Chapter 30

366 14 3
                                    

Kellis's POV:

Lumapit sa akin ang ibang lalaki saka inihampas sa akin ang mga hawak nitong baseball bat. Dahil sa mas mabilis ako sa kanila ay agad akong nakaiwas. Hinawakan ko ang kamay ng isa sa mga lalaki saka sinipa ang siko nito dahilan para marinig ko ang tunog ng nabali nitong buto. Agad akong umikot sa likod nito saka sinipa ang katabi nito sa sikmura.

Napaatras ako ng akmang sasaksakin sana ako ng isa pang lalaki. Patuloy lang ako sa pag-atras habang ito naman ay patuloy na inaamba sa akin ang hawak nitong balisong. Napatinag ako ng may biglang humawak sa magkabila kong braso.

"Huli ka." Napatingin ako sa lalaking may hawak ng balisong na nasa harap ko na.

"Pinahirapan mo pa ako ha." Ngumisi ito. "Tingnan natin kung makakaiwas ka pa ngayon." Binigyan ko sya ng nang-aasar na ngiti dahilan para mainis ito at galit na inamba sa akin ang hawak nitong balisong. "Ahhh..."

Bago pa sya makalapit sa akin ay bumend ako ng kaunti para magpabigat saka tumalon. Sa gulat ay napatayo lang ang may hawak sa akin habang tulala. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang balikat nito saka tuloyang lumanding sa likod nito at itulak ito sa lalaking may hawak ng balisong dahilan para ito ang masaksak at bumagsak silang dalawa.

Napaiwas naman ako ng mapansin ko na may hahampas sa akin, dahil sa nakaiwas ako ay nakayuko na sa akin ang lalaki. Hinawakan ko ang ulo nito saka tinuhod ang mukha nito.

Pinulot ko ang hawak nitong baseball bat kanina saka hinarap si Trinity na masamanhg nakatingin sa akin. Medyo malayo sya sa akin para unti-unti akong maglakad papalapit sa kanya.

"Ano pa bang ginagawa nyo? Patayin nyo na ang babaeng 'yan." Malakas nitong sigaw habang nakaturo sa akin dahilan para magsilapitan sa akin ang mga tauhan nito.

Hinahampas at sinisipa ko ang mga ito. Walang awang pinaghahampas sa mga katawan nito. Habang napapatumba ko isa-isa ang mga ito ay tinitingnan ko ng masama si Trinity sa mga mata ito para makaramdam ng takot.

"Ano bang ginagawa nyo? Patayin nyo sabi ang babaeng 'yan eh." Medyo nanginginig na ang boses nito. "Ang dami-dami nyo, nag-iisa lang sya."

Patuloy parin sa pagsulong sa akin ang mga tauhan nito, pero gaya ng kanina ay walang awa ko parin itong pinaghahampas ng hawak kong baseball bat. Hindi ko hahayaang may humadlang sa paglapit ko sa babaeng matagal na akong nagtitimpi.

Sinusumpa ko kapag nakalapit ako sa babaeng 'to ay ipapatikim ko sa kanya ang matagal ko ng kinikimkim na inis. Baka nga mas masuntok ko pa sya kaysa sa masampal. Ang tagal ko ding nagtimpi sa babaeng to. Nagtiis sa mga kadramahan nya. Naging masama sa paningin ni Mazer.

Dapat hindi 'to nagmodel eh, dapat dito nag-artista kasi ang galing umarte. Ilang metro nalang ang layo ko sa kanya ng matapos ko ang huling tauhan nito.

"Mukhang mag-isa ka nalang Trinity." Nginisihan ko sya pero mas ngumisi lang ito dahilan para tumaas ang isa kong kilay.

"Akala mo ba 'yon lang ang meron ako?" May kinuha ito mula sa likod nito at saka itinutok sa akin ang hawak nitong baril. "Akala mo ba nagbibiro lang ako ng sabihin kong papatayin kita?" Kalma lang akong nakatingin sa kanya.

"Akala mo rin ba matatakot na ako sayo dahil sa hawak mong baril?" Napatawa ako. "Don't joke on me like that Trinity, it's funny. Nanginginig pa nga ang mga kamay mo eh."

*BANG*

Bigla nitong ipinutok ang hawak nitong baril na dumaan ang bala sa kanang pisngi ko. Hinawakan ko ang pisngi ko ng may maramdaman akong dumaloy don at hindi nga ako nagkakamali. Dugo. Ngumisi ako.

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now