Chapter Twenty Seven

2.8K 78 11
                                    

Chapter Twenty Seven

"Lumayas ka na dito!"

"Mama, wala na po akong mapupuntahan." Panay ang pagkuskus ko sa mga palad ko.

"Wala akong anak na kabit! Para kang tatay mo! Humanap ng kabit!"

"Mama.."

"Umalis ka na sa pamamahay na to!"

Mapahiya na ako sa maraming tao, huwag lang ang magalit si Mama sa akin.

"Mama, sorry po."

Pumikit ng mariin si Mama bago ako tinalikuran. Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Ilang saglit pa ay dala na nya ang mga gamit ko sa isang bag.

"Mama! Ayoko pong umalis."

Hinila nya ako patayo.

"Alis na! Baka kung ano pang magawa ko sayo."

"Mama." Hinang hina na ako. "Huwag nyo pong gawin sakin to!"

"Umalis ka na dito! Ayoko sa kabit!"

Tinulak ako ni Mama at napahiga ako sa sahig. Sa puntong ito, pakiramdam ko mas lalo akong nawasak dahil sa ginawa ni Mama. Wala na ang dating pagmamahal nya sa akin.

"Simula ngayon, kalimutan mo ng mama mo ako."

Kinalabog nya ang pinto. Tumayo ako at pinagkakalampag iyon. Pagod na pagod na ako sa mga nangyari ngayon. Halos mapudpod na ang kamao ko, pero hindi na ako pinagbuksan ni Mama ng pinto.

Wala akong nagawa kundi ang pulutin ang bag ko at umalis nalang. Ayaw na ni Mama sa akin dahil naging kabit ako. Naging kabit ako ng hindi ko alam.

Mahapdi na ang mata ko pero walang tigil ang paglabas ng mga luha doon. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon. Pahiyang pahiya na ang buong pagkatao ko, tinakwil pa ako ng Mama ko.

Kinapa ko ang bulsa ko at nakita doon ang binigay na five hundred ni Tita Tess. Walang isip isip na sumakay ako ng bus at hindi na alam kung saan pa dadalhin ng bus na iyon. Gusto ko lang makawala sa lugar na ito. Sa lugar na nanakit sa akin. Pagod na ako, ayoko ng ipagsiksikan ang sarili ko dito.

Nagising ako ng tapikin ako ng kundoktor.

"Miss, ikaw nalang pasahero namin."

"Nasan po tayo?" Kahit masakit ang mata ko ay kinurap ko iyon.

"Sa baguio, Miss. Ito na ang huling destinasyon."

Tumango ako at nagpasalamat. Bumaba na ako sa bus at pinasadahan ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin at madilim na ang langit.

Bumuntong hininga ako at natantong, wala akong alam sa kung nasan man ako ngayon.

Pero kahit ganun, nagpatuloy ako sa paglalakad. Umupo sa gater at tumitig sa kawalan. Masakit pa din ang dibdib ko kahit nakalayo na ako sa Lucena.

"Miss?"

Inangat ko ang tingin ko at nakita ang isang babaeng blue ang buhok. Umupo sya sa tabi ko.

"Kanina pa kita napapansin sa bus. Hindi ka pa kumakain kaya binilhan kita ng pagkain." Nilapag nya iyon sa akin. "Kumain ka na, nakakaubos ng energy ang umiyak ng umiyak."

Tumitig ako sa kanya.

"Ay. Walang lason iyan. No harm." Inayos nya ang buhok nyang blue. "Nga pala, I'm Iara Magaling with the blue hair. Eat up, you need some energy."

Kumulo na din naman ang tiyan ko kaya hindi na ako nahiya pang kainin ang binigay nya sakin. Nakatitig lang sa akin si Iara habang kumakain ako.

"Here, bottled water."

"Salamat."

"How are you feeling na?"

"O-okay na. Salamat uli."

"No worries, anyway, anong pangalan mo?" Lumumbaba sya sa harapan ko. "I just wanna know. Base sa nakikita ko, seems like you really suffered. I was watching you earlier, pugto na ang mata mo kakaiyak. What happened?"

Pinagpatuloy ko lang ang paginom sa tubig. Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

"You know ateng. It is better to tell something on a stranger. Walang judgement kasi di mo sya gaanong kakilala."

Kumurap ako at naalala si Zild. Sinabi nya din sa akin ito noon sa beach resort. And as of thinking of him, my heart clenched. Hindi ko dapat sya iniisip ng ganito, he wreck me.

"Ganto nalang, huwag mo nalang sabihin ang pangalan mo. I just wanted to know what happened to you? Kasi, ayaw ko talagang nakakakita ng babaeng mabigat ang damdamin."

"They broke me." Simula ko. "Nagtiwala ako sa maling tao na nakapanakit sa akin ng sobra."

I saw myself telling everything to her.

"G-ginawa akong kabit ng taong minahal ko ng hindi ko alam. Pinahiya ako ng asawa nya, at tinakwil ako ng Mama ko." Huminga ako ng malalim dahil nangilid na naman ang luha sa mata ko. "Pakiramdam ko, wasak na wasak ako ngayon."

"Everything's happen for a reason. I'm sure malalampasan mo din iyan."

Humihip ang hangin, nakaramdam ako ng antok kaya nagpasalamat na ako kay Iara. Kelan ko pang maghanap muna ng matutuluyan pansamantala. Three hundred nalang ang pera ko.

"Dito na ako. Salamat sa pagkain. Huwag kang mag alala, ibabalik ko sayo ito kapag nagkita uli tayo." Tumayo na ako at tumango sa kanya.

"Ow. Okay, dito na din ako. Take care always."

Kumaway pa si Iara sa akin, tipid na ngumiti lang ako sa kanya bago tumalikod.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad, wala naman akong kasiguraduhan sa pupuntahan ko. Hindi ko kabisado ang Baguio pero masarap ang pakiramdam dito. Sa kakalakad ko, may nakita akong parang tiangge-an. Narinig ko pang night market daw iyon.

Inaliw ko ang sarili ko sa paglalakad at pagtingin ng mga bagay doon. Pilit ko ding inaalis sa isip ko ang nangyari sa akin ngayong araw. Masyado na akong pagod pa para isipin iyon.

Umupo ako sa may gater doon at hinilot ang paa ko. Nangalay na ata sa walang tigil kong paglalakad ngayon. Suminghot ako, nararamdaman ko na nga ang lamig ng Baguio. Pasado alas onse na din pala.

Humikab ako. Bukas nalang ako tutulog, sa ngayon aanatayin ko nalang muna lumiwanag. Niyakap ko ang mga tuhod ko at inaliw ang sarili sa ginawang pagbibilang ng mga taong dumadaan sa harapan ko.

Ngumuso ako nang magsimula na naman akong maiyak.

Saan na ba ako pupulutin ngayon? Paano ako mabubuhay dito? Hahanap nalang akong trabaho para makapagsimula na. Bukas na bukas ay sisimulan ko na ang paghahanap. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko, hindi pwedeng iiyak lang ako lagi at iisipin kung paano na ako ngayon. Tama, Mayami. Dapat kumilos ka na.

Mulat na mulat pa din ako, nakita sa relo nung katabi kong matanda na alas dose y media na. Nakakaramdam na ako ng antok pero, tinitibayan ko ang loob ko. Kailangan ko pang maging gising hanggang mag umaga.

"Ateng.."

Pag angat ko ng tingin ko. Nakita ko si Iara uli sa harapan ko. Automatikong napangiti ako.

"Nakakainis ka. Hinanap talaga kita ngayong gabi. There's part of me na ayaw kang iwan kasi you look so fragile right now." Lumapit sya sa akin at nilahad ang kamay nya. "Halika na, sumama ka sa akin. I'm harmless. Halika na."

"Ahm, huwag na. Kaya k-ko naman ang sarili ko."

"No! Mag isa ka lang dito. Halika na. Sumama ka na sakin pabalik ng Manila, doon ka magsimula uli."

Kita kong napu-frustrate na sya kaya tumayo na ako. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Stranger ako, bakit gusto mo pa din akong tulungan?"

"I have a feeling that you need someone to lean on ngayon! At ako iyon!" Hinila na nya ako. "Let's go. Ako bahala sayo."

"Mayami Ramirez." Sabi ko. Ngumuso sya. "Ako si Mayami, Iara."

"Ganda ng pangalan mo, kainis."

Ewan ko pero natawa ako dahil sa itsura nya. Niyakap nya ang braso ko at hinila ako sa fast food chain para kumain.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now