Chapter 7

797 25 3
                                    

Isang malakas na suntok ang bumungad kay Azulan ng pumasok sya sa tambayan nila magba-barkada. Napamura ito sa sakit ng pisngi. Ramdam ni Azulan ang bilis ng pamamaga nito.

Galit na napatingin ito sa sumuntok sa kanya at biglang nanlambot ang ekspresyon ng makita ang babaeng gusto nito. Si Kellis na kahit walang ekpresyon ang mukha ay ramdam mo naman sa lakas ng suntok na galit ito.

"Kellis?" Hindi sya makapaniwalang sinuntok sya ng dalaga na matagal na nyang palihim na minamahal. "Bakit mo ako sinuntok?"

Ito ang ikalawang beses na sinuntok sya ng dalaga. Ang una ay nong naabutan sila nito na sinusuntok si Mazer.

Tahimik na nakamasid ang mga kaibigan nila sa kanilang dalawa. Tila walang gustong makialam sa away na namamagitan nila.

"Paalala lang 'yan." Malamig na ani Kellis. "Sa susunod na galawin mo si Mazer, hindi lang 'yan ang makukuha mo." Tinalikoran na sya nito saka naglakad.

"Bakit?" Sigaw nyang tanong na nakapagpatigil kay Kellis sa paglalakad. "Bakit ayaw mong saktan ko sya?" Gusto nyang malaman kung gusto ba nito ang binata kaya ayaw nito na saktan nya. "Gusto mo ba sya?"

"Hindi ko alam, pero mahalaga sya sa akin."

Nasaktan sya sa sinabi ni Ice. Hindi man nito inamin na gusto ang binata pero sapat na ang mahalaga para ipamukha sa kanya na malaki ang pag-asa nito sa puso ng dalaga.

Napakuyom at napayuko sya. "Paano ako? Paano ako Kellis?" Umangat ng tingin saka nakatingin kay Kellis na hanggang ngayon ay nakatalikod parin sa kanya. "Mahal kita, matagal na. Simula mga bata pa tayo, magkakilala na tayo. Sya na bago mo palang kakilala ay mahalaga na agad sya sayo."

"Mahalaga ka rin sa akin." Bigla syang napatahimik. "Kayong mga kaibigan ko."

Mas napakuyom sya. "Mahal kita Kellis, pwede mo bang pagbigyan ang nararamdaman ko para sayo?"

Bahagya syang nilingon ng dalaga saka sumagot. "I'm sorry."

Napaluhod sya ng tuluyan ng umalis ang dalaga. Napasuntok sya sa sahig.

"Dude." Tawag sa kanya ni Xyron sabay tapik sa balikat nya.

"Bakit ganon dude? Bakit hindi man lang nya ako matignan bilang hindi isang kaibigan?" Nanlalabo ang paningin nya.

Nakakabakla, pero masisisi nya ba ang mga mata nya kung makikisabay ito sa kabiguan nya. Simula pagkabata ay mahal na nya si Kellis, pero hindi pa sya nanliligaw dito ay wala n syang pag-asa.

Hindi nya alam kung anong dahilan kaya sya nagkakaganito, dahil ba sa pagiging torpe nya at paghihintay ng tamang panahon para ligawan ang dalaga o dahil kahit anong gawin nya ay hindi talaga sya magugustohan ng dalaga. Dahil iba ang nakatakdang magustohan nito.

Natawa sya. Destiny? Yeah right.

"Wag ka ng malungkot dyan dude. Marami pa namang ibang babae dyan. Hindi ka naman mukhang unggoy para matakot na walang magkagusto sayo."

"Gago!" Bago pa nya mabatukan ang kaibigan ay nabatukan na ito ni Charey.

"Aray! Bakit ba bigla-bigla ka nalang nambabatok dyan ha?"

"Gago ka talaga kahit kailan. Wag mong itulad si Azulan sayo na gwapo nga babaero naman."

Tumayo ng tuwid si Xyron saka ngumisi. "Hindi ako babaero, sadyang ang mga babae ng lumalapit sa akin at sino naman ako para tanggihan sila?"

"Yan, yan!" Tinuro ito ni Charey. "Dyan ka magaling. Palagi mo nalang pinaglalaruan ang mga babae." Tinaas nito ang isang kilay. "Makakarma ka din sa ginagawa mo. Hintayin mo lang."

Nagkatinginan sila ni Xyron ng mag-walk out si Charey saka sabay na napailing.

"Mga babae talaga, minsan hindi mo maintindihan." Kibit-balikat nito. "Tara dude, maghanap tayo ng chicks ng hindi ka naman magmukmok dyan. Baka mamaya mag-suicide ka pa."

Sinuntok nya ito sa balikat. "Gago!"

Natawa lang ito kaya natawa na din sya. It's so good to have a friend that always beside you no matter what happen.

***

MALAKAS NA napabuntong hininga si Kellis ng makapasok sya sa bahay nila. Hindi nya inaasahan ang nangyari kanina.

"Sweetheart?" Napatingin sya sa mommy nya na nakangiti sa kanya. "You want some cookies?"

Napangiti sya sa sinabi nito. Pareho silang napaupo sa duyan na nasa rooftop garden ng bahay nila. Kumuha sya ng cookie saka tahimik na kumain habang nakatingin sa langit.

Tumikhim ang mommy nya. Hindi nya ito nilingon, alam naman nya kung anong sasabihin nito.

"Balita ko sinuntok mo daw si Azulan."

Napaisip sya ng malalim sa sinabi ng ina nya. Kanina ng pumunta sya sa tambayan nila ay ang nasa isip nya ay ang mukha ni Mazer na may galos.

Nang maalala nya ang mga sugat nito ay biglang nang-init ang ulo nya at nang makita nya si Azulan ay agad nya itong nasuntok. Napahilamos sya sa mukha.

"I'm so fuck up!" Tiningnan nya ng masama si Allison ng tumawa ito. "What so funny mom?" Inis nyang tanong.

She's pissed. She's fuck up but her mom was just laughing at her.

"Your getting into love sweety." Napakunot-noo sya saka napailing. Here they are again. Talking love. "But I never expected na ganito ka makakaramdam ng pag-ibig."

"Mom, your just making me more confuse. Could you just stop talking those love thingy. I told you, I don't love him."

"But you like him." Napatahimik sya.

Her mom was right. She like Mazer, but.

"But that doesn't mean I will love him. Oo gusto ko sya, pero don nalang 'yon."

"Bakit?"

Napaiwas sya ng tingin. Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi nya pwedeng mahalin ang isang katulad ni Mazer. Maybe because Mazer is a sweet guy and her? Ni hindi nga nya alam kung paano ipakita ang emosyon nya.

"Natatakot kang masaktan?" No, she's not. Hindi sya sumagot. "O natatakot kang masaktan mo sya?"

Yes. Natatakot syang saktan ang binatang nagmamahal sa kanya. Hindi nya alam kung kaya din nya bang ibalik ang pagmamahal na gusto nito. She like Mazer, pero enough na ba 'yon para pagbigyan ito?

Paano kung masaktan nya ito? Paano kung dahil sa kanya ay hindi na ito makangiti katulad ng dati? Paano kung dahil sa kanya ay hindi na nya makita ang magaganda nitong ngiti na nakapagpabilis ng tibok ng puso nya.

She's really afraid to hurt Mazer. Iniisip palang nya na masasaktan nya ito ay nasasaktan na din sya.

"You don't need to be afraid Kellis."

Napatingin sya sa ina. "Paano kung masaktan ko sya mom? I... I don't want to hurt him."

Hinaplos ni Allison ang buhok nya. "Sa pag-ibig Kellis, may masasaktan talaga. Pero ito ang tandaan mo. Hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao kapag hindi ka nasaktan."

"What if he dumb me?"

Ngumiti ito. "I know he won't. I can see the way he look at you at alam ko na nakikita mo din 'yon."

Yes, she can see that. There something spark in Mazer gaze.

"Should I try?" Tanong nya sa ina.

"You should dear. Hayaan mo naman na sumaya ang sarili mo. Don't be to aloof."

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now