Chapter 27

530 9 4
                                    

Mazer's POV:

Nagising ako at napahawak sa ulo ko ng maramdaman ang kirot doon. Napapikit ako ulit dahil para itong mabibiyak. Nang medyo nawala ay napadilat ako at napalibot ng tingin. Nagkasalubong ang dalawa kong kilay ng makitang hindi ko to kwarto.

Saan ba ako? Kaninong kwarto to? Ano bang nangyari sa akin? Inisip ko kung anong nangyari kahapon. Nag-away sila Trinity at Kellis. Nakipaghiwalay sya sa akin kaya dumiretso ako sa bar para magpakalasing at... At... Shit! Hindi ko na matandaan kung anong nangyari sa akin.

Imposible namang sina Jayden at Hunter ang nakakita sa akin dahil kung sila nga ay dapat nasa kwarto ko ako ngayon. Shit! Baka may baklang nakakita sa akin at pinagnasaan ako. Napatingin ako sa ilalim ng kumot na napahinga ng maluwag ng makitang suot ko pa ang damit ko kagabi.


Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito saka tuloyan ng nakahinga ng maluwag ng makita si Trinity na nakasuot ng apron.

"Gising ka na pala." Hindi ako nakasagot dahil nagtataka ako kung paano ako napunta sa bahay nya at lalo na sa kwarto nya. Ngayon ko lang napansin na kwarto nya pala ito dahil may malaking portrait na mukha nya ang nakalagay. "Sumunod ka na sa kusina, pinagluto na kita." Agad itong umalis.

Tumayo na ako saka nanghilamos at nagmumog bago sumunod sa kanya. Hindi ko aakalain na sya pa pala ang makakita sa akin sa bar. At mas lalong hindi ko aakalain na papatulogon nya ako sa mismong kwarto nito.


Nang makarating sa kusina ay nakita ko syang naghahanda na ng almusal. Napatingin sya sa akin saka ngumiti.

"Maupo ka na." Ngumiti din ako pabalik sa kanya saka umupo.

Ang bait nya talaga at maalagain. Ang swerte ng magiging boyfriend nya. Napatingin ako sa kanya ng inilagay nya sa harap ko ang isang tasang kape.

"Salamat."

"Your welcome." Ngumiti ito saka umupo. "Kumain na tayo."

Nagsimula na kaming kumain. Humigop muna ako ng kape bago nagsalita. Gusto kong malaman kung paano ako napunta sa bahay nya.

"Paano nga pala ako napunta dito Trinity?" Uminom muna ito ng tubig bago sumagot.

"May nagtext kasi sa akin na kaibigan ko na nakita ka nya sa bar at naglalasing. I'm worried kaya dali-dali akong pinuntahan ka." Napatango-tango ako. "Wala ka bang maalala sa nangyari kagabi?"

Napakunot noo ako. May hindi ba akong nagawang maganda kahapon ng lasing ako. Napapikit ako saka inisip kung anong ginawa ko pero kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maalala. Sumasakit lang ang ulo ko.

"Wala eh. Basta ang huli ko lang natatandaan ay nasa bar ako." Nagtataka ako ng titig na titig sa akin si Trinity. "Bakit? Ano bang ginawa ko?"

"Wala." Yumuko ito. "Humilik ka lang ng malakas."

"Ano?" Gulat na gulat kong sabi. "That's not true. Hindi ako humihilik."

"Paano mo naman nasabi?" Tinitigan nya ako ng naghahamon.

"B-basta... Basta hindi ako humihilik."

"Humihilik ka kaya para ngang generator sa sobrang lakas eh." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya na ikinatawa lang nito.

"Hindi totoo yan."

"Totoo nga kasi."

"Hindi nga kasi." Sinamaan ko sya ng tingin. "Kung naghihilik ako, bakit hindi ko alam?" Tiningnan ko sya ng nanghahamon pero ngumisi lang ito.

"Malamang tulog ka. Paano mo malalaman?" Nakangisi nitong sabi at ako naman ay napanguso.

Tama nga naman kasi sya eh. Hindi mo talaga malalaman na naghihilak dahil tulog ka, pero hindi talaga ako humihilik. Kahit itanong nyo pa sa mommy ko.

"Ni hindi mo nga napansin ang halik."

"Anong sabi mo?" Bumulong lang kasi sya kaya hindi ko masyadong naintindihan.

"Wala. Kumain ka na nga dyan para makaalis ka na sa bahay ko."

"Wow. Parang gustong-gusto ko naman na nandito ako." Sinamaan nya ako ng tingin pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Che!"

Binilatan ko sya. Pansin ko sa kanya ay ang dali-dali nyang mapikon kaya ang sarap asarin eh.


***

Savanna's POV:

Dahan-dahan akong lumapit sa veranda kung saan nakatambay si Kellis habang nagbabasa ng libro. Kung hindi ko lang alam na may pinagdadaanan to, iisipin ko na puro pag-aaral lang nasa isip nito. Pabagsak akong naupo sa sofa.

"Si Trinity ang nag-uwi sa kanya." Palihim ko syang tiningnan at nakita kong bahagya syang napatigil. "Naunahan nya ako eh."

"Sinabi ko naman sa iyo na wag mo na syang sundan." Sabi nito habang nasa libro parin ang paningin.

"Totoo pala yon?" Napatingin sya sa akin. "Akala ko kasi kabaliktaran ang gusto mo." Kumunot ang noo nya. "Okay. Galit nga ako kay Mazer pero okay lang ba na pabayaan natin na mapunta sya kay Trinity." Mas kumunot ang noo nito.

"Who told you that I will let that happen?" Ako naman ang napakunot noo. Binalik nito sa libro ang tingin. "Hayaan mo syang magsaya, alam ko naman na ako parin ang mahal ni Mazer."

"Wow!" Singhal ko. "Overload confident here." Nginisihan nya ako. "Paano mo naman yon nasabi?"

"Because I have trust in his love for me. Alam ko na hindi sya maghahanap ng iba. Hayaan mo na nating isipin ni Trinity na tuloyan na talaga akong bumitaw. Hayaan mo syang maging masaya sa ilusyon nya. If I find any evidence of her plans, don ko babawiin si Mazer. Sisiguradohin kong sa araw na yon ay mawawasak sya, yong tipong hindi na sya makakabangon mula sa pagkabagsak nya."

Napangisi ako sa mga sinabi nya. Sinasabi ko na nga ba eh. Nagpapanggap lang tong walang pakialam kay Mazer pero ang totoo ay handa nyang gawin ang lahat para dito.

Napailing nalang ako. Ang hirap talaga kalabanin ni Kellis, pailalim kung tumira. Buti nalang nong mga panahon na inaaway ko sya, hindi nya ako pinatulan. At buti nalang kamo, magkaibigan na kami.



"Sya nga pala Kellis." Hindi sya sumagot pero alam ko na hinihintay nya ang susunod kong sasabihin. "Nong inaaway kita, bakit hindi mo ko pinatulan?"



"Yon ba?" Tumango ako. "That was just childish at isa pa." Nginisihan nya ako. "Tinatamad akong patulan ka."


Nanlaki ang mata ko saka sinamaan sya ng tingin.


"Hambog."



***

A/N: Guys baka matagalan ako sa pag-update dahil hindi ako makapagsulat ng maayos. Lumindol kasi ng pagkalakas sa amin kagabi. Kung nabalitaan nyo ang about sa Kidapawan City kanina. Kasali kami don.

But thank God we're safe. Sana maintindihan nyo.

God bless. Keep praying and be safe always. Don't lose hope and faith in God. No matter what happen just keep faithing and praying in him, because praying is the best weapon we can have in this situations.

Loving Kellis Sky ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon