Chapter 28

781 22 10
                                    

First of all I want to say sorry. Sorry dahil baka mas matagalan pa po ako sa pag-update, because right now I'm fighting for my life. May sakit po ako na pwede kong ikamatay kaya for now kailangan kung iwasan ang mga bagay na nakapagpa-stress sa akin at isa na ang cellphone.

Sorry po talaga. Alam ko na naiintindihan nyo. Ito na muna ang last update ko this year. Goodbye, for now. See you, soon.

***


Trinity's POV:

Napakagat ako sa koko habang magkasalubong ang dalawa kong kilay. Napapaisip ako. Bakit hindi gumagawa ng paraan si Sky para bawiin si Mazer? Sa halip parang hinahayaan nya lang ito na mapunta sa akin.

Tsk. Napatayo ako. No. Alam ko may binabalak ang babaeng to. Tahimik lang pero may pinaplano na pala laban sa akin. Dapat mapaghandaan ko yon. Napalakad-lakad ako at hindi mapakali. Napatingin ako pintuan ng may kumatok saka may pumasok.


"Ready in 3 minutes Trinity." Sabi ng make up artist namin.

"Okay." Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

Nang mawala sya ay doon din nawala ang ngiti ko saka tumingin sa salamin. Naglagay ng kaunting dagdag na lipstick. Kailangan maging maganda ako sa paningin ni Mazer. Para naman ma-realize nya na mas maganda ako kaysa sa Sky na yon. I'm much better than her. So much better.


Hinanda ko na ang matamis kong ngiti bago lumabas sa dressing room. Agad na lumapad ang ngiti ko ng makita si Mazer na inaayos ang damit.


"Masyadong halata Tri."

"Ha? Anong halata?" Napatingin ako kay Ashley na syang photographer namin pero agad ding bumalik ang paningin kay Mazer.

"Halatang in love ka sa kanya."

"Pano mo naman nasabi?"

"Do you know that the eye of the people are the very honest? Nakikita ko sa mga mata mo na mahal mo sya. Every time I took picture of you two, there's a spark in your eyes when you look at him."


Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ito na tila bang nagsasabi na naiintindihan nya ako. Napabaling ulit ako kay Mazer na nakangiti sa mga staff pero hindi abot tenga ang ngiti. Hindi tulad noon.

Hindi ko namamalayan na masyado na pala akong halata. Kaya pala nong una ko palang nakilala si Sky ay ayaw na nya sa akin. Pero bakit ganon? Nakikita nilang may gusto ako kay Mazer, pero bakit ang taong gusto ko ay ni hindi man lang napapansin?

Napabuntong-hininga ako. Ewan ko pero ito ba ang kabayaran ng pagiging selfish ko? Napaghiwalay ko nga sila ni Sky pero ni hindi naman nya ako matingnan bilang isang babae sa mata ng isang lalaki. I want him to look at me the way he look at Sky.

Sinampal ko ng sabay ang magkabila kong pisngi. No Trinity. Hindi ito ang oras o panahon para panghinaan ka ng loob. Nagawa ko ngang mapaghiwalay sila, ang mapasaakin pa kaya si Mazer. Everything is possible to those who people do it in the name of love. Alam ko mapapasaakin din sya.


NATAPOS ang shoot namin at oras na naman ng uwian. Gaya ng nasa plano ko ay hindi na ako nagdadala ng kotse para magkasabay kami ni Mazer sa pag-uwi. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya na nasa compartment at naglalagay ng gamit nya.


Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now