Chapter 5

911 28 3
                                    

LUNES. Tinatamad na bumaba si Kellis mula sa sasakyan. Medyo hindi maganda ang gising nya dahil kulang sya sa tulog. Kinukulit kasi sya ng mommy nya kagabi. Tinatanong kung sino ba ang lalaking nagugustohan nya.

Napatawa sya ng mapakla. Gusto agad? Hindi pa nga sya sigurado kung gusto na nga nya ba ito. Pero paano nga ba nya malalaman na gusto na nga nya ang binata?

Napailing-iling sya. Arrgh! Bakit nya ba iniisip ang mga bagay na 'yon? Dapat pag-aaral ang inaatupag nya at hindi ang binata. Wala syang oras para sa pag-ibig na 'yan.

Kailangan na nyang iwasan ang binata. Hindi pa sya handang magmahal kung saka-sakali. Lalo namang hindi nya pa kayang masaktan. Basi sa nababasa nya sa libro ay nakakatakot ang magmahal.

Marami kasing nagagawa niyon sa tao. Mapasama man o mapabuti. Kayang gumawa ng masama, mali at makasariling desisyon ang pag-ibig. Kaya din nitong pabobohin ang matalinong tao pagdating dito.

Kaya natatakot sya. Kaya hanggang maaga pa ay iiwasan na nya ang binata. Kung kailangan nya itong takutin, so be it.

Habang naglalakad sa hallway ng campus ay kinuha nya sa bulsa ang phone nya ng mag-vibrate ito.

Walang pasok first subject boss.

Nakahinga sya ng maluwag sa nabasang text galing kay Claire. Salamat naman, dahil mukhang wala talaga sya sa mood na makinig sa klasi kapag magkataon na may pasok sya sa unang subject.

Dumaan sya sa kabilang pasilyo papunta sa tambayan nya. Matutulog muna sya sandali ng mawala-wala naman ang antok nya. Nang makarating ay umupo sya. Pipikit na sana sya ng makarinig ng yapak.

"Pwede bang umalis ka na. Wala ako sa mood para makipag-usap sayo." Agad nyang sabi ng tuloyan na itong makalapit sa kanya.

Ngumiti ito, hindi ininda ang pagiging malamig nya. "Ang aga, ang sungit mo na."

"Umalis ka na."

Imbis na sumunod sa sinabi nya ay umupo pa ito paharap sa kanya. Napapikit sya ng mariin. Mas nagiging mainit ang ulo nya dahil sa katigasan ng ulo ng lalaking ito.

"Wag ka ng masungit. Ngumiti ka naman. Mas maganda kung ngingiti ka."

Ito ang unang beses na hindi bumilis ang tibok ng puso nya ng sinabihan syang maganda. Mas napapikit sya. Pinipigilan ang inis na unti-unti ng nilalamon ang buo nyang sistema.

"Alam mo Kellis, kahit hindi ko pa nakikitang nakangiti ka masasabi ko ng maganda ka. Kahit hindi ka pa nga ngumingiti ay maganda ka na, ano pa kaya kapag ngumiti ka. Baka ma-in..."

"Would you please shut up? Shut up!" Hindi nya mapigilan ang mapasigaw sa inis.

Kitang-kita nya kung paano nagulat ang binata sa pagsigaw nya. Gusto nyang kumalma pero ayaw nya. Dapat ito ang gawin nya, para iwasan na sya ng binata. Para ito na mismo ang lumayo sa kanya.

"Pinapangiti lang naman kita eh." Nakanguso nitong sabi.

Tumayo sya saka ito tiningnan ng masama. "Pwes, hindi ka nakakatulong. I'm so fucking annoyed and pissed and that's because of you. Pwede ba, stop pestering me! Nakakainis ka na. Lagi ka nalang nakabuntot sa akin. Stay away from me before I break your bones."

Napatayo na din si Mazer. "So, totoo nga ang narinig ko na ikaw ang dahilan kaya napilay ang isa sa manliligaw mo noon?"

Bahagya syang natigilan. That was three years ago. Oo, alam ng taga-campus na sya ang may gawa non, but no one know what's the reason behind of it.

"Yes." Sigaw nya. "I did that. Ako nga ang may gawa non. Kaya nga tigilan mo na ako bago ko pa gawin sayo ang ginawa ko sa kanya."

Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang 'yon ay umalis na sya. Iniwan ang binatang nakatulala lang sa kanyang nakatingin.

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now