Chapter 24

356 11 0
                                    

Mazer's POV:

"Dre." Napaangat ako ng tingin kay Hunter saka ako napatingin kay Jayden na tinapik ang balikat ko.



Napabuntong hininga ako ng malakas saka malungkot silang tiningnan. Ilang araw na din kasing hindi ko nakikita si Kellis. Pakiramdam ko ay iniiwasan nya talaga ako dahil sa twing pupuntahan ko sya sa room nila ay wala na sya. Hindi ko na din sya nakikita sa tambayan nya. Kahit si Savanna ay hindi ko na nakikita.



"Ilang araw ka ng ganyan."



"Ilang araw na 'kayong' ganyan kamo." Pagtatama ni Hunter sa sinabi ni Jayden. Napabuntong hininga ulit ako.



"Bakit hindi kayo mag-usap? Para naman maayos nyo na ang gulong nyan at bumalik ka na sa dati."



"Paano sila mag-uusap, ni hindi nga nya makita si Kellis."



"Bakit hindi mo sya tawagan?"



"Hindi nya ma-contact. Blinock na ata sya."



"Bakit hindi mo sya puntahan sa kanila?"



"Hindi nga sya nilalabas eh. Galit sa kanya ang pamilya ni Kellis dahil sa ginawa nya."



"Kanina ka pa ah. Ikaw ba kausap ko?" Singhal ni Jayden kay Hunter. "Sabat ka ng sabat eh."



"Eh wala syang balak na sagutin ka eh." Nagkasamaan sila ng tingin.



"Tumahimik ka nga. Don ka naman magaling eh." Napailing nalang ako sa inasta nila. "Oh anong plano mo ngayon?"



"Hindi ko nga alam eh." Napahilamos nalang ako sa mukha ko. "Hindi ko na alam gagawin ko mga dre. Gustong-gusto ko sya makausap para naman maayos namin to. Miss na miss ko na sya, alam nyo ba yon?" Sabay silang napailing kaya naman napa-poker face ako. Papaiyak na ako pero pinagti-tripan parin nila ako.



"Bakit hindi ka humingi ng tulong kay Savanna? Di ba close sila?" Magsasalita na sana si Hunter ng ikuyom nito ang kamao saka ito pinakita sa kanya. "Subukan mong sumagot Hunter at tatamaan ka na talaga sa akin."



Sabay kaming napabuntong hininga ni Jayden ng ngisihan lang ito ni Hunter, tila ba nang-iinis. Tumingin ulit sa akin sa Jayden  habang hinihintay ang sagot ko.



"Ayaw nya akong tulongan." Malungkot kong sabi.



"Bakit naman daw?"


"Gusto nya kung suyuin ko si Kellis ay dapat mag-effort ako. Paano ako mag-e-effort kung ni anino nya ay hindi ko makita? Paano ko sya kakausapin kung palagi nya akong iniiwasan?" Frustrated kong sabi.


"Siguro yon ang effort na sinasabi ni Savanna dre." Napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Ang ibig nyang sabihin sa effort ay kahit hindi mo nakikita si Kellis, bakit hindi mo sya hanapin."



"Palagi ko naman syang hinahanap ah."



"Nang hindi napapagod." Bigla akong natahimik sa sinabi nya. "Hanapin ko sya hanggang sya ang mapagod sa pagtatago, hindi yong ikaw ang napapagod. Kung baga sa panliligaw kahit gaano katagal mo syang niligawan ay handa ka parin maghintay."


Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi nya. Oo nga naman. Ilang buwan kong niligawan si Kellis at kahit pa masungit sya noon ay hindi ko sya tinigilan hanggang sa lumambot sya. Bakit ngayon pa ako pinanghihinaan ng loob? Kung iniiwasan nya ako ay hinding-hindi ako magsasawa na hintayin sya.



Hindi ako mapapagod sa paghahanap sa kanya. Hindi ako susuko, magiging matatag ako sa paghahanap sa kanya hanggang sa sya na ang kusang lumabas at magpakita sa akin.


Napatayo ako habang nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa. Kahit mga loko-loko ito ay hindi ko akalain na may makukuha akong advice na matino mula sa kanila. Hinawakan ko ang balikat ni Jayden.



"Salamat dre. Dahil sa mga sinabi mo ay nabuhayan ulit ako ng pag-asa na magiging okay din kami ni Kellis." Tumingin ako kay Hunter na nakaupo habang nakatingin sa aming dalawa. "Ang swerte ko dahil kaibigan ko kayo."



"Oras na ba?" Tumingin si Hunter sa relong pambisig dahilan para magtaka kami ni Jayden. "Para umiyak." Nakangisi nitong tanong.


Lumapit si Jayden sa kanya saka sya binatukan na ikinatawa lang namin.



"Ikaw talaga. Pinapatay mo ang kadramahan ni Mazer." Nakangisi ding sabi ni Jayden para sabay ko silang dumugin pero nagtatawanan.


Napangiti nalang ako dahil may mga kaibigan akong handa akong damayan. Hindi ko akalain na dadating ang araw na to. Noon, tanging gaming o gimik lang ang pinag-uusapan namin pero ngayon ay nag-a-advice na din sila tungkol sa pag-ibig.



Napaisip tuloy ako. May nakabihag na kaya ng puso nila? Napangiti nalang ako, kung meron man they are sure lucky.



Natigil ang pagbabangayan namin ng may biglang pumasok na babae. Isa sa mga kaklasi namin at hinihingal sya. Parang ang layo ng tinakbo nya.



"Mazer." Hinahabol parin nya ang hininga nya. Bumuga sya ng hangin. "Si Sky." Biglang nanlaki ang mga mata ko ng banggitin nya ang pangalan ni Kellis. Bigla tuloy akong kinabahan. "Sa court."



Hindi ko na hinintay pa na matapos ang sasabihin nya. Tumakbo ako ng mabilis papunta ng court dahil kinakabahan ako at the same time may konting tuwa sa puso ko dahil makikita ko na ulit sya. Ilang araw ko ding hindi nakita ang mukha nya. Miss na miss ko na sya, lalo na ang ngiti nya.



Nang makarating ng court ay naabutan ko ang nagkukumpulan na mga studyante. Ano bang nangyayari? Hindi ko makita si Kellis. Napakunot noo ako ng biglang napasinghap ang mga tao.



"Ano bang nangyayari dito?" Tanong ni Jayden ng mahabol nila ako. "Bakit ang daming tao?"



Nakipagsiksikan ako sa mga tao dito para mapunta sa harap. Ewan ko ba, pero malakas ang kutob ko na nasa gitna si Kellis at hindi ako mapalagay hangga't hindi ko nakikita na ayos lang sya.


Nang makarating ako sa harap ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nagulat. Hindi makapaniwala sa nakikita.


"Nakita mo na ba si Kellis dre? Shit!" Sabay na napamura sina Jayden at Hunter sa nakita nila. Gaya ko ay hindi din sila makapaniwala.



Nasa gitna sina Savanna na naka-cross arm habang nakangisi. Tila ba nagugustohan ang napapanood. Habang may katabi syang lalaki na ngayon ko lang nakita. Napatingin ako sa dalawang tao na pinagtitinginan ng mga tao ngayon at pinagbubulong-bulongan.



Magulo ang buhok at madumi na din ang damit habang may gasgas sa kamay si Trinity na umiiyak na ngayon. Kaming nanonood ay sabay na napasinghap ng biglang hulbutin ni Kellis ang manggas na suot ni Trinity saka walang kahirap-hirap na inangat saka itinaas ang kamao para suntokin ito sa mukha. Biglang napapikit si Trinity.



"Kellis!" Malakas na tawag ko sa kanya dahilan para hindi nya matuloy ang pagsuntok dito.



Ilang hibla nalang ang layo ng kamao nito sa mukha ni Trinity. Sabay silang napatingin sa akin. Napatingin ako kay Trinity na humihingi ng tulong ang mga tingin. Saka ako napatingin kay Kellis na malamig na nakatingin sa akin. Bigla akong kinalabutan dahil sa tingin nya.



Ito ang unang beses na nakita ko ang ganyang tingin nya. Tingin na hindi ko gugustohing ganyang nya ako tingnan. Yong tingin na makakasakit sa puso ko.

Loving Kellis Sky ReyesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ