The Beginning

3.6K 53 4
                                    

Have you ever meet the daughter of a mafia boss?

Have you heard the name Kellis Sky Reyes?

The one and only Kellis Sky Reyes who is cold heartless woman in campus.

Lahat ng studyante sa paaralan nila ay takot sa kanya. No one dares to talk to her, even look at her. Well, mayroon napapatingin sa kanya dahil sa taglay nitong ganda. Ang ganda naman talaga nya at ang talino pa.

But be careful, you can look at her but don't let her caught you. She might be beautiful and have an angelic face but deep inside she have a dark side that you don't want to see.

Paano kung may isang lalaki na magtatangkang palambutin ang puso ng isang Kellis Sky Reyes? Ano kayang gagawin nya sa isang ubod ng kulit, daldal pero sobrang gwapo naman na Mazer Sandoval?

Not to mention, habulin din ng babae dahil sa taglay nitong kagwapohan at kabaitan. Sikat din sya dahil sa ama nito na noon ay bahagi ng isang banda na pinakasikat sa buong mundo.

Can Mazer make the cold and heartless, Kellis smile or make her feel the thing they called LOVE?

Or can Kellis make Mazer push from her forever?

Let see who will win the battle between the Jolly Mazer Sandoval and the cold Kellis Sky Reyes.


****

"AYAN NA SYA!" Mahinang sigaw ng isang babae.

Tama-tama lang boses nito para marinig sya ng mga kasama nya. Agad na nagbulongan ang mga studyante, pinasa ang sinabi ng isa hanggang sa lahat na ang nakakaalam.

Nang pumasok ang isang maganda at mala-diyosang babae ay natahimik ang buong campus. Pwede naman silang mag-ingay pero mas pinilit nilang manahimik.

Kita sa mata ng mga studyante ang takot sa mga mata, hindi din nakaligtas ang may paghangang tingin sa kanya ng iba lalo na ang ang mga lalaki. Gustong-gusto ng mga binata na ligawan ang dalaga pero takot sila. May ilan kasi sumubok na ligawan ito pero bigo ang mga ito.

Hindi lang bigo ang sinapit ng mga ito kundi disgrasya at 'yon ay kagagawan ng Beautiful Beast kung tawagin nila na si Kellis Sky Reyes. Beautiful but deadly.

"Sky mahal kita!"

Napatingin ang lahat ng estudyante pati na din ang guro ng X University sa lalaking sumigaw.

Huminto sa paglalakad ang dalaga at walang buhay na nilingon ang binatang sumigaw. Ilang segundo nya lang 'tong tiningnan saka tinalikoran at nagpatuloy sa paglalakad.

Napayuko ang binata sa ginawa nito at nahihiyang naglakad habang naririnig ang mga komento ng mga studyante.

"Transferee ba sya?"

"Mukha eh."

"Kaya pala ang lakas ng loob nya para ipagsigawan sa buong campus na mahal nya si Sky."

"Oo nga. Kawawa naman sya."

May iba na hindi lang pagkabigo ang inabot.

"ANG LAKAS din ng loob mo na ipahiya ako sa buong campus ah." Nanggagaliiting sabi ng isang binata. "Alam mo ba na ikaw palang ang babaeng nakapagpahiya sa akin ng ganon."

Namula sa galit ang lalaki ng hindi man lang nagsalita ang dalaga at walang buhay itong tinitignan. Kinikilabutan sya sa uri ng pagtitig nito sa kanya pero mas nangingibabaw ang galit at inis sa kanya dahil pinahiya sya ng dalaga kanina.

Binigyan nya ito ng pagkain ng break time nila pero tinapon lang nito ito sa basurahan at iniwan sya sa hallway na laman ng usapan. Natapakan ang ego nya. Natapakan ang pagkalalaki nya dahil sa ginawa nito.

Ngayon ay gaganti sya. Hindi man nya ito mapahiya sa harap mismo ng mga tao ay sisiguradohin naman nya na wala na itong mukhang ihaharap bukas.

"Porke't maganda ka ay may karapatan ka ng mang-api ng kapwa."

"Wala akong inapi." Malamig na sabi nito.

"Hindi ba pang-aapi ang tawag mo sa ginawa mong pagpapahiya sa akin?"

"Bakit? Ano bang ginawa ko sayo?"

Mas nagalit ang binata sa sinagot nito. Agad bang kinalimutan nito ang ginawang panghihiya sa kanya kanina?

"Pinahiya mo ako!" Malakas na sigaw nya dahilan para um-echo sa buong eskinita ang boses nito pero hindi sapat para mayanig ang dalaga. "Binigyan kita ng pagkain kanina pero tinapon mo lang!"

"Sinabi ko bang bigyan mo ako?"

Natameme sya pero agad ding nakabawi. "Hindi."

"Oh eh anong pinagpuputok ng butse mo dyan?"

"Ah basta! Pinahiya mo parin ako. Ngayon magbabayad ka. Kahit maganda ka ay hindi kita sasantuhin."

Agad na pinalibutan ng limang lalaki si Kellis at inamba syang paluin ng baseball bat. Umiwas sya saka sinipa ang nasa gilid nya at sinuntok ang isa.

Pinagsisipa nya ang tatlo, nang ma-out of balance ang isa ay sinipa nya ang leeg nito at agad na inagaw ang hawak nitong baseball bat. Nang umamba ng palo ang isa ay sinagang nya ito saka sinipa sa sikmura dahilan para mapaatras at walang pagdadalawang isip na hinampas ang tagiliran nito.

Hinarap nya ang tatlong lalaki na natitira kasama na ang lalaking pinahiya nya. Hindi na nya hinintay na makalapit ang mga ito at sya na mismo ang sumugod sa mga ito at walang awang pinaghahampas ng baseball bat na hawak nya.

Kinabukasan non ay nabalitaan ng mga studyante sa buong campus ang ginawa ni Kellis kaya simula non ay natakot na sila dito at natakot na din ang mga kalalakihan na manligaw dito.

Loving Kellis Sky ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon