Chapter 19

397 15 2
                                    

Kellis's POV:

Nakaupo kami sa isang bench ni Mazer. Nagbabasa ako habang sya naman ay may sinusulat para daw sa isang subject nya. Ganito kami kapag pareho kaming may free time. Minsan ay sa library kami tumatambay o kaya sa tambayan namin.

Natutuwa ako dahil ganito kami kapag pareho kaming may free time sa school. Nakikipag-date lang sya kapag weekends. Pero sa tingin ko ay mababago na ang schedule nya. Hindi ko alam kung kailan magsisimula ang pagmo-model nya. Hindi pa din kasi namin napag-uusapan 'yon dahil naging busy kami sa pag-aaral.

Malapit na kasi ang midterm kaya pareho kaming tutok sa pag-aaral, lalo na si Mazer. Gusto nyang tutok parin sya sa pag-aaral kahit na nagmo-model sya. He don't want his father to be disappointed at proud ako sa kanya dahil napagsasabay nya 'yon.

"Hi Mazer." Sabay kaming napaangat ng tingin ni Mazer sa pinanggalingan ng boses. "Hi Kellis."

Nangunot ang noo ko ng makita ang nakangiting si Trinity. Nagtaka sa biglang pagsulpot nya. Hindi ako nagsalita dahil kay Mazer sya nakatingin. Nandito na naman ang ibang pakiramdam ko. Bakit parang nakikita ko kung paano nya tingnan si Mazer. May iba eh.

"Oh, Trinity." Nakangiti namang bati ni Mazer sa kanya.

"Tinawag kita kanina pagkatapos ng klasi natin pero mukhang hindi mo ako narinig. Mukhang nagmamadali ka eh." Sabi nito at pasimple akong tiningnan.

Blangko ko syang tiningnan, ni ngiti ay wala akong pinakita sa kanya. Kahit kailan ay ayaw kong makipagplastikan. Kapag ayaw ko sa isang tao ay ayaw ko talaga. Hindi ako ngingiti para lang ipakita na hindi ako masungit. Masungit na kung masungit ang tingin nila sa akin kaysa naman plastik gaya ng nasa harap ko ngayon na sigurado akong lulutang kapag bumaha.

"Ganon ba? Sorry." Napakamot ito sa batok. "Nagmamadali kasi ako kanina kasi pupuntahan ko pa si Kellis."

"Maid ka na pala nya ngayon?" Natatawang tanong nito.

"A-ano?" nagtatakang tanong ni Mazer ng hindi ma-gets ang sinabi ng kaharap.

"Hahaha biro lang. Ang ibig kong sabihin ay ang sweet mo naman. Sinusundo mo pala sya."

"Ahh..." tumawa din ito. "Yeah. Palagi ko naman syang sinusundo eh."

Napasiring ako. Pinagloloko ka na nga, binibili mo pa ang biro. Halata namang hindi biro ang sinabi nya. Pinapahiwatig lang nito na dapat hindi na gawin ni Mazer ang pagsundo sa kanya.

"Ang sweet mo naman. Sana maging boyfriend kita." Nawala ang ngiti ni Mazer at napalitan ng gulat habang ako ay pinagmamasdan ang kaharap ko. "I mean kagaya mo sa ang maging boyfriend ko, malambing na ay susunduin din ako."

Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis pero hindi sa paningin ko dahil mas nakikita ko ang pagiging bitter at kadespiradahan nya. Tumawa lang ang katabi ko pero halatang napipilitan.

"Wag kang mag-aalala may dadating din na para sayo, mas malambing pa sa akin."

"Sana nga." Ngumiti pa ito. "Oh sya, kita nalang tayo sa set mamaya. Bye."

Tiningnan ko si Trinity papalayo hanggang sa hindi ko na sya matanaw saka lang ako napatingin kay Mazer na alam kung kanina pa nakatingin sa akin. Alam ko kanina pa nyang gustong magsalita pero dahil sa hindi ako nakatingin sa kanya ay hindi pa ito nagsasalita.

"Speak." Kinuha ko ang libro saka kunwaring nagbabasa.

Hinarang nya ang kamay sa libro saka ito marahan na kinuha at nilagay sa mesa. Hinawakan nya ang baba ko saka pinaharap sa kanya dahilan para magtagpo ang mga mata namin. May paghingi ng pag-iintindi ang mga tingin.

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now