Chapter 3

1.1K 38 0
                                    

NAPABUGA ng hangin si Kellis ng pagbukas nya sa locker ay bumungad sa kanya ang isang kulay blue na lunch box na alam naman nya kung kanino galing.

Tatlong araw ng nakakalipas ng maganap ang sa ilalim ng puno. Simula non ay hindi na sya tinigilan nito. Kinukulit sya kapag nagkikita sila at ang mas nakapagpainis sa kanya ay ang pagiging madaldal nito.

God, she want a peaceful rest every break time pero hindi nya magawa-gawa dahil sa isang nilalang na dinaig pa ang kabuti sa sobrang kulit na nagngangalang Mazer Sandoval.

"Ano 'yan?" Bago pa sya makasagot ay kinuha na ni Azulan ang lunch box saka binuksan.

"Wow, cookies. Pahingi ha."

Bago pa ito makakuha ay kinuha na nya ang lunch box saka tinakpan at nilagay sa bag nya.

"Damot naman. Para isa lang eh." Nakanguso nitong sabi. Hindi nya ito pinansin at kinuha ang mga kailangan nya. "Kanino ba 'yan galing at ayaw mo ako bigyan."

"Hindi ko alam."

"Imposibleng hindi mo alam. Siguro nagugustohan mo din ang may bigay nyan dahil ayaw mo ako bigyan."

Tiningnan nya ito ng masama dahilan para mapalunok ito.

"Wala akong pakialam sa taong may bigay nito." Hininaan nya ang boses. "Basta sa akin lang ang cookies na 'to."

Napaatras si Azulan habang nakataas ang dalawang kamay na tila ba sumusuko.

"Okay, okay. Sabi mo eh." May pahabol pa itong sinabing pabulong. "Cookies addict."

Kahit bulong ay narinig parin nya ito. Hindi nalang nya ito pinansin.

"Ano nga palang ginagawa mo dito? Don sa kabilang building ang klase mo ah." Sinara na nya ang locker at automatic naman na lumak ito.

"Hindi ba pwedeng gusto lang kitang makita?" Tinaas-taas pa nito ang dalawang kilay.

"Ewan ko sayo." Iniwan na nya ito saka nagsimula ng maglakad.

"Ito naman hindi na mabiro." Sinundan sya nito. "Kellis." Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Kellis!"

***

NAKATULALANG nakatingin sa labas si Mazer at malalim ang iniisip. Nasa loob sya ng room nila at sobrang ingay sa loob nito pero hindi nya naririnig ang ingay ng mga 'to. Naglalakbay ang isip nya sa ibang lugar.

"Dude!" Tawag ni Jayden sa kanya, pero sadyang hindi nya narinig dahil sa lalim ng iniisip nya.

"Anong nangyari dyan?" Tanong ni Hunter kay Jayden nang hindi sila pinansin nito.

Nagkibit-balikat si Jayden. "Malay ko, tayo magkasama di ba? Ba't ako tinatanong mo?"

"Pilosopo ka ah!" Tinuro ni Hunter si Jayden.

"Ops, ops." Tinaas nito ang kamay. "Ito naman, pikon." Natatawa nitong sabi. "Hindi ko din alam kung anong nangyari dyan."

"Dude." Tawag ni Hunter sa kanya.

Nang hindi parin nya ito pinansin ay sinuntok sya nito sa braso pero hindi naman malakas. Tama lang para bumalik sya sa reyalidad.

"Ha?" Wala sa sariling tanong nya. Kinunotan sya ng noo ng mga ito. "Sorry, sorry. May iniisip lang." Napailing-iling sya. "Ano nga palang sabi nyo?"

Kumuha ng upuan si Hunter saka umupo ng patalikod sa upuan. "Bakit parang wala ka ata sa sarili?"

"Oo nga." Umupo sa armchair si Jayden. "Parang ang layo ata ng nilakbay ng isip mo. Mukhang umabot na ng Korea."

Loving Kellis Sky ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon