Chapter Twenty One

2.6K 57 6
                                    

Chapter Twenty One

Hindi mawala ang ngisi ni Zild habang kumakain kami ng meryenda doon sa may kanto. Tingin ko nga na-weirduhan si Chester sa kanya.

"Tatlo pang banana que, take out." Aniya. "Para kina Lola."

Tumango ako at sumubo na uli nung habhab. Hinarap nga ako ni Zild sa kanya at pinahidan ng tissue iyong baba ko, at saglit kaming nagkatitigan. Kundi pa uubo si Chester ay hindi pa sya iiwas ng tingin.

"Minsan kailangan ko din ng konting respeto. Single ako, pre." Sabi nya. Inilingan lang sya ni Zild.

Pagkatapos namin kumain ay inaya na kaming bumalik ni Chester sa hacienda nila.

"Senyorito Chester, may bisita po kayo." Salubong nung isang kasambahay.

"Diba sabi ko ayaw ko ng bisita ngayon?" Masungit na ani Chester ng makababa ng kabayo.

Inalalayan ako ni Zild pababa ng kabayo. Inabot nya iyong tali sa isang katiwala na nakaabang sa amin.

"P-pero Senyorito, nagpumilit po kasi."

"Sino ba yun?"

"Si Ma'am Betsy Verjes daw po."

Nahinto si Chester sa pag aayos ng suot na boots nang marinig ang pangalan.

"May malaking utang daw po kayo sakanya."

"Ches, una na kami."

Tinanguhan lang ni Chester ang ginawang paalam ni Zild at walang lingon na kaming iniwan papasok sa mansyon nila.

Habang naglalakad pabalik sa bahay kubo, tahimik akong nakamasid sa paligid at napaisip. Tama lang naman sigurong pagbigyan ko ang sarili ko kahit ngayon lang? Tama lang siguro ang naging desisyon kong sagutin si Zild diba? Iyong kapalit nito? Tyaka ko na iisipin kapag dumating na, sa ngayon, dadamhin ko na muna ito.

Naputol ang pagiisip ko nang sakupin ng kamay ni Zild iyong kamay ko, doon ako tuluyang napatingin sa kanya.

"You spaced out again." Dinala nya ang kamay ko sa labi nya. "Mind if I know your thoughts?"

"May inisip lang."

"Regrets?" Umiling ako.

"Of all the girls out there? Bakit ako, Zild? Eh I stole your yakult."

"At the same time, you stole my heart too."

Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti. Never I have thought na corny din pala ang isang Zild Lausingco.

"Halika na nga, gumagabi na. Kailangan ko makauwi bago mag seven."

"Alright," he smiled.

Ako na mismo ang humawak sa braso nya at lumakad na. Pagkarating namin sa bahay kubo, umiinom na ng gamot si Lola. Ayon kay Hilda, nagwala na naman daw si Lola kaya kailangan ng pampakalma.

"Lola, may dala akong banana que." Pinakita ni Zild iyong dala nyang platic bag kay Lola.

Tumingin doon si Lola Corazon bago sa mukha ni Zild.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, James na wala dito ang anak ni Ylona." Iyon ang sabi nya. Bumaling sa akin si Lola. "At ikaw, Ylona, tama na ang paghahangad na makikita mo dito ang anak mo. Inabandona mo sya diba?"

Sabay sabay kaming natigilan sa sinabi ni Lola. Umiling iling pa sya.

"Hindi ko kasalanan ang lahat. Ikaw, Ylona ay hindi nag iingat. Hindi mo pinahahalagahan ang anak mo kaya nawala sayo."

"L-lola.." gulat na sambit ni Zild.

Tinapik naman ni Hilda ang balikat ni Lola.

"La, si Zild iyan. Iyong apo nyo po?"

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now