Chapter Thirteen

2.8K 66 4
                                    

Chapter Thirteen

"Gusto kita, Mayami."

After hearing that words, nasamid ako. Sobra, halos maiyak na nga ako. Zild help me drink water at hinimas nya ang likod ko.

"Are you okay now? Sorry binigla kita." Aniya. "I know hindi ito ang tamang oras at tamang lugar pero, gusto kita. Gustong gusto."

"Sir Zild--"

"Ayoko din ng tinatawag mo akong Sir. I prefer just Zild."

Tumikhim ako. "Hindi ko alam ang dapat sabihin."

"Wala ka namang dapat sabihin, sinabi ko lang na gusto kita. And if you don't mind, I want to court you."

Tama ba talaga tong naririning ko? Or baka naman nadedeleryo lang ako ng gutom. But as I stared at Zild right now, iba ang intensity ng mga mata nya. Ewan ko, seryoso lang yung nakatitig sa naging reaksyon ko ngayon.

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw? Mabait ka, may mabuting puso, you're pretty. And I wanted to erase that loneliness in your eyes, Mayami." He shifted on his seat. "Allow me to court you, just try and trust me."

"Zild kasi ano..."

"Ipapakita kong seryoso ako, just let me."

Alam ko namang Lausingco sya. Sabi nila delikado daw ang mainvolve sa mga ito, dahil once na mainvolve ka, wala nang atrasan. Nung una ko syang makita sa hospital noon, di ko akalaing darating kami sa ganitong punto ngayon.

Kumurap ako nang maramadaman ko iyong kamay nya sa kamay ko. He slightly caress it.

"Just trust me, Mayami."

Tumango nalang ako. Wala naman na akong dapat sabihin kasi, tyaka bahala na kung seseryosohin nya o hindi.

After we ate, tahimik lang ako. Kasi inaabsorb ko yung nangyari kanina lang. Ayoko talagang mag-assume pero, Zild is being sweet again. Baka masanay ako.

"Thank you for being with me today." Aniya.

Pinarada na nya ang sasakyan nya sa parking. Kinalas ko naman yung seatbelt ko.

"Yakult?"

Humarap ako sa kanya, kita kong may inaabot na syang isang yakult sakin. I smiled and took it. Winagayway ko pa.

"Thank you."

Ngumisi sya. Bumaba na ako sa sasakyan, sumunod na din naman sya at pinatunog ang lock nito. Nauna na akong maglakad sa employee's entrance.

Wala pa man ako ay nakatanaw na si Mary sa akin mula sa loob. Minadali ko na ang pagpasok sa loob.

"Hindi ka sumabay kina Aj?" Tanong nya.

"Nauna sila. May dadaanan daw si Shiela sa mall."

"Ah, sinong kasabay mo?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung sino ang dapat sabihin sa kanya. Baka kasi mamaya may kumalat na maling balita, knowing Mary, she's like a cctv.

"Naku, makipagpalit ka na nang schedule. Para sabay na shift natin."

Ngumiti nalang ako. "Cb ka?"

"Uu. Pero papasok na din ako. Nagreretouch lang."

"Toothbrush lang ako."

Tumango sya at kinalikot na ang bag nya. Nilapag ko ang bag ko sa isang upuan doon at kinuha ang toothbrush ko.

Kumatok pa sa kin si Mary para ipaalam na papasok na sya sa loob. Tinapos ko din naman agad ang pagtotoothbrush ko dahil ilang minuto nalang ang natitira ko. Ganon kami katagal kumain ni Zild?

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now