Chapter 17

469 10 0
                                    

NANGINGINIG ANG mga kamay ni Mazer habang nakaupo at kaharap ang mga magulang ni Kellis. Kanina lang ng sinagot sya nito at ito sya, sila ngayon para ipaalam dito ang relasyon nila. Kinakabahan sya dahil sa masamang titig ng ama ni Kellis sa kanya. Kung nakakamatay lang ang titig nito ay kanina pa siguro sya nakabulagta at pinaglalamayan.

Kung gaano kasama ang titig ni Blake sa kanya ay ganon naman ang kabaliktaran ng kay Allison. Nakangiti ito at basi sa nakikita nya sa mga mata nito ay natutuwa ito at alam na kung anong ipinunta nya. Napatingin sya sa katabi ng hawakan ang nanginginig nyang kamay.

Ngumiti si Kellis sa kanya dahilan para kahit kunti ay mawala ang nararamdaman nyang kaba.

"Relax." Nakangiti nitong sabi. "I'm here with you."

Ngumiti sya dito. Huminga ng malalim bago hinarap sina Mr and Mrs. Reyes. Hinawakan ni Allison ang braso ng asawa para pakalmahin.

"Kellis and I..." mas lalong naging masama ang tingin sa kanya ni Blake dahilan para bumara ang lalamunan nya, pero hindi sya magpapatalo sa masama nitong tingin. Papanindigan nya kung ano man ang meron sila ni Kellis. Tumikhim sya para mawala ang bara sa lalamunan nya. "A-are in relationship."

"What?" May diin na tanong ni Blake. Akma itong tatayo ngunit mabilis na pinigilan ni Allison.

Pinatapang na tiningnan nya si Blake. Ipinakita dito na kahit anong mangyari, kahit na tumutol ito ay ipaglalaban nya ang dalaga.

"Yes sir. Kellis and I are in relationship." Hindi nagsalita si Blake kaya naman nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Kanina nya lang po ako sinagot. Kahit na hindi nyo po ako gusto para sa anak nyo ay ipaglalaban ko po sya. Mahal na mahal ko ang anak nyo at hinding-hindi ko po sya susukoan." Nakapatingin sya kay Kellis na hindi nya namalayan na kanina pa pala nakatitig sa kanya. "Hindi ko man mapapangako na hindi ko sya sasaktan dahil wala naman kasing relasyon ang perpekto. Masasaktan at masasaktan namin ang isa't-isa kahit na hindi namin sinasadya." Hinaplos nya ang pisngi ni Kellis dahilan para mapangiti ito saka humarap kina Allison at Blake. "Pero pinapangako ko po na mamahalin ko ng buong puso ang anak nyo."

Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi parin nagsasalita ang mga ito. Kinakabahan na sya dahil sa pananahimik ng mga ito. Hindi nya mabasa kung natutuwa ba ito sa mga sinasabi nya o ano man. Tahimik lang ang mga ito habang nakatingin sa kanya. Gusto nyang tanungin kung sumasang-ayon ba ang mga ito sa relasyon nila ni Kellis o hindi, pero wala na syang lakas ng loob para magtanong.

Pakiramdam nya ay naubos lahat ng lakas nya sa mga sinabi nya na para bang bawat salita na sinasabi nya kanina ay sya ring lakas nya. Napalunok sya ng makitang magkasalubong ang mga kilay ni Blake na nakatingin sa kanya. Ilang segundo pa sya nitong tinitigan bago tumayo saka naglakad papalayo sa kanila.

Gusto nyang manlumo sa ginawa ni Blake dahil hindi man nito sabihin na hindi ito natutuwa ay pinapakita naman nito sa paraan ng kinikilos nito. Ganon ba talaga ang pagkaayaw nito sa kanya para sa anak nito. Ano bang pwede nyang gawin para lang payagan sya, sila ni Kellis na ipagpatuloy ang kasisimula nilang relasyon. Lahat ay gagawin nya para lang matanggap sya nito para sa anak nito. Lahat gagawin nya para lang makuha ang tiwala nito.

Hindi paman tuloyang bumabagsak ang balikat nya ay nagsalita si Blake dahilan para mapaupo sya ng tuwid at mapatingin dito.

"Follow me."

"Yes sir." Agad na sagot nya.

Hindi na sya hinintay nito at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa garden. Tumayo sya saka nagpaalam sa mag-ina.

"Pupuntahan ko lang ang daddy mo." Paalam nya kay Kellis.

"Okay. Basta kaya mo 'yan." Pagpapalakas ng loob nito sa kanya. "Magpakatotoo ka lang sa harap nya, matatanggap ka din nya."

Loving Kellis Sky ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon