Chapter Fourteen

2.7K 60 3
                                    

Chapter Fourteen

"I'll take you two home." Aniya uli.

"Ay wit Sir. May motor ako, si Mayami," sabay tulak sakin ni Aj. "nalang ang ihatid nyo po."

Pinanliitan ko ng mata si Aj, ngumisi lang ang bakla sakin. Kumaway pa sya.

"Bye. See you tomorrow." Nagflying kiss pa si Aj sakin.

Tila natuod ako sa tabi ni Zild habang pinapanuod si Aj na papalayo na ngayon.

"Mayami, tara na. Ihahatid na kita."

Napabaling ako sa kanya, he crouched his head on the right side. Tumango na ako.

"Hindi ka komportable?" Tanong nya pa.

I was taken aback. I bit my lower lip.

"Mayami,"

"Hindi naman sa hindi komportable... ano lang, naiilang?"

Ngumuso sya, ewan, siguro para itago ang sumusupil na ngiti.

"Nanliligaw ako, dapat hindi ka naiilang. Sa ating dalawa, ako dapat ang nakakaramdam ng ganoon."

Umismid ako at humawak sa strap ng bag ko.

"Masisisi mo ba ako?"

He chuckle. "I know. Come on, I'll take you home."

Nagpatiuna na syang maglakad palapit sa sasakyan nya. Pinatunog nya iyon, I gasped. Ayan, maiiwan na naman kaming dalawa sa maliit na space.

Zild opened the door for me, tikom ang bibig ko ng sumakay doon. Inunahan ko sya sa tangkang pagkabit na naman ng seatbelt ko. Natatakot akong bka marinig nya kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko ngayon. Parang tanga, Mayami.

"Okay?" He asked.

"Okay na." Simpleng sagot ko.

Sinarado nya ang pinto sa gilid ko. Pinanuod ko syang lumakad sa kabilang side ng sasakyan. And right now, I just can't stop my heart for beating too loud. Relax, Mayami. Si Zild lang yan.

He threw me side way glance and then smiled.

Tahimik kaming dalawa habang bumibiyahe pauwi. Awan ko, ganto talaga ako kapag nakakasama sya. Parang hindi ko sya kinausap noong na-confine sya sa hospital noon. Pero ibang case naman yun, tulog sya noon at ngayon, nagsusumigaw ang aura nya.

"Nga pala, I wnat to formally meet your family. Gusto ko ding ipaalam sa kanilang nanliligaw ako sayo." Aniya.

"Ay hindi!" Napasigaw pa ako. Kita kong natigilan sya. "Ibig kong sabihin, huwag na muna. Kasi, iba mag isip ang mga magulang ko." Sabay iwas ng tingin.

"Hmm... okay. Sabihan mo ko kung kailan pwede."

Ngumiti ako. "Seryoso ka talaga?"

Agad na kumunot ang noo nya. "I am true to my words, Mayami. Kapag sinabi ko, gagawin ko talaga."

Napatango nalang ako at pinagdikit ang labi ko para tumahimik. Bago kasi sa akin ito, iyong may nagsasabi ng ganito.

"Kahit doon nalang sa kanto mo ihinto." Tinuro ko iyong kanto papasok sa bahay namin.

"Sure ka?"

"Yep. Mag iingat ka ha."

"Will I able to see you tomorrow?" He carefully asked.

"Ahm, day off ko bukas."

"Oh. Okay then, enjoy your day off."

Kinalas ko na ang seatbelt at nilingon sya. He's staring at me.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon