Chapter Twenty Four

2.6K 57 2
                                    

Chapter Twenty Four

Kita kong pilit na tinatatagan ni Mama ang sarili nya pagkatapos kaming tuluyang iwan ni Papa. Walang nagbukas ng topic doon at tuloy lang ang buhay namin. Pero sa akin, labis pa din akong nasasaktan sa nangyari.

Tinatagan ko ang sarili ko. Mas pinagbuti ko pa ang pagtatrabaho para sa amin.

Sa tingin ko, ako lang ang talagang apektado sa aming magkakapatid. Kungsabagay, hindi naman talaga malapit iyong ate at kuya ko kay Papa at ako lang.

"Bakla, matatanggap mo din iyon. Ganyan lang naman ang buhay." Ani Shiela.

"Ano ka ba bakla, tatay nya pa din iyon."

"Uu nga. Pero ang ibig kong sabihin ganyan talaga ang buhay. Ako, tanggap ko ng patay na ang tatay ng dalawa kong anak." Buntong hininga ni Shiela. "Masakit pero life must go on."

Pinanliitan ni Aj ng mata si Shiela.

"Kaya pala naharot na. Kita ko naka-angkas ka kay Lapot." May pag irap pang ginawa si Aj.

"Sinong Lapot?" Singit ko.

"Si Kevin." Sagot ni Shiela.

Tinuro sya ni Aj. "Ayan! ang harot!"

Natawa ako habang nakatingin dun sa dalawa. Lunch break namin ngayon, pasunod si Zild sa amin dahil may bisita kanina, hindi nya maiwan.

"Oy. Napatawa namin sya." Puna ni Aj.

"Thank you,"

"Ahmmm... ayan na ang prince charming mo."

Mabilis akong nalingon sa likod at nakita kong papasok doon si Zild na may dalang isang pack ng yakult. Walang sawa nya akong binibigyan niyan and I really appreciate that.

Isang linggo na ang nakakalipas, at nakikita ko namang ayos na si Mama kaya hindi na din ako nag abala pa. Sabi nga ni Shiela, ganyan talaga ang buhay. Hindi pa daw ba ako sanay?

"Out na ko. Kaya nyo na dito?" Tanong ko kina Unilab.

"Oo, salamat din sa tulong."

Nagpapirma na ako sa gate pass ko bago nagdiretso sa employee's entrance. Nakapag out na ako at kasalukuyang nag aayos na para umuwi. Bumukas ang back office at lumabas doon si Zild.

"Wait for me.." he mouthed.

Oo nga pala. Si Shiela at Aj lang ang nakakaalam sa relasyon namin dahil bawal ito sa loob ng mini gro.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na. Naupo ako sa may hagdan doon para hintayin sya. Sumilip sya at inabot ang cellphone sa akin bago bumalik sa loob.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Bumuntong hininga ako bago nagvibrate ang phone ni Zild. I respect his privacy, at kahit sinabi nyang pwede kong icheck ang cellphone nya. I choose not to do it.

Umilaw ulit para ipaalala na may dumating na email. May finger print ako sa cellphone nya at dala na din siguro ng curious, I tapped the email application. Pinindot ko din iyong inbox.

Celine_medina@gmail.com:

Zild, we badly need to talk....

Putol ang message hanggang doon. Saglit na nagtalo ang isip ko kung babasahin ko ba at sa huli, binasa ko na din. Ieexplain ko nalang kay Zild kung bakit ko binasa.

Zild, we badly need to talk. I can't contact you but thankfully I found your email. Uuwi na ako next month, let's settle everything when I got home.

Bumukas ang pinto ng employee's entrance at lumabas si Zild doon. Tumayo ako at sinalubong nya ako. Sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan nya. Agad akong sumakay doon at baka may makakita pa.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now