Chapter Twenty Three

2.6K 57 2
                                    

Chapter Twenty Three

Tahimik ako sa trabaho, nasasaktan pa din ako dahil sa pagsisinungaling ni Papa. Gustong gusto ko syang tanungin pero natatakot akong makita ang sakit sa mata ni Mama kapag nalaman nya lahat.

Pagkatapos ng uwing iyon ni Papa. Nasundan na naman ng halos isang linggo nyang hindi paguwi. Mas lumakas ang duda kong may iba na syang babae. Sa kaalamang iyon, mas lalo akong nasasaktan. Ang Mama ko.

"Love," hinarang ni Zild ang ulo nya sa kung anong tinititigan ko.

"Ha? Ah, sorry sorry."

Kinalas ko na ang seatbelt ko at handa na sanang bumaba ng hawakan ni Zild ang kamay ko at hinarap ako sa kanya. Titig na titig sya sa akin.

"Umiyak ka na naman kagabi dahil sa Papa mo." Hinaplos nya ang mata ko. "Hayaan mo na ang Papa mo, sabihin mo sa Mama mo ang lahat at pagkatapos maging matatag ka."

"Nasasaktan pa din ako, Zild. Iyong alam mo sa sarili mong ginagawa mo ang lahat mabalik lang kayo sa dati ay unti unting nawawalan ng saysay dahil wala ng nakikicooperate sayo?"

"Ssh.. stop crying, Love. It hurts seeing you cry." Dinikit nya ang noo nya sa noo ko. "Nandito ako, hindi kita iiwan. Kayanin mo ang lahat, pagsubok lang yan."

Hindi ko na din kinaya at niyakap ko na sya. Wala ng luhang lumabas sa mata ko dahil ubos na ubos na iyon tuwing gabi. Sa ngayon, kailangan ko lang talaga ng yakap. Hinimas himas ni Zild ang likod ko bago humigpit ang yakap ko sa kanya.

Inabutan na nya ako ng yakult kanina pero wala ding saysay. Hindi ko na kailangan ng comfort food dahil masakit talaga sa dibdib.

"Salamat, Zild. Tara na sa loob?" Humiwalay na ako kaso nanatili ang mga braso nya sa baywang ko.

"I love you, Mayami. I really do." Aniya sa seryosong boses.

"Mahal din kita, Zild." Bulong ko.

He crouched infront of me to reach for my lips. Pumikit ako at dinama ang ginawa nyang paghalik. Zild started to deepen his kiss, mas pumikit ako at sinubukang suklian ang halik nya. At nang ginawa ko iyon, narinig ko ang mahina nyang ungol bago lumayo sa akin.

Tumitig ako sa kanya gamit ang mapupungay na mata ko.

"Let's go inside.."

Marahan nya akong binitawan. Tumango ako at bumaba na. Hinawakan nya ang kamay ko nang papasok na kami sa mansyon nila.

Aniya'y ipapakilala nya daw ako sa Mama at kay Patrick ngayon. Ayoko nga sana pero gusto na nya kaya hindi na ako umangal.

Si Persephone at Patrick ang sumalubong sa amin. Ngiting ngiti si Persephone nang makita ako at bineso.

"Hi. Finally, kayo na ni Zild." May pagtili pa sya.

"Welcome, Mayami." Plain na sabi ni Patrick. I nodded.

"Sa kusina na tayo. Si Mama?" Ani Zild.

"Nasa taas pa. Pero pinatawag ko na." Si Patrick ang sumagot sa kanya.

Pumunta na kami sa dinning room nila na napuno ng pagkain. Nahiya ako bigla dahil simpleng buko pie lang ang dala ko.

"Nandito na pala kayo." Narinig ko si Madam Cynthia.

Naksuot sya ng all over na kulay dark green at nakapuyod ang buhok nang sinalubong sya ni Zild. Tumayo ako dala ng kaba noong magtama ang paningin namin.

"M-magandang tanghali po, Madam Cynthia." Alangan kong sabi.

Inakbayan ni Zild ang Mama nya.

"Call her Tita, Love. Girlfriend kita."

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now