sasakyan nya at pinagbuksan ako ng pinto. He even fix my seatbelt with one hand.

Nagkatitigan kami ng segundo at parang tanga na parang may sumipa sa dibdib ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. I heard him sighed.

"Okay?" He asked. Tumango ako.

Sinarado na nya ang pinto at nilapag ang mga dala sa backseat. Tahimik ako at yakap ang sarili ko habang tinatahak namin ang daan pauwi.

Tipid ang ginawa kong pagbibigay ng direksyon sa amin.

"Dito nalang. Salamat uli, Zild."

Maingat nyang inabot sa akin ang mga dala ko bago matiim na tumitig sa braso ko.

"Hatid na kita sainyo."

Mabilis ang ginawa kong pag iling. "Huwag na. Kasi.."

"I know. Sige na." He smiled and my heart skip a beat again.

Kumurap ako at tumango bago bumaba sa sasakyan nya. Mabuti at wala masyadong tao sa labas kaya walang makakakita sa akin at walang tsismis.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa gate. Bumusina si Zild para ipaalam na aalis na sya. Kumaway nalang ako at tuluyan ng pumasok sa loob.

--

Nagtanong si Mama kung ano daw nangyari sa braso ko. Nagdahilan nalang ako na nakuha iyon sa palengke. Hindi na naman sya nagtanong pa. Sunod ay iyong cellphone ko, bakit daw hindi na nya nakikita. Gumawa na naman ako ng kwento, sinabi ko nalang na nawala ko iyon at hayaan nalang. Hindi naman inportante iyon.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now