Chapter 20

441 8 0
                                    

Isang maulan na umaga. May bago po akong story na ginawa. Actually, hindi na sya bago dahil matagal na syang tambak sa draft ko. Almost 2years na din. Sabay lang sila noon ng TKMTB pero in-unpublish ko kasi naka-fucos lang ako sa TKMTB noon. Ngayon na nakita ko sya ulit at binasa ay napagdesisyonan ko na ipagpatuloy na sya. Hope basahin at suportahan nyo din po ito.

She's MY man hater is ON...

Kellis's POV:

Gabi na kung mag-text sa akin si Mazer kapag papauwi na sya mula sa set. Minsan quarter to 11 na sya kung mag-text. Minsan naman kapag tumatawag sya ay natutulogan na nya ako. Pagod sya kaya naman naiintindihan ko.

Mas gusto ko pa nga na makapagpahinga nalang sya kaysa tawagan pa nya ako pero dahil makulit sya ay tumatawag pa din sya. Nawawala daw kasi ang pagod nya sa twing naririnig nya ang boses ko. Hindi ko alam kung pinagluluko lang ba nya ako o ano.

Ngayon ay weekends. Nandito ako sa mall, gumagala ng mag-isa. May hinahanap kasi akong libro sa book store kaya nandito ako. Wala si Mazer para samahan ako dahil may shoot sya ngayon. Simula ng mag-umpisa sya sa trabaho nya ay sunod-sunod na ang mga trabaho nya.

Para bang nakatambak na ang mga trabahong yon dahil hinihintay lang sya. Ngayon na nandyan na sya ay sunod-sunod na ang trabaho nya. Hindi naman ako nagagalit o kung ano man dahil lang sa wala na syang oras sa akin, bagkus ay proud ako sa kanya.

Nang makapasok sa book store ay agad kong hinanap ang librong kailangan ko, nang mahanap ay kinuha ko ito at naglakad-lakad para maghanap ng librong babasahin ko. Nang makakita ng iilan ay kinuha ko ito saka binayaran.

Nang matapos ay pumunta ako sa DVD store para bumili nang magandang pwedeng panuorin. Bored ang araw ko, walang magawa kaya bibili nalang ako ng DVD. Napunta ako sa anime section at may nakakuha ng atensyon ko. May babae at lalaki na magkadikit ang noo at ang background nila ay isang shooting star na nag-split. Kukunin ko na sana ng may naunang kamay sa akin.

"Kimi no na wa, in English 'Your name." Napalingon ako sa lalaking nagsalita.

Blangko akong nakatingin sa kanya habang nakangiti naman sya. Pinagmasdan ko sya at masasabi kong may maipagmamalaki syang mukha pero hindi papantay sa mukha ni Mazer.

Tsk! Wala na atang gagwapo don para sa akin. Napailing nalang ako. Ganon ba kapag tinamaan ka ng pag-ibig ay ang taong mahal mo nalang ang pinakagwapo.

"Nice pick." Patango-tango nitong sabi na nakatingin sa DVD na kukunin ko sana saka ito tumingin sa akin. "May I know your name?"

"No." Kumuha ako ng isa pang-copy saka tumingin-tingin ng iba.

"Alam mo bang maganda ang movie na to?"

Hindi ko tinatanong.

Hindi ko sya pinansin. Iniisip ko na isa lang syang hangin. Isang pakialamero at maingay na hangin.

"Tungkol sa dalawang taong nagmamahalan pero magkaiba ang oras na pinanggalingan."

Tiningnan ko sya dahil naiirita ako sa mga sinasabi nya. Sa blangkong pagtingin ko sa kanya ay nandon parin ang ngiti sa mga labi nya na para bang hindi iyon matatanggal kahit anong pagsusungit ko sa kanya.

"Kaya ko ng binili para panoorin. Don't spoil the movie, baka mawalan ako ng gana." Tumingin na ulit ako sa mga DVD na pwede ko pang bilhin.

"Ganon ka ba? Kapag nawalan na ng gana sa relasyon ay aayawan na?" Nakakunot ang noo ko habang namimili. Hindi ba talaga sya titigil. "Ganon kasi ang ex ko."

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now