Chapter 15

524 17 1
                                    

Unedited.

ILANG ARAW na ang nakalipas na hindi sila nagkakasama ni Mazer. Nagkikita sila o nag-uusap pero sandali lang dahil dumadating agad ang babaeng hindi maka-move on. Kagaya ng ngayon.

"Sorry Kellis." Paghingi ng paumanhin ni Mazer sa kanya.

"I understand." Sagot nya dito.

Tiningnan sya nito na para bang hindi naniniwala. Naiintindihan nya talaga ang sitwasyon ng binata. Magtitiwala sya dito dahil mahal nya ito.

"Hindi ka ba nagseselos?"

"May dapat ba akong ikaselos?"

Agad itong umiling. "Wala. Syempre wala."

"That's good."

She stiffed when Mazer hug her from her side. "Ang swerte ko talaga sayo." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi nya. "Mabait na, malambing at maintindihin pa." Ngumiti ito sa kanya. "Kung ibang babae pa 'yon baka nagwala na."

"Sad to say, I'm not kind of girl."

"I know and I'm lucky." Hinalikan sya nito sa noo. "I love you Kellis."

Hindi sya sumagot instead niyakap nya lang ito ng mahigpit. Ilang minuto na nakayakap lang sila sa isa't-isa ng biglang tumunog ang phone ni Mazer.

Kahit na ilang beses na itong nag-iingay ay hindi parin sya binitiwan ng binata mula sa pagkakayakap. Kahit hindi nya nakikita kung sino ang tumatawag ay alam nya kung sino ito. Isang tao lang naman ang nangungulit sa binata. Si Riley.

Kumalas sya sa pagkakayakap. "Sagutin mo na. Baka importante."

Sumama ang mukha ng binata habang kinukuha ang phone. Tumigil na ito sa pag-iingay. Binasa nalang nito ang text na pinadala ni Riley saka napabuntong-hininga.

"Nagpapasama sya sa mall, may bibilhin daw." Sabi nito habang nasa cellphone parin ang tingin.

"Okay. Samahan mo na."

Napabuntong-hininga ito. "Here we go again." Tinapik nya ang balikat nito. "Anyways, pwede ba akong dumalaw mamaya sa inyo?"

"Sure."

"Okay." Hinalikan muna sya nito sa noo bago tumayo. "See you later."

Tumango sya saka kumaway. Napatingala sa langit at napaisip. Hanggang kailan ba kami ganito?

"Hanggang hindi kayo naghihiwalay?"

Napalingon sya sa biglang nagsalita. Napa-poker face ng makita si Savanna. Na naman.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

Napakibit balikat ito sa umupo sa tabi nya. "Napadaan lang ako." Hindi na sya nagsalita pa. "Ano? Hanggang kailan kayo ganyan? Hanggang kailan mo pagbibigyan ang babaeng 'yon?"

"Hanggang sa maka-move on sya?"

Napailing si Savanna. "Talaga lang ha. Para sabihin ko sayo my dear friend, hindi makaka-move on 'yon hangga't hindi kayo naghihiwalay. Isa pa, paano makakamove-on 'yon kung palaging kasama si Mazer. Duhh!"

May point ang kaibigan nya. Hindi makaka-move on si Riley hangga't kasama nito si Mazer.

ALAS-OTSO na ng gabi ngunit wala pang Mazer na dumadalaw sa bahay nila. Ni tawag o text ay wala. Sinubukan nya ding tawagan ito kanina pero pinatay nito ang cellphone.

Humiga sya sa malambot na kama. Baka busy lang ito o kaya nagkaroon ng emergency. Siguro nga. Pagkukumbinsi nya sa sarili.

Matutulog na sana sya ng biglang may nag-text sa kanya. Ayaw nya sanang basahin pero dahil baka si Mazer ang nag-text ay agad nyang kinuha ang phone. Nang buksan nya ay kay Mazer nga. Napangiti sya.

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now