Chapter Nineteen

2.5K 50 1
                                    

Chapter Nineteen

Hindi ko lubos maisip na matapos kong bastedin si Zild ay ganito pa din ang pinararamdam nya sakin.

Kakatapos ko lang titigan ang cellphone ko na tumunog sa tawag ni Zild na hindi ko sinagot. Pumikit ako at dinama ang dibdib ko. Kanina, matapos nyang sabihin ang mga iyon ay tahimik kaming dalawa, ilang saglit pa ay hinatid na nya ako sa bahay. Hindi ko na nga din inalintana kung makikita pa kami ni Papa, pero gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano.

Day off uli ako ngayong araw, imbes na maburo dito sa bahay ay nagpaalam ako kay Mama na eextra nalang muna sa palengke ngayon. Pero sa totoo lang, iniiwasan ko lang talaga si Papa.

Kumaway ako kay Tita Tess nang makalapit ako ng husto. Nandito din si Shiela dahil itong araw na ito ang day off nya.

"Sabi ko naman sayo diba? Pag day off, nagpapahinga sa bahay." Ani Shiela.

"Ayoko kasi dun sa bahay. Ang tahimik. Sanay na ako sa maingay." Nginitian ko sya bago pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"May problema na naman? Minaliit na naman kayo ng tiyahin mo?"

Hindi na ako sumagot pa at inabala nalang ang sarili ko sa pag aayos ng mga gulay.

"Oy, narinig nyo na ba ang balita?" Si Aling Edna. "Iyong anak ni Aling Jessa ay naging kabit ng gobernador. Ayun, kawawa naman iyong bata. Pinagpiyestahan ng mga tao dahil pinagsasampal ng asawa ni Gov. Kawawa naman."

"Oh? Ilang taon na iyong babae?" Si Shiela.

"Disenuebe ata. Ay kebata bata pa."

"Naku, hirap talaga maging kabit. Kahit mahal mo pa, mali pa din ang maki-apid sa hindi mo asawa." Si Tita Tess, "Kaya kayong dalawa, humanap kayo ng walang sabit para hindi kayo maging kabit."

"Opo Ma." Sagot ni Shiela. Tumango tango naman ako. Wala naman talaga akong planong maging kabit, gusto ko iyong matatawag kong akin lang.

Kinahapunan, halos ipagtabuyan na ako ni Shiela nang ibigay na nya ang five hundred para sa pang kain namin. Nagpasalamat ako uli sa kanila bago umuwi dala ang pinabaon nilang gulay sa akin.

Tulad ng dati, inabot ko iyon kay Mama para iluto na. At nang maiabot ko na ay nagpaalam lang ako saglit na tutungo kina Shiela para makipagkwentuhan at syempre, para umiwas sa mga tingin ni Papa sakin.

Isang taon na nga ang lumipas pero mas lalong lumaki amg lamat sa pagitan namin ni Papa. Kahit may trabaho na ako, hindi pa din sapat iyon dahil hindi ako nakapagtapos ng pag aaral. Aniya'y hindi ko man lang daw sya binigyan ng degree kahit papaano.

Tumunog ang cellphone ko habang naglalakad.

Zild:
San ka?

Ako:
Labas. Nagpapahangin.

Segundo bago ko nakasalubong si Zild sakay ng bike nya. He smiled after he saw me. Bumaba sya doon sa bike at hinawakan iyon. Tinago ko iyong cellphone sa bulsa ko.

"Having thoughts again?"

Umiling ako. "Gusto ko lang maglakad lakad."

He nodded. "Kumain ka na?"

"Hindi pa. Ikaw? Baka naistorbo kita?"

"Never kang naging istorbo sakin, Mayami."

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ang pagngiti ko. Tumunog ang cellphone nya.

"Birthday ni Asprec. Pinapadaan ako sa bahay nila. Gusto mong sumama?"

Naitext na nga din ni Jp sakin iyon kanina. May konti lang daw na salo salo sa bahay nina Asprec.

Hate That I Love You (Lausingco Series #4)Where stories live. Discover now