Chapter Fifteen

2.8K 67 4
                                    

Chapter Fifteen

Zild is very attentive on what he's doing. Nahinto na din ang panunukso sa aming dalawa nang sawayin na sila ng tuluyan ni Tita Tess, I even saw Zild smiled. Gustong gusto nya tong tinutukso kami.

"Mayami hija, ayos na ako dito. Umuwi ka na at magpahinga na. Day off mo, dapat ay hindi ka nandito ngayon." Pigil ni Tita Tess sa akin. "Ito na iyong sweldo mo para ngayong araw, salamat sa tulong nyo ni Sir Zild."

Hindi na din nagpapigil pa si Tita Tess. Aniya'y ayos na daw sya doon kaya nagpaalam na ako.

I was staring at my five hundred pesos. Siguro pambibili ko nalang ng ulam namin. At sana, nakapagbayad na si Ate ng ilaw namin.

Sa kakaisip ko sa kung anong dapat gawin ngayon, halos malimutan ko nga si Zild sa tabi ko. Kundi pa sya titikhim ay di ko sya mapapansin.

"Mayami,"

"Ah, sorry.. sorry."

"You spaced out. May problema ka na naman ba?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pagkatapos kong umiling.

"Wala naman. Ano nga iyong sinasabi mo?"

"Gusto sana kitang imbitahin sa bahay? Ano... kakain lang ng meryenda." Kapagkuwan ay kinamot nya ang batok nya. "Persephone was there too. Kung ayos lang naman?"

Pasado alas tres palang naman. Tyaka gusto ko lang makasama pa uli si Zild. Kapag kasi may ganito akong problema, he's always here...

"Sige, halika na."

He smiled.

Hinanap ko pa nga iyong sasakyan nya pero hindi ko nakita sa labas mismo ng palengke. Magtatanong sana ako nang makita kong pumara na sya ng tricycle.

"I don't feel like driving today kaya iniwan ko sa bahay iyong sasakyan." Minuwestra nya iyong tricycle sa harapan namin. "So let's ride this one."

Tumango ako at tahimik na sumakay sa loob. Medyo malaki naman iyong tricycle kaso noong sumakay na sya, napagtanto kong maliit din pala ngayong sakay na sya.

"Sa Casa Torres po." He simply said.

Umayos ako ng upo at inaliw ang mata sa tanawin patungo sa Casa Torres, iyong mansyon nila dito sa Lucena. Not a seconds passed by, I felt his arms on my back. Nilingon ko sya kaso dapat hindi na dahil nahuli kong nakatitig sya sa akin.

Napalunok ako at binalik ang tingin sa harapan namin. I heard him sighed.

"Mayami.." he called.

Pakiramdam ko nagiinit iyong pisngi ko ngayon. Hala Mayami. Ang landi mo.

"Hmm?"

"Naiilang ka ba?"

Umiling ako pero sa loob loob ko ang lakas na ng tibok ng puso ko. Bakit ka kasi ganyan, Zild?

Bumaling ako sa kanya para ipakitang hindi talaga ako naiilang na magkatabi kami ngayon. His pair of eyes caught me off guard, titig na titig iyon sa akin at tila may kung anong binabasa sa akin.

My heart skip a beat.

Huminto ang tricycle kasabay ng paghinto ng tibok ng puso ko. Ano ba to? Zild, anong ginagawa mo sakin?

Inabot nya iyong bayad sa driver at sinenyasan akong bumaba na. Nauna sya at sumunod ako. Lumunok ako ng dalawang beses bago sumunod sa kanya papasok sa loob.

He waited for me kaya binilisan ko ang lakad ko. May hagdan na papataas bago makarating sa mismong front door ng bahay nila. Nang buksan nya, umaalingawngaw na amoy ng bihon ang naamoy ko.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now