Chapter 16

510 14 2
                                    

Not edited...

Kinabukasan ay nabalitaan na lang nya kay Mazer na pinadala si Riley sa ibang bansa ng mga magulang nito. Nanghihinayang man sya at hindi sila nagkaayos bago ito umalis ay okay na din sya, at least wala ng gugulo sa kanila.

HUMAHANGOS na tumatakbo si Mazer habang hinahabol ng tatlong lalaki. Hindi nya malaman kung tama na bang rason ang nabangga nya lang ito para habulin sya nito. Hindi naman nya sinasadya, nag-sorry naman sya.

Basi din sa mga itsura nito ay bully ito ng eskwelahan. Hindi nya akalain na hanggang college ay may bully pa din. Hindi sapat sa mga ito ang paghingi nya ng sorry, gusto nito na bigyan nya ito ng pera para daw matawad sya nito. Syempre hindi sya pumayag, tinakot sya nito na bubugbogin kapag hindi sya sumunod. Dahil sa takot na mabugbog ay tumakbo sya, kaya ito sya ngayon.

Sabihin na nating lalaki nga sya pero wala syang kaalam-alam sa pakikipag-away. Pinalaki sya ng mga magulang nya na 'wag makipag-away ng hindi magkaroon ng away. Upang mabuhay ng tahimik. Mula sapol ay ni minsan hindi sya nakakita ng away. Ngayon lang!

Nang papaliko ay nagtago sya at sinilip ang humahabol at laking gulat ng papalapit na ito, napatingin sya sa paligid at may isang babae na papalapit sa kinaroroonan nya. Huminga sya ng malalim, mukhang wala na syang iba pang magagawa. Nang malapit na sa kanya ang babae ay hinila nya ito saka sinandal sa pader. Inilapit nya ang mukha dito sabay bulong.

"Wag kang maingay."

Ramdam nya ang pagpigil ng hininga nito at gulat. Sino naman ba kasi ang hindi magugulat kung bigla-bigla kang hihilain. Mas inilapit nya pa ang mukha ng makita ang mga humahabol sa kanya. Nasa tenga ng babae ang mukha nya habang palihim na tinitignan ang mga lalaki. Nang makaalis na ang mga ito ay lumayo sya sa babae.

"Sorry sa ginawa ko miss and thank you."

"W-walang anoman." Wala sa sariling sabi nito.

Napakamot nalang sya sa batok saka ngumiti dito bago nagpaalam. Naglalakad na sya papunta sa classroom ni Kellis. Sana lang hindi na nya makita pa ang mga humahabol sa kanya. He really hopes so, dahil gusto nya lang ay tahimik na buhay.

"OH BAKIT PARA hinahabol ka sa itsura mong 'yan?" Iyang agad ang tanong sa kanya ni Kellis nang matagpuan nya ito sa tambayan.

"Paano mo nalaman?" Napakunot-noo bigla ito sa naging tanong nya. Tumikhim sya bagi umupo. "I mean, paano mo naman nasabi na hinahabol ako?" Pag-iiba nya ng tanong.

Ayaw nyang ipaalam sa dalaga ang nangyari sa kanya kanina. Ayaw nya itong mag-alala at lalo nang ayaw nyang madamay ito.

"Pinagpapawisan ka eh." Napangiti sya ng kumukha ito ng panyo saka ito na mismo ang nagpunas sa kanyang mukha na pinagpapawisan.

"Salamat." Ngumiti lang ito biglang ganti. Isinandal nya ang ulo sa balikat nito. "Ang alaga mo talaga."

Hindi ito nagsalita at hinaplos lang ang mukha nya kaya napangiti sya. Ganito lang sana sila. Ganito lang, tahimik at masaya. Kahit hindi pa sya nito sinasagot ay kuntento na sya. Hindi man sila ay para namang sila.

NAGLALAKAD sa library si Kellis para maghanap ng libro na mapaglilibangan nya. Wala silang pasok dahil wala silang prof. Hindi nya kasama ang binata dahil sa pagkakaalam nya ay may klase pa ito. Kasama nya ang kaibigan nyang si Savanna na kanina pa nagrereklamo.

"Kung mag-mall nalang kaya tayo." Suggestion nito habang tumitingin-tingin din ng libro. "My gosh! Nagpapasalamat nga ako dahil wala tayong prof, pero ito naman ako nasa library."

Kanina pa ito nagrereklamo dahil kahit walang klase ay libro parin daw ang pinagkakaabalahan nito.

"Pwede ka namang mag-mall ah. Hindi naman kita pinipilit na samahan ako dito." Tiningnan sya nito ng masama na ikinatawa nya ng mahina.

Loving Kellis Sky ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon