Chapter 11

643 18 0
                                    

NINANAMNAM ni Kellis ang pagkakape nya sa isang coffee shop. Gabi na at nasa labas parin sya kasama ang pinsan nyang mukhang binagsakan ng langit dahil sa nakabusangot nitong mukha.

"Kailan ko kaya sya mahahanap?" Wala sa sariling tanong nito habang nakatingin sa malayo.

Alam nya kung sino ang tinutukoy nito at kilala nya din ito, pero wala syang balak na sabihin dito kung saan ito matatagpuan. Gusto nyang ito mismo ang makatagpo sa hinahanap nito.

Napasandal sya saka napatingin sa labas. Napakunot-noo sya ng makitang may babaeng binubulabog ng tatlong lalaki. Hindi na sana nya ito papansinin ng makita ang pamilyar na bulto ng babae.

Wala sa sariling napatayo sya saka lumabas ng coffee shop. Tinatawag sya ni Allexus pero hindi nya ito pinansin, alam nya din naman na susunod ito.

"Sige na miss. Pagbigyan muna kami."

"Oo nga naman. Wag ka nang magpakipot pa."

"Promise dadalhin ka namin sa langit."

Nandidiri sya sa mga pinagsasabi ng mga ito. Halatang nakainom ang mga ito dahil hindi pa sya tuloyang nakakalapit ay naaamoy na nya ang amoy ng alak at sigarilyo.

"No. Get away from me. You stincky eww." Napangiwi sya. Ang arte parin nito kahit kailan.

"Ang arte mo naman. Para isa lang eh."

Akmang hahalikan na ito ng lalaki ng hawakan nya ang ulo nito saka sinipa dahilan para mapahiga ito at mamilipit sa sakit.

"Tol!" Sigaw ng dalawa. "Ang lakas din ng loob mong makialam."

Akmang susuntukin na sya nito ng makaiwas sya saka ito tinuhod sa sikmura. Nang mapayuko ito dahil sa sakit ay hinawakan nya ang ulo nito saka tinuhod ang mukha.

"Gago ka!" Akmang hahampasin sya nito ng kahoy ng mapahinto ito at mapatingin sa lalaking may hawak ng kahoy.

Kitang-kita nya kung papaano manginig sa takot ang lalaki ng makita ang madilim na anyo ni Allexus.

"Alam mo ba na ang babae, minamahal hindi sinasaktan."

Hinampas ni Allexus ang ulo ng lalaki gamit ang hawak nitong kahoy. Sabay-sabay na nagsitakbohan ang mga ito ng akmang hahampasin ulit ito ni Allexus. Napailing nalang sya sa ginawa ng pinsan.

"You okay miss?" Tanong ni Allexus sa babaeng tinulongan nila.

"I'm..." Hindi na nito napatulog ang sasabihin ng makita ang magandang mukha ng binata. "Okay." Napailing sya sa inasta nito.

"Of course she's okay."

Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito ng marinig ang boses nya, sumilip mula sa likod ng binata at mas lalong umasim ang mukha nito ng tuloyan na syang makita.

"Oh! I didn't expect to see you here." Taas kilay nitong sabi.

"Yeah. Me too." Ngisi nya. "Hindi ko inaasahan na dadating sa bansang 'to ang isang maarteng katulad mo."

"Excuse me?" Shock nitong sabi saka nagkonwaring natatawa. "I'm sorry but I don't understand what you're saying." Maarte nitong sabi sabay flip sa kulot nitong buhok.

"Tsk! Kahit buong araw akong magsalita ng tagalog, alam kong naiintindihan mo ako. Arte nito."

Shock itong napatingin sa kanya habang sya naman ay pinaikotan ito ng mata. Kahit kailan ang OA ng babaeng ito.

"I beg your pardon! I'm not maarte."

"See? Sabi mo hindi ka nakakaintindi ng tagalog tapos." Napailing sya. "Tara na nga Allexus." Tawag nya sa pinsan nya.

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now