Chapter Twenty Five

2.8K 79 14
                                    

Chapter Twenty Five

Mula sa kusina ay lumabas doon si Patrick na may dalang pitsel at dalawang baso. Pinagsalin nya ako at umupo sa harapan ko.

"Wala si Persephone?"

"May pasok sya ngayon kaya nasa Maynila yun ngayon."

Napatango ako at sumimsim sa baso ko. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng ilang sa pagtitig ni Patrick ng seryoso sa akin.

"Mayami,"

Umayos ako ng upo at humarap sa kanya.

"Gusto ko lang sabihin sayo na ang swerte ni Zild para mahalin mo ng ganyan."

Automatikong namula ang pisngi ko.

"Sana ay huwag kang saktan ni Zild." Dugtong nya pa. Sumilip sya sa relo nya bago bumaling sa pinto.

Sakto lang na bumukas ang pinto at pumasok si Zild doon. Kumunot ang noo nya sa kapatid bago napatingin sa akin.

"Love!" He exclaimed. "Bakit hindi mo sinabing pupunta ka?"

"Nagtext ako." Sabi ko nang makaupo na sya.

"Nasa kwarto ang cellphone ko." Tinaasan nya ng kilay ang kapatid. "May pinag uusapan kayo?"

Sumimsim si Patrick sa baso nya. "Sinabihan ko lang sya ng ang swerte mo para may magmahal sayo ng ganyang babae. Huwag kang mag alala, wala na akong sinabi pang iba."

"Totoo ba?" Harap ni Zild sa akin.

"Oo, san ka galing?"

"May dinaanan lang." Hinawakan nya ang kamay ko. "Sama ka sakin?"

"Saan?"

"Basta. Halika na?"

Hinarap ko si Patrick. Tumango lang sya at pinagpatuloy ang pagsimsim sa baso nya. Nagpaalam ako sa kanya at sumunod na kay Zild.

He seemed so bothered while driving pero nang humarap sya sa akin, nakangiti na sya.

Napadpad kami sa private beach resort na kasalukuyang nirerenovate. Walang paalam na pumasok si Zild doon habang hawak ang kamay ko. Dumiretso kami sa barko sa gilid ng private beach na iyon. Iyong barkong nakatigil lang doon.

"Diba hindi nyo na to property?" Tanong ko pa.

"Yes but this ship is mine. Akin to kaya pwede tayo dito."

Nakarating kami sa pinakang loob niyon. Maayos na ang loob niyon. Mula sa salamin doon ay kita ang over viewing ng nasabing private beach resort. Wala sa sariling napangiti ako habang nakatitig doon. Nang maramdaman ko ang pagyakap ni Zild mula sa likuran ko.

"I really missed you. Sorry at medyo naging busy talaga."

Hinimas ko ang braso nyang nasa tiyan ko.

"Ayos lang. Walang problema."

Binaon nya ang mukha sa may leegan ko at bahagyang humigpit ang yakap nya. Hinayaan ko lang sya dahil nangulila din ako sa yakap nya.

Tumagal ng tatlong minuto ang pagkakayakap nya bago nya hinawakan ang mukha ko at hinarap sa kanya. Titig na titig na naman si Zild sa akin. Maya maya pa ay inabot ng labi nya ang labi ko.

I closed my eyes and savor his lips on mine. Tuluyan na nya akong hinarap sa kanya para mas mahalikan ng ayos. Humawak ako sa braso nya ng maramdaman kong mas lalong dumiin ang mga halik nya. Sinubukan ko ding suklian at gayahin sya, kaso halos magulat ako sa kumawalang ungol sa bibig ko.

Humiwalay sya saglit at hinila ako sa may sofa bed doon. He carefully placed me there and towered above me. Mapungay pa ang mata ko dahil sa halik nya. Pumulupot ang braso nya sa baywang ko at dama ko ang naging bigat nya sa ibabaw ko ngunit tila hindi ko na inalintana iyon ng muli nya akong halikan. Tumagal iyon sa labi ko bago kumawala ang labi nya papunta sa pisngi ko pababa sa leeg ko.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant