Chapter 10

642 15 0
                                    

Not edited, so sorry...

"ANONG GINAGAWA ng asong 'yan dito?" Yan agad ang bumungad kay Mazer ng makapasok sya sa bahay ng mga Reyes.

Napangiti sya ng alinlangan. Ilang linggo na nyang nililigawan si Kellis pero hanggang ngayon ay hindi parin sya tanggap ng ama nito na si Blake. Napanguso sya ng tinuro sya nito sabay sabing aso raw sya.

"Aba! 'Wag mo akong nginungusuan dyang aso ka. Hinding-hindi ako madadala ng pagpapa-cute mo dyan."

Ngumiti ulit sya dahil ayaw nitong ngumunguso sya.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Napangiwi na sya ngayon, hindi nya kasi alam kung ano ba talagang eksresyon ang ipapakita nya.

Kung ngumiti sya, nagagalit ito. Kung nakanguso naman, nagagalit din ito. Kahit anong gawin nya ay galit parin ito. Kaya nalilito sya kung anong dapat gawin para lang hindi ito magaliy o mainis sa kanya.

"Aba itong asong 'to!" Medyo napaatras sya ng umabante ito at aambagan sya pero nakahinga ng maluwag ng pigilin ito ni Allison.

"Tumigil ka na nga dyan MyKing. Tinatakot mo ang bisita ng anak mo."

"Eh kung palabasin ko kaya sya."

"Shh..." Napatigil si Blake sa pagsasalita. "Tama na, kung hindi tatamaan ka sa akin."

Napakamot nalang sya sa ulo. Kung wala lang si Allison para pigilan si Blake, malamang kanina pa sya nabugbog nito. Buti nalang nandito ang ina ng dalaga.

Napanguso si Blake sa sinabi ni Allison saka pabagsak na umupo sa sofa at tinignan sya ng masama. Napailing nalang si Allison sa inasta ng asawa.

"Pasensyahan mo na ang tito mo Mazer." Paghingi ng paumanhin ni Allison.

"Hindi ko sya kamag-anak kaya hindi nya ako pwedeng tawaginf tito." Singit ni Blake.

Napailing ulit si Allison. "Puntahan muna si Kellis sa garden."

"Sige po tita. Salamat po." Tumingin sya kay Blake. "Tito..."

"Sabi ng 'wag mo akong tawaging tito eh."

Napatakbo sya agad papunta sa garden ng tapunan sya nito ng unan. Hindi nya akalain na ganun pala ka istrikto ang ama ni Kellis. Napatayo sya ng tuwid at ngumiti ng makita ang dalaga na nakaupo sa duyan habang nakatingin sa kanya.

Lumapit sya dito saka naupo sa katabi nitong duyan.

"Buti nakarating ka dito ng buhay." Natatawang biro ni Kellis.

Napatawa sya. "Hindi ko akalain na ganon pala ang daddy mo."

"Ngayon lang sya ganyan. Ikaw lang kasi ang lalaking umakyat ng ligaw sa akin dito."

Napangiti sya. "Naiintindihan ko din naman ang daddy mo. Kung may manligaw din kay Maze, siguro magiging gaya rin kami ni daddy kay tito Blake." Napatingin sya sa langit. "Your dad was just protecting her princess." Tumingin sya sa mga mata ni Kellis. "So do I. I will protect you no matter what happen."

SHE SWALLOWED hard when Mazer said those word then smiled.

"Aasahan ko 'yan."

"Oo naman." Agad na sagot ng binata. "Anyway, are you free tonight?"

"Bakit?" Nagtataka nitong tanong.

"Well," napakunot-noo sya sa inasta nito. "Kung okay lang sayo. Gusto kitang ipakilala sa mga magulang ko mamaya."

Nagulat sya at hindi agad nakasagot. Hindi nya alam kung sadyang mabilis ba ang nangyayari sa kanila o tama lang.

"Kung okay lang sayo." May nakita syang lungkot na dumaan sa mga mata nito ng hindi agad sya nakasagot pero agad din itong nawala. "Pero kung ayaw mo naman ay okay lang. Hindi naman kitq pipilitin eh."

"I will."

"Ha?"

Natawa sya sa reaksyon nito. "Pupunta ako." Huminga sya ng malalim. "And besides, gusto ko din naman makilala ang mga magulang mo."

Ngumiti ng malapat si Mazer saka hinawakan ang dalawa nyang kamay.

"Thank you Kellis. It means so much to me."

Ngumiti lang sya dito. I want to meet them and thank them for bringing you in this world.

WALA PANG ALAS-SYETE ay nakahanda na si Kellis para sa pagpunta sa bahay nina Mazer. Simpleng dress lang ang sinuot nya. Ayaw nya sana pero pinilit sya ng ina nya. Dapat daw maging representate sya harap ng binata. Hindi na sya umalma pa.

"Be a good girl Kellis, okay? Don't loss your temper in front of them."

Napailing sya sa binilin ng ina. "When did I loss my temper mom?"

Allison's mouth form into 'o' as a realization saka tumawa. "Oh right. Your always calm."

Napailing nalang sya sa inasta ng ina.

"Tsk! What so good about letting our daughter go to that dog's house."

"Myking." Allison said in a warning tone. "He is not a dog, Mazer is his name. And besides, sooner or later magiging part din sya ng family natin." Tumingin ito sa kanya. "Right sweetheart?"

Napailing nalang sya dahil alam nya kung anong pinapahiwatig ng ina.

Suporta ang ina nya sa kung ano man ang meron sila ni Mazer. Gusto ng ina nya ang binata dahil nakikita nyang mabait ito.

Yeah. Her Mazer is such a kind and sweet man. Ilang minuto lang ang lumipas ay pinapasok ng katulong si Mazer.

"Mag-iingat kayo."

"Yes po tita." Magalang na sagot ni Mazer kay Allison. Bumaling ito kay Blake. "Alis na po kami tito."

"Ibalik mo ng buo ang anak ko. Kapag 'yan may galos, puputolin ko mga paa't kamay mo." Pagbabanta nito sa binata.

Nakita nya kung paano ito napalunok pero ngumiti pa din.

"Of course tito. I'll bring Kellis here, safe and sound."

Nakita nya kung paano ngumisi ang daddy nya. Nagpaalam na sila saka hinila si Mazer palabas ng bahay nila.



Loving Kellis Sky ReyesOnde histórias criam vida. Descubra agora