Chapter Sixteen

2.7K 62 11
                                    

Chapter Sixteen

Malandi siguro ako kasi hanggang pagtulog ko, hindi nawala sa isipan ko ang halik na binigay ni Zild sa akin. Kaya siguro lutang ako noong sumunod na araw.

Hindi iyong lutang talaga, may times lang na napapatulala ako. Naku Mayami, ano bang nangyayari sayo?

"Huy!" Kurap ni Thelags sa harapan ko. "Kanina pa kita kinakausap ah. Ayos ka lang?"

"Oo."

"Nga pala, ito na yung mga deliver ng hanabishi."

Tinuro nya sa mga lalaki na ilagay dun sa gilid ng display ng electric fan iyong mga bagong deliver. Nagpasalamat ako at hinanap ng mata ko si Jomar para ilagay na iyon sa top load.

"Jomar!"

Nahinto lang iyong pagtawag ko ng makita kong nakahalukiphip si Zild malapit sa booth ng wholesale.

He immediately smiled when our eyes met. Ngumiti din ako bago lumihis ng daan. Nagkabanggan tuloy kami ni Jomar, I lost my balance kaya napaupo ako sa sahig. Jomar laughed.

Patayo na ako nang may humawak sa baywang ko at tuluyan na akong inalalayan patayo. My heart pounded, naamoy ko ang pabango ni Zild. Jomar stopped laughing.

"Magingat ka sa paglalakad, Jomar."

"Sorry Sir." Mabilis na sabi ni Jomar na nakatitig pa din sakin at sa lalaking hawak ang baywang ko.

I cleared my throat and move away. Binitawan naman ako ni Zild.

"Ano... nandoon na iyong bagong deliver ng hanabishi." Sabi ko kay Jomar bago tumalikod.

Hindi ko na nga sinulyapan si Zild pero dama ko ang ginawa nyang pagtitig sakin.

Tahimik si Jomar at hindi na nang usisa sa nakita kanina habang nag aayos ng mga bagong deliver. Maya maya pa ay tumunog ang pananalangin para sa alas tres ng hapon.

Tinabi ko na lahat ng mga ipang-re-refill ko para mamaya dahil alam kong susunduin na ako ni Aj dito.

Hindi naman ako nagkamali, saktong kakatabi ko palang ng isang box, naririnig ko na iyong boses ni Aj sa may bandang food department.

"Hoy ate, ano na?" Nakapamayawang na sya. Nakita kong natawa si Shiela sa likudan nya.

"Eto na, masyado ka kamong hot."

Inirapan lang ako ni Aj bago humawak sa braso ko. Doon na kami dumaan sa may beverage, may isang bumati sakin, iyong diser ng emperador. Ngumiti ako kaya nakarinig na naman ako ng pagkaismid kay Aj. Humagikhik si Shiela sa tabi ko.

Humawak kami pareho ni Shiela sa magkabilang braso ni Aj habang naglalakad na kami papunta doon sa madalas naming kainan tuwing tanghali.

"Dadaan ka ba kay Tita Tess?" Si Aj.

"Mamaya nalang. Iaabot ko iyong ulam nya."

Pagpasok namin sa mismong kainan ay wala pang masyadong tao. Pumili na ako ng ulam, pinatisang talong at inalamangan. May baon naman akong kanin, pinadala ni Mama kanina sakin.

Sinenyasan na ako ni Aj na humanap na ng pwesto namin. Pinili ko iyong sa may tabi ng electric fan. Paupo na ako ng makita kong pumarada iyong sasakyan ni Zild malapit dito sa kainan.

Bago pa ako makapagreact, nakita kong nakadungaw na agad sina Shiela doon. Lalo na noong bumaba na si Zild sa sasakyan. Yumuko sya para silipin ang loob, napaayos ako ng upo.

"Hi, Sir Zild." Bati agad ni Shiela.

Sumulyap pa sakin si Aj na may panunuya pa sa labi.

"Ay dito ka na din kakain, Sir?" Si Aj na may paghaplos pa.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now