Chapter 6

976 34 5
                                    

"A-ARAY!" Reklamo ni Mazer ng dinampi ni Kellis ang bulak na may gamot sa putok nitong labi. "Dahan-dahan naman Kellis." Nakanguso nitong sabi. "May galit ka ba sa akin?"

Napabuntong-hininga sya saka napailing. Kahit nabugbog na ito ay ngumunguso pa din. Walang imik na dahan-dahan nyang ginamot ang sugat nito.

"Bakit ba kasi kayo nag-away?" Tanong nya habang ginagamot ito.

"Sya lang 'yong nang-away. Hindi ko naman sya inaano eh." Nakanguso nitong sabi.

"Stop pouting will you?" Hindi nya maiwasan na sabihin iyon.

"Bakit?"

"Kasi nagmumukha kang patu."

Hindi naman talaga ito mukhang patu, sinabi nya lang 'yon dahil medyo naiilang sya. Hindi nya din maiwasan na mapatitig sa mapupula nitong labi. Na kahit may sugat ay nakakaakit pa din.

Napailing-iling sya sa naisip. Kailan pa sya nagkaroon ng interest sa labi ng isang lalaki?

Napailing ulit sya ng makitang mas napanguso ito sa sinabi nya, mukhang hindi nya talaga ito mapapatigil sa pagnguso. Huminga ulit sya ng malalim. She really need a lot patient right now.

"Ano bang nangyari? Knowing Azulan, hindi naman 'yon nambubugbog ng walang dahilan."

Nagkasalubong ang dalawang kilay nito. "Knowing him? Gaano na ba kayo katagal magkakilala?"

"Since childhood." Kibit-balikat nyang sagot.

"What? Since childhood? - - aww!"

Pinandilatan nya ito ng mata ng bigla itong magtaas ng boses. "Can you lower down your voice?" Mazer look at her apologizing. Napailing sya. "Kalalaking tao ang lakas ng boses."

"Sorry." Paghingi nito ng paumanhin. "Anyway, so matagal na pala kayong magkakilala."

"And?" Napaatras sya ng umupo ito ng tuwid.

"Nanliligaw ba sya sayo?" Seryoso nitong tanong.

Napataas kilay sya sa kaseryosohan ng mukha nito. Titig na titig ito sa kanya habang hinihintay ang magiging sagot nya.

"No. Why?"

Napakunot-noo sya ng nakahinga ito ng maluwag. Hindi nya mabasa kung ano bang tumatakbo sa utak ng lalaking kaharap nya.

"Tsk! Kung makapagsalita sa akin na kanya ka lang, akala mo naman nanliligaw sya. Kung maka-angkin."

"Anong sabi mo?" May binubulong kasi ito na hindi nya masyadong maintindihan.

"Ang sabi ko nagalit sya sa akin kasi nililigawan kita."

Napakurap-kurap sya sa sinabi nito. Nagalit si Azulan dahil lang don? Nagulat sya pero hindi lang 'yon ang nakapagpagulat sa kanya kundi ang huli nitong sinabi. Nanliligaw sa kanya si Mazer?

"Your courting me?" Wala sa sariling tanong nya dito.

Si Mazer na naman ang napakurap-kurap. "Hindi mo alam?" Umiling sya. Natawa si Mazer. "Hindi mo talaga alam?" Napailing-iling ito. "Good grace Kellis, hindi pa ba halata? I baked you cookies and give to you everyday. Pinupuntahan pa kita sa tambayan mo para lang makita ka at makausap. Hindi pa ba halata na nililigawan kita dahil sa mga efforts ko?"

Wala sa sariling napailing sya. "Hindi mo naman kasi sinabi."

Napakurap-kurap ulit si Mazer saka napakamot sa batok. "Oo nga pala no. Sorry."

Loving Kellis Sky ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon