Chapter Twelve

2.9K 69 7
                                    

Chapter Twelve

Pinigilan ko ang sarili kong mag assume sa mga minsan ay sweet text ni Zild sakin. Baka kasi mamaya, hindi lang pala ako ang tinetext nito nang ganito. Iyon din ang paulit ulit na sinasabi ni Jp sakin.

Closing na naman ako kaya hindi ako gaanong paspas sa pag aayos. Plinantsa ko na ang uniform ko at hinanda ang mga kakailanganin. Nakatitig lang sakin si Papa, pero walang imik. Hanggang ngayon, hindi pa din kami ayos, at maluwag ko nalang na tinanggap yun.

"Ma, alis na ko."

"Mag iingat!"

Dire diretso akong lumabas ng bahay namin. Pagkasakay ko ng jeep ay syang pag daan ni Jp sakay sa motor. Nakita nya ako kaya bumusina sya.

"Hello, Savannah!!" Bati nung ibang bagger sakin pagpasok ko sa employees entrance.

"Hi!" I greeted back.

"Ganda ng smile ah." Si Wilbert.

Mas lalo akong ngumiti sa kanya. Nag ayos na at nagre-touch na ako ng light make up. Kasalukuyan ko nang inaayos ang buhok ko nang makita ko si Shiela na yagyag na sa pagpasok sa loob.

"12:12 na." Bungad ko sa kanya.

"Oo nga. Pinaalala mo pa." Simangot nya sakin.

"Palagi naman yang late, si Ate Shiela." Ani Wilbert na tumatawa.

Tinapos ko na ang pagaayos ko ng buhok. Doon pumasok sina Jp at Asprec.

"Mayami!" Ani Jp sabay apir sakin. Tinapik ko doon ang kamay ko at tinawanan sya.

Pinisil naman ni Asprec yung pisngi ko. Sinuway ko sya at inayos na ang bag ko sabay balibag sa locker ko.

"Jp!!" Napatili ako ng galawin nya iyong ipit ko. "Pag yan nagulo."

"Eh di gulo." Tawa nya. Hinila nya ako paupo sa tabi nila ni Asprec. "Dito ka muna, aga aga pa eh."

"Madami akong aayusin sa loob ngayon."

"Mamaya na. 12:20 palang."

"Baliw ka. 12:30 ang time natin."

Kinalas ko iyong kamay nya sa braso ko at umisang silip pa sa salamin doon bago nagpaalam kina Shiela na uuna na ako sa loob.

Pagkapindot ko sa bio ay inabot na sa akin ang id at gatepass ko.

"Savannah oh na na!" Tinawanan ko si Monde nag kantahin nya iyon pagkakita sakin.

"Hello. Masayang araw." Si Ron. Pinisil ko ang pisngi nya.

"Hello," bati ko sabay kaway sa kanila.

Kumuha ako ng pushed cart at tinulak na papunta sa pwesto ko. Hinipan ni Ryan ang batok ko pagkakita sa akin. Sinimangutan ko sila.

"Ang aga mo ah!" Aniya.

"Takot lang malate." Nagsimula na akong mag ayos ng items ko.

Maya maya pa ay lumalapit na din si Jomar--iyong SA namin. Pinanlakihan nya ako ng mata.

"Bakit ang aga mo pumasok?"

"Takot daw malate pre. Huwag mo nang igaya sayo." Sagot ni Ryan para sa akin.

Natawa ako at tinapik ang noo ni Jomar. Malapad kasi iyon."

"Ay syaka!" Pinitik naman nya iyong batok ko. "Itim ng batok mo."

Kaagad kong tinakpan iyong batok ko.

"Hindi yan maitim!" Tinaboy ko na silang dalawa. "Alis nga kayo dito. Nag aayos ako!"

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon