Chapter Eleven

2.9K 66 5
                                    

Chapter Eleven

Two weeks nang magsimula ako sa trabaho. So far, so good, wala pa namang nasasabing iba iyong Tita ko sakin. Maybe because sa wakas may trabaho na ako.

Nanibago ako dahil malamig sa loob ng mini gro. Halos isang linggo akong inubo at sipon. Pero binalewala ko nalang iyon. Sa ngayon, maayos na akong nagtatrabaho.

"Oy Savannah, pasaglit. Baka mabagsakan ka." Ani Mark Anton, diser nang Philusa Coorperation.

Gumilid ako at binato nya pababa yung malaking kahon na kinuha nya sa top load.

"Pwede mo namang ipasuyo sakin ah. Bakit kailangang ibato?"

"Medyo mabigat yun. Babae ka."

Napaling ako at natawa sabay halungkat dun sa box.

"Hanap ka ng lalaki para may sumalo nito." Utos ni Philusa.

Tumayo ako at sumulyap sa kanya. Tumatawa tawa kasi. Palagi yang ganyan kapag makikisuyo sakin. Paano't nalaman na wala pa akong nagiging boyfriend. Dito kasi sa Mini Gro, big deal kapag nbsb ka.

"Ayoko ng lalaki." sabi ko nang natatawa.

Sumilip ako sa kabilang gondola para tingnan kung may ibang diser na lalaki. Pero wala akong makita kaya doon sa sa food department sumilip.

"Hi." Bati ni Ron, Diser ng URC.

"Ahm, pwede bang makisuyo? May ibababang box kasi si Philusa."

"Pwedeng pwede."

"Salamat ha."

Sabay kaming naglakad pabalik sa kung saan ko iniwan si Philusa. Nakangisi na agad sakin itong isa.

"Ang bilis ah. Ginamitan mo na naman ng ganda yan no?" Biro nya.

"Ewan ko sayo ha." Umirap pa ako.

Hinayaan ko nalang sila doon at binalikan ang pagbibilang ko ng mga benta ko para ngayong araw.

"Wala ka bang sale jan, Savannah?" Halos mapatalon ako sa biglang pagsulpot ni Ron sa tabi ko. "Ito, sale ba to?" Hinaplos nya yung isang beach walk.

"Hindi. Two hundred forty five yan."

"Ang mahal naman." Sabay nilapag nya uli yun.

"Ito. Forty pesos."

"Ang chaka."

Natawa ako sabay irap.

"Pang ilan ka na sa lumait ng mga items ko. Grabe kayo ha."

Humalakhak sya sabay kurot sa ilong ko. Sinimangutan ko sya.

"Ehem."

Sabay kaming natigilan ni Ron dahil sa tumikhim. Binitawan ni Ron yung pisngi ko dahil nasa harapan na namin si Zild ngayon.

"Oh pre? Ayos ah." Ani Ron.

"Kelan ka pa naging Home and Fashion, Ron?"

Natawa na naman si Ron. "Ang sungit natin ngayon, Sir Zild ah."

"Bumalik ka na sa department mo. Oras ng trabaho ngayon." Seryosong sabi ni Zild este Sir Zild kaso itong si Ron parang balewala lang iyon.

Tinapik nya pa iyong balikat ni Sir Zild bago kumaway sa akin at naglakad pabalik sa department nya. Nagsalubong ang paningin namin ni Sir Zild.

"Trabaho tayo."

"Pasensya na."

"Mag ingat ka kay Ron. Matinik yun sa babae at isa pa may asawa na yun."

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now