Chapter Twenty Eight

2.9K 64 4
                                    

Chapter Twenty Eight

Iara seems to be really nice. Pero ayokong abusuhin ang kabaitan nya sakin.

Totoo ang sinabi nyang isasama nya ako pabalik ng manila matapos namin magpalipas ng gabi sa Baguio ay agad kaming tumulak pa-manila. Iara is living in a simple apartment just around Makati.

Halatang pang isahan lang talaga ang bahay nya, pero hindi ako nagreklamo. Sa ngayon, meron na akong matutuluyan, kailangan ko nalang maghanap ng trabaho. May experience naman ako, pwede na ako kahit sa palengke lang.

Ayaw sana ni Iara na magtrabaho ako pero dala na din ng hiya ay pinagpilitan ko.

Isang linggo na ako dito sa Manila. Hindi ko na masyadong inusisa pa ang trabaho ni Iara dahil ayaw kong masabihan ng kung ano. Tyaka hindi pa kani gaanong close para usisain ko iyon.

Sa awa naman ng diyos, nagkaroon ako ng trabaho. Diser din, sa Metro na malapit sa tinutuluyan namin ni Iara. Mabuti at natanggap agad ako kahit kulang ang ilang requirements ko. At dahil peak season, nangangailangan talaga sila ng tao.

Diser naman ako ng isang chichirya. Hindi gaanong mabigat ang trabaho pero kakayanin ko para makapagsimula na uli ako. Roving ang routa ko. Metro dito sa may Makati at Metro sa may pasay. Wala naman akong naging problema sa pamasahe dahil sagot nila. Kung miminsan ay nanghihiram nalang muna ako kay Iara para may pangkain ako at binabayaran ko kapag dumating na ang sweldo.

Di kalakihan pero sapat na para mabuhay ako at makatulong na din kay Iara. Kapag day off, umeextra ako sa mga coffee shops or ibang shops. Kahit papaano, nakakaipon na naman ako.

"Ang hirap mo minsan kontakin. Wala kang phone kasi." Isang araw ay reklamo ni Iara. "Bili ka na be. Malaki na ipon mo diba?"

For the past month, I can finally say that I am okay. May sapat na ipon na galing sa trabaho. At ngayon, nag aaral ako pero online. Hassle kasi kapag sa university, lalo na't may trabaho ako. Tumagal naman ako sa pagiging diser ko.

"Tyaka na. Iyong kailangan na muna ang dapat pagtuunan ng pansin."

"Hay naku, ayan ka na naman sa pagiging praktikal mong tao. Hello, kelangan mo din kaya iyon. Paano ko malalaman kung nasan ka?"

"Ano ka ba. Huwag mo na akong alalahanin."

"Hindi ako mapapanatag." Nilapag nya sa harapan ko ang cellphone nya. "Gamitin mo na muna yan ha."

"Pero cellphone mo to diba?"

"I can manage."

Sa tagal naming magkasama ni Iara, never ko pa ding tinanong kung anong trabaho nya. Hindi rin naman sya nagkekwento, siguro ay kinakapa nya pa kung mapagkakatiwalaan nya ba akong totoo. As for me, buo na ang tiwala ko kay Iara.

Ingat na ingat ako sa cellphone ni Iara dahil baka mawala. Maaga akong nakaalis sa bahay ngayon, rorouta ako ngayon ng Pasay. Sa mrt nalang ako sumakay at sinalubong ako ng siksikan ng mga tao.

Naging natiwasay naman ang pagcocomute ko. Hindi na mawawala sa akin iyong siksikan. Agawan sa jeep. Lahat ng pakikipagsapalaran ko sa pagcocommute makarating lang sa pupuntahan ko.

"Mayami, nandyan pala coor mo. Buti pumasok ka na." Salubong ni Jacob.

"Hala, sige. Salamat."

Pagkatapos kong mag in ay agad akong dumiretso sa pwesto ko. Nakita ko doon si Sir Vin. Taimtim nyang tinitignan ang mga display ko ng chichirya.

"Magandang umaga po, Sir."

Tumango lang sya sa akin. Sir Vin is five years older than me. May asawa pero komplikado daw ang sitwasyon nila. Bagong coor ko lang to uli sa loob ng isang taon ko sa pagiging diser ng brand nila. Iyong dati kasi, nagresign na.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now