Chapter 1

1.8K 44 0
                                    

Listening to 'Our dawn is hotter than day' by Seventeen while typing this chapter.

Oh, napaaga ang update dahil sa kantang 'to. Nakaka-inspired eh. Lalo na si Woo Zi. Kawaii!! Sa sobrang adik ko sa kanya ay na memorize ko din ang sayaw nito sa loob ng isang araw. Haha

Oh sya, enjoy reading :)

#WooZi
#LeeJehoon

***

"NARINIG nyo na ba ang balita?"

"Na lipipat na dito si Mazer?" Tumango ang babae. "Oo naman. Kalat na kaya sa buong campus."

"Gosh! Excited na akong makita sya." Kinikilig na sabi ng isa.

"Ako din. Sayang lang at hindi sya naging idol katulad ng daddy nya."

"Oo nga eh. Pero ang swerte parin natin dahil dito sya lilipat."

Lihim na napailing si Kellis ng marinig ang tili ng isang grupo ng kababaihan na nakatambay sa isang bench na nadaanan nya. Hindi nya lubos maisip kung anong ikinatitili sa isang lalaki.

Napailing nalang sya. Paano nga ba nya malalaman kung ni minsan ay hindi pa sya umibig? Paano din nga pala nya mararanasan kung ni isa man sa mga manliligaw nya ay hindi nya pinagbigyan.

Napa-tsk sya.

Sakit lang sa ulo ang mga lalaki.

Except sa papa at mga tito nya na ang babait sa kanya. Magga-graduate na sya ng college at wala syang balak na kumuha ng dahilan para pasakitin ang ulo nya.

Nakalipas na ang tatlong taon ng may magtangka sa kanyang manligaw. Ang huling nagtaka ay pinilayan nya. That jerk deserve it. Gusto ba naman syang bugbugin dahil lang sa ginawa nyang pagpapahiya nito.

Dahil sa nangyari ay may na-realize sya. Ang mga lalaki talaga ay magaling lang sa umpisa. Porsigedo kung manligaw, lahat ginagawa para lang mapasagot ng kababaihan, with a lot of sweet tongue. Kapag nakuha na ang gusto ay para na itong basurang iiwan.

Napatawa sya. Sasabihin pa sayo na ibibigay nya ang lahat mapasagot ka lang. Pati stress at sakit ng ulo ay ibinigay nya.

Kaya ayaw nya sa love-love na 'yan eh. Sasakit lang ang ulo nya. Napaisip sya. Her parents are not like that. Nakikita nya sa mga mata ng magulang nya ang pagmamahal nito para sa isa't-isa.

Maybe that what they called true love. Only true love can prove forever. Kahit na mamatay ang mahal mo ay mamahalin mo parin sya kahit na alam mong wala na sya, na hindi mo na sya makikita at makakasama.

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now