Chapter Two

4.5K 90 0
                                    

Chapter Two

"Sir Zild, sigurado po ba kayong ayos lang na dito kayo kumain?" Tanong ni Aj.

"It's okay."

Di ko na sila pinansin at umorder na ng kakainin ko. Pagkatapos, sumunod na sila sa akin.

"Ito, masarap Sir. Try nyo po." Turo ko dun sa sweet and sour na tilapia.

"Sige iyan ang akin. Tyaka itong, laing ba ito?" Turo nya doon sa katabi.

Tumango ako. He smiled before facing Aling Em.

Binuhat ko na iyong mga plato ko at humanap na ng uupuan ko. Sumunod sina Shiela sa akin bago naupo si Sir Zild.

"Thank you uli, Sir. Nakakahiya naman po." Ani Aj.

"Walang problema."

Kumunot ang noo ko. Ano yun?

"Nilibre tayo ni Sir Zild." Bulong ni Shiela nang makitang kuryuso ako.

Napataas ang kilay ko at napasulyap kay Sir Zild. Halos masamid ako nang magtama ang mata namin. Napaayos ako ng upo ng wala sa oras.

Tumikhim ako.

"Aware ba kayo sa ipapatayo ni Mama na mini gro?" Tanong nya kapagkuwan. "May opinion ba kayo dito?"

"Wala naman pong problema, Sir. Hindi naman po kasi kami mawawalan ng trabaho." Sagot ni Shiela. "Nagpapasalamat nga din po ako, Sir at napili kaming magrenta doon."

"Stop calling me, Sir. Just Zild." Aniya. "Walang renta doon, it's free. Napagusapan na namin ng Mama ko ito."

"Ay hala Sir, este Zild. Nakakahiya naman na po."

"Maliit na bagay iyon. Tyaka tulong na din namin ni Mama iyon sa inyo. For all the hard works."

I wanted to make a face kasi parang pakitang tao lang naman.

Puro sila lang naman ang nag uusap. Sumasabat ako kapag kinakausap ako ni Aj. But mostly, tahimik lang akong kumakain.

"Matagal na kayong magkakaibigan?"

"Ay hindi! Kami lang ni Shiela, si Mayami. Last year lang namin naging kaibigan."

Bumaling sa akin si Zild. Tumikhim akong muli at umayos ng upo. Nagpahid ako ng tissue sa bibig ko.

"Nasan cellphone mo, ate?" Tanong ni Aj noong palabas na kami ng karinderya. "Hindi ko napapansin ah."

"Ah, sinangla ko muna. Kailangan ko kasing bayadan iyong utang ni Mama."

"Oh. Kakabili mo palang doon ah."

Ngumiti ako. "Hayaan na natin. Ang mahalaga ay nabayadan ko ang utang ni Mama."

---
Sumunod na araw, ayokong mag assume pero parang palaging nakikita ko si Sir Zild sa palengke. Kaso agad ko ding naisip na baka naman dahil binibisita nya ang ginagawang gusali sa katabi lang ng palengke.

"Aalis na po ako. Salamat Tita." Paalam ko sa nanay ni Shiela.

"Maraming salamat sa tulong mo ha. Sige at pabalik na din naman si Shiela mamaya."

Inabot sa akin ni Tita iyong five hundred na sweldo para ngayong araw. Nagpunas ako ng pawis bago kumaway kay Tita.

Huminto ako sa sakayan ng jeep. Nagdeliver kasi si Shiela at Aj ngayon. Tapos na ang oras ko kaya uuwi nalang ako. Meron din naman akong dalang gulay na ulam namin ngayon.

Napakurap ako nang makita ko si Zild na kakababa palang ng sasakyan nya. Dumiretso sya sa coffee shop doon pero para bang naramdaman nyang nakatitig ako sa kanya kaya bumaling sya sa pwesto ko. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now