Chapter Ten

2.9K 66 3
                                    

Chapter Ten

Panay ang uli ng mata ko at pilit na iniiwas na mapadako kay Zild. Huling huli nya akong nakatitig sa kanya! Hala!

Simpleng celebration lang ito ng birthday dahil ayaw daw ni Zild ng engrande which is sinabay na nga sa grand opening ng Mini Gro kaya iyong raket sana namin ay hindi natuloy.

"Bakla busog na busog ako." Ani Shiela na hinihimas ang tiyan nya.

Tumayo ako at binuhat ang plate ko.

"Saan ka?" Tanong ni Aj.

"Hindi ko pa natitikman yung red velvet cake."

"Ay pahingi din ako!" Ani Shiela.

"Akala ko ba teh busog ka na?" Tinaasan na sya ng kilay ni Aj.

"Basta ka. Damihan mo, Mayami ha."

Napailing nalang ako at nagtungo na sa buffet table kung saan nakalagay ang red velvet cake. I lick my lower lip as I slice two piece of red velvet cake.

"How does it taste?"

Saktong sinubo ko iyong nasa tinidor na icing noong marinig ko iyong tanong.

"Okay lang. Hindi matamis." Ngumiti pa ako. "Happy Birthday pala."

"Salamat."

"Ah, kumain k-ka na ba?"

"Tapos na."

Tumango nalang ako at wala na naman akong sasabihin pa. Nang matapos akong kumuha ng cake ay sinenyas ko na iyong table namin.

"Can I join you guys?"

"Oo naman. Halika na."

Umuna ako sa paglalakad at alam kong pareho ng nakangisi iyong dalawa dahil kita nila kung sinong nasa likod ko.

"Happy Birthday Zild!" Maligayang bati ni Shiela. Nilapag ko sa harapan nya iyong red velvet cake.

Si Aj ay busy sa pagpasada sa paligid nya. Naghahanap siguro ito ng lalaki.

"Goodluck on your journey sa store." Ani Zild.

"Naku, thank you." Si Shiela.

Inabala ko naman ang sarili ko sa pagkain. Masarap yung red velvet cake, tama lang ang tamis.

"Hoy doon lang ako ha!" Paalam ni Aj at mabilis na tumayo.

Sinundan ko ang pinuntahan nya at nakitang doon sa iba nyang mga kaibigan.

"Kuha lang ako ng drinks." Ngisi ni Shiela. Pinandilatan ko sya ng mata.

Tahimik sa lamesa namin ng umalis si Shiela. I focus eating, while Zild? I don't know what's his doing. At dahil curious ako, sinilip ko sya at ganoon nalang na muntik na akong malaglag sa upuan ko ng makita kong pinapanuod nya pala ako.

"Ahm..."

"Musta ang work?" He asked.

"Ayos naman. Medyo nanibago kasi malamig sa loob ng store."

Tumango sya. Umayos ako ng upo. Umayos din sya ng upo at lumapit sa akin, he even place his right arm on the back of my chair.

"Zild," may tumawag sa kanya pero hindi ko na nagawang lingunin.

"Zild, Patrick's asking for you." Sa lamyos ng boses na iyon ay hindi ko maipagkakailang si Persephone iyon.

"Sunod ako sabihin mo." Sabi ni Zild na sinulyapan lang ng mabilis si Persephone.

Iniwas ko ang tingin ko kay Zild at nilingon si Persephone na may ngiti sa labi.

"Hi Mayami, nandito ka pa."

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now