Chapter Thirty Five

3.3K 68 0
                                    

Chapter Thirty Five

Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at lumayo. Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang puso kong husto sa pagwawala sa loob ng dibdib ko.

"I'm not sorry for kissing you," aniya sa medyo paos na boses.

Bago pa ako makapagsalita ay bumukas ang pinto at pumasok si Ma'am Strawberry na may hila hilang lalaki. I composed myself and smiled.

"Hi! Sorry, ang tagal ba? Hinintay ko na din kasi si Earl." Yumakap na sya ng tuluyan doon sa lalaki. "Anyway, iyong studio type na isa kukunin namin. Ikaw ba, Zild? Kukunin mo to?"

"Pag iisipan ko pa muna." Sagot nya.

"I-I'll process the p-papers now, Ma'am Strawberry." Tumikhim ako at lumapit sa counter top para damputin ang folder ko.

Any minute, pakiramdam ko lumulutang ako sa uri ng paninitig ni Zild sa akin. I carefully swallowed.

Silang tatlo ang kaharap ko sa cubicle ko. Nagpapasalamat nga akong nagagawa ko pang umimik ng diretso at magpaliwanag kina Ma'am Strawberry at boyfriend nya. Si Zild ang malapit sa pwesto ko, nakapalumbaba sya habang paulit ulit binubuklat ang mga magazine doon.

"Here's the other documents po. And the key,"

"Magugustuhan kaya ni Emsi yun? I hope she likes it. Ang hassle kasi pag nag apartment sya tapos malayo pa sa trabaho nya." Sabi ni Ma'am Strawberry doon sa boyfriend nya.

"She'll like it. Advance graduation gift natin yan sa kanya."

"Spoiled na spoiled si Emerald sayo, swerteng babae." Kumento ni Zild, umayos sya ng upo.

"Hindi naman namin pwedeng ispoiled si Primrose at ayaw mo. Besides, she deserve it. " sagot nung Earl. "Anyway, let's go. May meeting ako ng thirty minutes."

Tumayo na sila at nagpaalam. Nagpasalamat lang ako at inayos na ang mga documents nila na ilalakad ko pa.

"Come on, Zild."

"Sunod ako."

Minadali ko ang pag aayos ng mga folder at nang maayos ko na ay pumihit ako patalikod, sinalubong ng braso ni Zild ang baywang ko.

"Z-zild.." taranta kong sabi.

"Can we have lunch?"

Ngumiwi ako at kinalas ang braso nya sa baywang ko. Muli na namang nagharumentado ang puso ko.

"Umalis ka na nga. Wala akong oras sayo. Kundi mo kukunin iyong unit, wala tayong dahilan para mag usap pa."

Naglaro ang aliw sa mata nya.

"Akala mo ba ganun ganun nalang ang lahat? Hindi. Gago ka pa din."

"I am willing to take responsibility for taking your virginity. Handa naman kitang panagutan, Mayami. If you'll just allow me."

"Pwede ba! Pagago ka ng pagago."

"Oh really?" Ngumisi sya. "Akala ko okay na tayo? So, I mean there's no harm if I invite you for a lunch?"

Huwag kang pumayag, Mayami. Isipin mo ang kasalanang ginawa nya sayo. Isipin mo.

"Pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin. But you can't stop me cause," humaplos sya sa braso ko. "Nasabi ko na bang, mahal pa rin kita?"

"Hindi na kita mahal." I spat in his face.

He chuckles. "Alright. Prove it, let's have lunch... as a friend?"

"Hindi kita kaibigan, Zild. Pagkatapos nito, lubayan mo na ko."

Dinampot ko iyong bag ko at nauna ng lumabas sa cubicle ko. Sinapo ko pa ang noo ko. Pagkatapos nito, Mayami. Hindi ka na nya guguluhin. Pakisamahan mo lang.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon