Chapter Twenty

2.9K 64 5
                                    

Chapter Twenty

Zild and I are still close, hindi na din nagulat sina Aj kung bakit sumasabay na uli si Zild sa amin.

"Ganda mo talaga. Sagutin mo na kasi si Sir Zild." Bulong ni Aj sa akin. Kinurot sya sa tagiliran ni Shiela.

"Tumahimik ka nga jan bakla." Saway ni Shiela sa kanya nang makitang pabalik na si Zild sa lamesa.

He smiled at me and place the table napkin beside my plate. Narinig ko ang ginawang pagismid ni Aj, but Zild just shrugged his shoulders.

"Mayami?" Mula sa paghahalungkat ko sa box ay inangat ko ang tingin ko kay Zild.

"Sir? May kailangan po ba kayo?" I immediately asked. Syempre nasa trabaho kaya dapat Sir.

He snorted. "Thursday? Day off ka diba?"

"Oo. B-bakit?"

"Great. Pwede ba kitang isama sa Lawigi?"

Napaamang ako. "A-ako, Sir?"

Natawa sya. "I'll call you later. For now, let's go back to work." Iniwanan nya ako ng isang ngiti dahilan para magrambulan ang paru paru sa tiyan ko.

Hindi na ako mapakali ng maggabi na. Panay ang sulyap ko sa cellphone ko dahil baka magring na. I already finished my half bath and lay on my bed. Pumikit ako at saglit na pinagalitan ang sarili ko. Hala Mayami, bakit sabik ka sa tawag ni Zild?

Tatlong gabi na kaming babad sa tawag ni Zild. Nakikita ko nalang din ang sarili kong nagkukwento sa kanya ng mga nangyayari sa akin. While he was patiently listening.

My phone beep.

Zild:
Can I call now?

Literal na tumibok ng mabilis ng puso ko. Magrereply palang sana ako ng rumehistro na ang pangalan nya sa screen. Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag.

[Hey,] his voice is a bit husky. Hindi ko tuloy mapigilang mapasinghap.

"Hi." And I tried to calm my voice, tumuwid ako ng higa. "A-anong ginagawa mo ngayon?"

[Done with the daily reports. Ikaw?]

"Ahm, nakahiga na."

[Already sleepy?]

Umiling ako kahit hindi naman nya kita. "H-hindi. I was waiting for your call."

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. At iyong ngiti ko, hindi mapuknat sa labi ko.

[Really?] Tumikhim sya. [So, I'm going to ask you again, Mayami. Sasama ka ba sakin sa Lawigi?]

"A-anong gagawin dun?"

[My grandmother wants to see me. Nagtatampo at hindi ko na daw magawang bumisita doon. Gusto kitang isama para ipakilala na din, if you don't mind.]

"O-okay lang naman."

[Tunay yan? Wala ng bawian?]

Napatawa ako. "Oo, sasama ako sayo."

[Alright. Thank you, Mayami.]

And our conversation went on and on. Nakatulog ako ng mahimbing matapos ang usapan naming iyon.

Thursday came. Pahirapan akong magpaalam kay Mama, pero thankfully, pinayagan naman nya ako basta mag iingat lang daw. Pinangako kong uuwi ako bago mag seven pm ng gabi.

"Sige na. Aliwin mo lang ang sarili mo, ako na bahala sa papa mo."

"Salamat, Mama."

"Mag iingat ka. Huwag mong kalimutang magtext sakin."

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now