Chapter Six

3.2K 72 2
                                    

Chapter Six

Sa Tiger Winx kami nagpunta ni Zild. Well, first time ko palang kakain dito at ayon kina Aj, masarap daw talaga dito kaso medyo pricey.

"Two order of Tiger Winx please with two lemonade." Ani Zild.

"Okay Sir. Pakihintay nalang po ng fifteen minutes. Spicy po ba?"

Bumaling si Zild sa akin. "Gusto mo ng mahalang?"

"Konti lang." Sagot ko sabay dampot sa wallet ko. "Magkano share ko?"

"Are you insulting me? Ako ang nag aya kaya ako ang magbabayad, got that?"

Tinikom ko ang bibig ko sabay tabi sa wallet ko. Hinarap nya iyong counter at inulit ang order namin. Pagkatapos ay giniya na nya ako sa table malapit sa may bintana.

Inayos ko ang pagkakaupo ko dahil na din sa postura ni Zild. Kitang kita na anak mayaman itong kaharap ko at nakakapanliit tumabi sa kanya.

"Wait, I'll get some disposable gloves."

Sinundan ko ang pinuntahan nya. Naghugas muna sya ng kamay bago kumuha ng apat na disposable gloves.

Noong inabot nya sa akin ay halos doon ko lang na-gets na kamay pala ang gamit pagkain hindi kutsara't tinidor. So that explains why.

"Sorry, mahilig kasi talaga ako sa chicken wings."

"Wala namang problema."

Dahil sa ginawang paninitig, nakaramdam ako ng ilang at agad na nilayo ang tingin ko. I was unconciously playing with my fingers as I can sense him watching me.

"Staring is rude." Sabi ko.

Rinig ko ang pagtawa nya. "Sorry again, can't help it."

"Typical na sinasabi ng mga playboy?"

"I don't think so. Hindi naman ako playboy ah."

Kumibit balikat nalang ako. Ngumisi naman sya. At ngayon ko lang napansin iyong scar sa may bandang left cheek nya. Siguro isa iyon sa remembrance nya noon. Hindi nga nakasama iyon sa kanya, bagkus ay nakadagdag pa ng appeal sa simpleng mukha ni Zild.

Fifteen minutes is shorter than I thought. Sinerve na ang order namin. Agad na kumalam ang sikmura ko ng maamoy iyong aroma ng chicken. Hindi ako mahilig sa chicken pero mukhang masarap tignan ito.

Both of us fell silent. Pero panaka naka ay sumusulyap ako sa kanya, I just can't believe that he actually eat with his bare hands na may disposable gloves. Walang arte syang kumakain habang ako ay nakakaramdam pa ng ilang sa kanya.

Sa totoo lang din, si Zild palang ang nakakassma ko sa ganito na hindi ko pa masyadong kilala. And that must be something, Mayami. Ewan, komportable lang ako sa presensya ni Zild at hindi ko din alam kung bakit.

"Why?"

Napakurap ako.

"H-ha?"

He licked his lower lip. "Nakatitig ka. May dumi ba sa mukha ko?"

"A-ah, wala naman. Pasensya na."

"Nah, It's alright. Kain ka lang."

Wala na kaming imikan na pinagpatuloy ang pagkain. At pagkatapos ay giniya na ako ni Zild palabas.

"I'll take you home." ani Zild bago pinatunog ang sasakyan matapos namin maglakad ng konti.

"Huwag na. Baka maabala pa kita."

"I insist."

Umiling ako at sinulyapan ang daan kung saan nakikita ko na ang jeep na paparating.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang