The End

446 15 1
                                    

Kellis's POV:

Inayos ko muna ang sarili bago kumatok at pumasok sa kwarto ni Mazer. Nadatnan ko ang mga magulang ni Mazer na kausap sya.

"Good morning po tita, tito." Nakangiti kong bati sa kanila.

"Good morning din iha." Ngumiti din ito pabalik sa akin saka bumaling kay Mazer.

"Uuwi muna kami anak. Nandito sa ang nurse mo eh." Napayuko ako dahil sa hiya dahil sa sinabi ng daddy ni Mazer. Natawa ang mga ito.

"Sige dad, mag-iingat kayo." Nagpaalam na ito ng tuloyan sa amin kaya kaming dalawa nalang ang natira sa kwarto.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at naupo sa upuan na katabi lang ng hospital bed.

"Napapadalas na ata ang pagngiti mo ah." Biro nito sa akin dahilan para mapanguso ako pero napangiwi kalaunan.

"Bakit?" Biglang naging blangko ang ekpresyon ng mukha ko at lumamig ang boses. "Madali lang naman akong kausap eh." Tumawa lang ito saka pinisil ang pisngi ko.

"Ang cute mo." Napangiti nalang ako ng makita ang maganda nyang ngiti.

Ang ngiti nito na ilang linggo ko ding hindi nakita. Yong huling kita ko siguro sa mga ngiti nya ay 'yong araw na hindi pa kami ginugulo ni Trinity.

Naging maayos naman si Mazer matapos ang mga nangyari. Buti nalang at hindi naging malala ang tama na natamo nito, pero kahit hindi malala ay kailangan nya paring manatili sa hospital para magpagaling ng tuloyan.

"Kumusta na pala ang kalagayan mo?" Kumuha ako ng orange at inumpisahan itong balatan para sa kanya.

"Maayos naman. Ang sabi ng doctor kanina pwede na daw akong makalabas sa susunod na araw." Masaya nitong sabi.

"That's good."

"Yeah. Really good. Sa wakas makakalabas na din ako. I'm already bored here." Ngumiti lang ako saka binigay sa kanya ang orange. "Sya nga pala MY," MY, music to my ear. 'Yon na ang tawag nya sa akin, MY means sa kanya lang ako. Ngumiti muna ito bago nagsalita ulit. "How's Trinity?"

It's been a week simula ng mangyari ang mga nangyari. It's been weeks na nandito si Mazer sa hospital pero ngayon lang namin napag-usapan ang tungkol kay Trinity. Even his parents doesn't talk about Trinity this past few weeks.

"She's in jail as expected." Napabuntong hininga ako ng hindi ito mag-react. "Don't tell me your planning on helping her?" Mahinahon kong tanong.

I know naging malapit din sila ni Trinity kaya hindi malabo na maawa sya dito. Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.

"Of course not. I feel pity for her but just that. Hindi ko tutulongan ang mga taong gustong manakit sayo, kahit na naging kaibigan ko pa sila. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin nya, sana lumayo na ako sa kanya. Napaniwala nya akong may sakit sya para maawa ako sa kanya." Hinawakan nya ang pisngi ko at pinagdikit ang noo namin. "I'm sorry MY. I'm really sorry for dragging you into this mess. Nang dahil sa akin ay nasaktan ka pa." Natawa ako ng mahina dahil nagulat sya sa bigla kong paghalik sa kanya. Smack lang naman.

"Okay na 'yon. I love you." Napakagat labi ito na tila pinipigilan ang pangngiti.

"Napapadalas na ata ang pagsabi mo ng 'I love you'." Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

"Sabihin na nating I just realize na dapat ipakita ko pa sa mga taong mahal ko that I love them before its too late." Mas lumaki ang ngiti nito.

Loving Kellis Sky ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon