Chapter Thirty Six

3.4K 79 15
                                    

Chapter Thirty Six

Nasa may kainan daw si Jade sa labas ng building. Ayokong mambintang pero sa kanya ko hinabilin iyong mga papers na isasubmit ko.

"Jade," tawag ko. Nagtatawanan sila ni Lourdes.

"Oh?"

"Iyong hinabilin ko sayo? Tama lahat ng iyon diba? Pati iyong payment. Bakit pagdating kay Ma'am, kulang na?"

"Wala akong alam jan, Mayami. Basta hinabilin mo lang sa akin at syempre, binigay ko kay Ma'am."

Bumagsak ang balikat ko. Malaking kumisyon ang inaasahan ko ngayon tapos ganito?

"Jade, maayos akong nakikisama sayo. Huwag naman sanang ganito."

"Pinagbibintangan mo ba ako? Aba, Mayami. Maayos din akong nakikisama sayo ha. Ikaw na nga tong nakisuyo, tapos mambibintang ka pa?"

"Tinatanong ko lang. Huwag kang magalit."

"Kapal kasi ng mukha mo." Umirap pa sya.

"She's just asking, hindi mo sya kailangang tarayan." Rinig kong sabi ni Zild sa gilid ko. "Kapag nagagalit ang isang tao pag tinanong, meaning guilty ito."

"How dare you!"

"Hindi magandang isabotahe ang isang katrabaho dahil lang sa magandang performance nito." Yumuko ng bahagya si Zild. "Have a nice day, Miss."

Matapos nyang sabihin iyon ay hinagilap na nya ang baywang ko. Hindi na ako nakapagreklamo ng isakay nya ako sa sasakyan nya. I don't know why but I started to cry. Nakwenta ko na kasi lahat ng bayarin ko tapos biglang wala pala akong kumisyon ngayong buwan?

"Hey, stop crying. Papaimbestigahan ko iyong babae."

"Hindi na. Hayaan nalang natin."

"Pero hindi pwedeng ginaganun ka nya?"

Pinahid ko ang mga luha ko at hinarap sya. Kumurap si Zild ay dinampi ang kamay nya sa basang pisngi ko.

"Pwedeng pahatid nalang sa bahay?"

"Sure." Mabilis nyang sabi at binuhay na ang makina.

Nagpasalamat lang ako at pumasok na sa apartment ko. Hindi ko na sya nilingon kahit na tinawag nya ako, nalulungkot lang ako ngayon.

Isang katok ang narinig ko habang nakahiga ako dito sa sofa.

"Nanay Linda, ano po iyong bayad ko po sa upa, baka po mahuli ng konti."

"Hindi iyon ang pinunta ko dito. Dinalhan kita ng sopas mo. Huwag mo ng isipin muna iyon at hindi naman ako naniningil."

"Salamat po, Nay."

"Kumain ka."

Tumango ako at napili nalang kainin iyong sopas. Binuksan ko din iyong messenger ko at baka may reply na si Ate kaso ay wala pa din. Nagpadala nalang uli ako ng mensahe sa kaniya.

Gabi na at wala ako sa mood pumasok sa bachelor's club dahil sa nangyari kanina. Kakabuhay ko palang ng cellphone ko ng halos mabitawan ko ito sa isang message na dumating sa akin.

Marikit Ramirez:
Tatlong taon bago mo kami nagawang kamustahin, Mayami? Maayos kami at hindi ka namin kailangan.

Nanghina ako sa nabasa ko. Paano kung sa mahigit tatlong taon na iyon, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob? Dahil natakot ako na kapag nagpakita ako sa kanila, itakwil nila akong para hindi kapamilya.

Sinubukan kong tawagan si Iara at Shinubo para sana may mapagsabihan ng sama ng loob kaso, pareho ko silang hindi mahagilap. Kung kelan naman kailangan ko sila.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now