Chapter 22

468 14 3
                                    

This chapter is dedicated to:

girlish23

Thank you for supporting my story. Enjoy :)




Mazer's POV:

"Dre." Napatingin ako kay Hunter na binaliktad ang upuan saka umupo. "Musta trabaho mo?"

"Oo nga dre." Kay Jayden naman ako napatingin. "Ilang araw ka na naming hindi nakikita at nakakasama sa mga gimik natin ah. Busy'ng busy ka eh."

"Nyaaay! Mayaman na to eh. Libre naman dyan."

"Mga sira." Napailing-iling ako. "Lumapit lang ata kayo sa akin para lang magpalibre at hindi para kumustahin ako eh." Sabay na tumawa ang dalawa.

"Alam mo dre," Tinapik ako sa balikat ni Jayden. "Kinukumusta ka talaga namin at pangalawa na yong sadya namin na magpalibre."

"Mga gago." Nagtawanan kaming tatlo.

"Seryoso na nga." Sabi ni Hunter. "So kumusta nga ang trabaho mo?"

"Okay naman. Mahirap sa umpisa kasi nangangapa pero buti nalang mabait ang mga katrabaho ko lalo na si Trinity, ang bait nya at palagi nya akong sinasabihan kung anong dapat kung gawin kaya naman napapadali." Masayang kwento ko sa kanila.

"Nyaaay! May gusto ka na kay Trinity no?" Panunukso ni Jayden na sinang-ayonan naman ni Hunter.

"Oo nga, puro Trinity bukambibig eh. Sabagay hindi naman talaga mahirap na magustohan si Trinity, bukod kasi sa mabait na, maganda pa." Napatingin ako sa tinitingnan ni Hunter. Nakatingin ito kay Trinity.

"Ano ba kayo. Wala no. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Isa pa, alam nyo naman na may Kellis na ako di ba?"

"Sabagay." Sabay nilang sabi.

"Kayo talaga. Kahit ano nalang pinag-iisip mo."

"Hindi naman sa nakikialam kami dre," Napakunot noo ako ng bigla silang sumeryoso. Hindi kasi ako sanay na seryoso sila. "Pero wag naman masyadong close. Alam namin na magkaibigan lang kayo, naiintindihan namin yon pero ang ibang tao na makakita ng closeness nyo, gaya namin ganun din kaya ang naiisip nila?"

"May point si Hunter dre. Lalo na't nalaman namin na ilang beses ka na palang pumunta sa bahay nila." Nagulat ako sa sinabi ni Jayden.

"Paano nyo nalaman yan?"

"Maraming mata at tenga ang mundong ito dre." Napatingin ako kay Hunter. "Buti nalang at ako ang nakakita, paano nalang kung iba? Lalo na si Kellis? Anong sasabihin mo?"

"Ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit ako nandon."

"Yon lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jayden.

"Oo. Yon lang." Ngumiti ako sa kanila. "Maiintindihan naman nya kapag nagpaliwanag ako. Alam nyo kasi, maintindihin si Kellis kahit na hindi halata. Kahit nga wala na akong masyadong time sa kanya ay naiintindihan nya parin, kasi nga pangarap ko to at gusto nyang matupad kung ano mang pangarap ko. So, I'm sure she will understand it. At isa pa, malaki ang tiwala nya sa akin."

"Sana nga dre. Sana nga maintindihan nya gaya ng sinasabi mo." Tinapik-tapik ako nito sa balikat saka sila nagpaalam.

Napailing nalang ako sa kawerduhan nila. Wala akong nararamdaman na kaba o takot na baka malaman nga ni Kellis ang pagpunta ko sa bahay ni Trinity dahil alam kong maiintindihan nya kapag nagpaliwanag ako sa kanya.

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now